Chapter 1: The wrong beginning

120 3 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 1
_____________________________________________________________________

"50 million, is that enough?" Inabot ng isang lalaking nasa mid 40's na ang isang litrato at isang brown envelope. Prente itong naka-upo sa kanyang swivel chair habang tinitignan ang pinag-abutan niya ng litrato at envelope.

Isang hunter ang kaharap nito ngayon at ayon sa kanyang source ay ang pinakatanyag dahil wala pa itong naging palpak kahit minsan.

Ang mga hunter ay mga bayarang mamamaslang, they are people whose identity is concealed even with their own clients.

Ang hunter sa kanyang harap ay kilala niya lamang sa alyas na 'Kill'. Ni hindi niya magawang makita ang mukha ng hunter dahil sa telang nakabalot sa kalahati ng mukha nito na tumatakip sa bibig nito hanggang sa ilong. Ang alam niya lang ay kulay abo ang mga mata nito.

Matapos nitong tignan ang litrato at mga impormasyong nakapaloob sa envelope ay tumitig ito sa kanyang kliyente. Kinilabutan ang matanda sa mga titig niya dahil bakas roon ang galit, sa di niya malamang dahilan. Tumikhim muna siya bago magsalita, "Magkano ba ang gusto mong down payment? Name your price... or you want more?"

"Hindi ko kailangan ng down payment basta't siguraduhin mo na babayaran mo ko as soon as you got the news of him being killed" napatango nalang ang kliyente. Tumayo na si Kill at akmang aalis na sa mansyon ng lalaki.

"Sandali! hindi ba natin paguusapan kung kailan mo siya itutumba?" Nilingon siyang muli ng hunter at sa isang iglap lang ay nasa harapan na niya ulit ang hunter, ang tanging naglalayo lamang sa kanilang distansya ay ang working table sa gitna nila. Hindi nakagalaw ang kliyente sa kanyang kinauupuan. Pakiramdam niya ay kahit anong oras ay maaaring gumulong ang ulo niya sa marmol na sahig ng kanyang mansyon.

Sa isang kumpas ng kamay ay nabasag at nagtalsikan ang malaking glass window sa gilid nila na kung tutuusin ay bulletproof at gawa sa makapal na salamin. Hindi manlang ito hinawakan o nilapitan ng hunter ngunit nagawa nitong pag pirapirasuhin ito na parang gawa lang sa papel.

"Shout at me again and you'll be dead!" Matapos ng pagbabantang yun ay umalis na ito na parang walang nangyari.

...

Nang makauwi ang hunter sa kanyang tinutuluyan ay agad nitong tinanggal ang tela sa mukha at initsa nalang sa kung saan. Hanggang ngayon ay nanggagalaiti parin siya, ayaw na ayaw niyang sinisigawan o kaya naman ay dinidiktahan.

WALA SILANG KARAPATAN!

Tumungo siya sa kanyang kwarto at umupo sa kama habang bitbit parin ang brown envelope na naglalaman ng impormasyon sa next target niya. Binasa niyang muli ang pangalan ng target niya.

"Clark Matthew Verlin..."

Nawala ang inis niya at lumitaw ang isang ngisi sa kanyang labi. Verlin. ngayon nalang niya ulit narinig ang apilyidong iyon

-

Kinabukasan ay naghanda na siya, isinuot niyang muli ang isang itim na tela upang matakpan ang kanyang mukha, pulos itim din ang kanyang kasuotan. Saktong alas-singko ay umalis na siya ng tinutuluyan, hindi na siya nag-abala pang magdala ng kahit anong sandata dahil gusto niyang tapusin ang kanyang misyon gamit lamang ang dalawang kamay...

Agad siyang nakarating sa mansyon ng kanyang target, sa di kalayuan ay nakatanaw siya sa manyon. Pinagmamasdan niya ang mga guards na pa kalat-kalat sa loob. Marami ang mga iyon ngunit hindi siya natatakot, katumbas niya ang isang daang sundalo na may armas o baka nga higit pa. Kampante siyang naglakad papunta sa harap ng malaking gate. Nang mapansin siya ng isa sa mga guard ay agad siyang sinita nito.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon