Chapter 14:Going Home Already?

27 3 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 14
________________________________________________________________________

Alas-quatro ng umaga ng magising si Aimielle, maaga siyang nagising dahil kailangan na nilang umuwi. Sabay na lumabas si Aimielle at Gabriel.

"Ang tagal niyo." Komento ni Stefen, naroon rin si Yce at Jacob.

"Tara na."Pag-aaya ni Yce.

"Teka kasama ka rin?"Tanong ni Gabriel kay Yce.

"Oo, pati si Stefen. Siya na ang mag-da-drive"Sumakay na silang lahat ng van na pagmamay-ari nina Jacob. Tulad nga ng sabi ni Yce ay si Stefen ang nasa driver's seat at katabi nito si Jacob habang si Gabriel naman ay napapagitnaan ni Aimielle at Yce.

Akala ni Aimielle ay magiging tahimik ang kanilang biyahe ngunit mukhang mali ang akala niya. Walang ginawa ang mga kasama niya kundi magkulitan, mag-sound trip at kumain. Hindi akalain ni Aimielle na may handa palang sangkatutak na pagkain si Jacob at nakakatuwa pa na kahit hindi seryoso ang mga ito at nilalaro lang ang mga kanta ay masarap pa ring pakinggan ang mga boses nila, ngayon lang rin nalaman ni Aimielle na may talento pala sa pagkanta si Gabriel. Wala ring humpay ang mga ito sa pag-ku-kwentuhan at pag-aasaran.

"Aimielle, alam mo bang walang bukang bibig dati yang si Gabriel kundi ikaw?"Pambubuking ni Jacob kay Gabriel. Natawa naman si Aimielle at lumingon sa namumulang si Gabriel. "Ikaw nga diyan 'tong torpe since birth. Hanggang ngayon di ka pa rin umaamin kay Destiny." Natatawang sagot ni Yce at natameme si Jacob.

"Hoy! Wala namang ganyanan!"Nagtawanan silang lahat. Maya-maya'y nagsimula ng bumigat ang trapiko. Nagkukulitan parin ang mga lalaki maliban kay Stefen na nakikitawa lang, si Aimielle naman ay nakadungaw sa bintana. Kita mula sa kanilang sasakyan ang mataas na ferris wheel at ilang nagtataasang rides ng isang sikat na amusement park. Napangiti si Aimielle sahil naaalala niya ang kanyang mga yumaong mga magulang, marami rin kasi silang ala-ala sa lugar na iyon. Napansin ito ni Stefen kaya naman dumungaw rin siya para makita ang sinisilip ni Aimielle . "Amusement Park?" Naibulalas ni Stefen at tinitigan siya ng mga kasama niya.

"Ang sabi ko gusto kong pumunta ng amusement park, kayo ba?Wala naman sigurong masamang ma-late tayo makauwi?"Nagulat si Aimielle, hindi kaya nakita siya ni Stefen kaya ito nag-aya?

"Well kung ayos lang kay Aimielle at Gabriel, sila naman ang hinhatid natin."Sagot naman ni Jacob na sinang-ayunan ni Yce. Tumingin si Gabriel kay Aimielle na parang sinasabi na 'nasa iyo ang desisyon' at masaya namang tumango si Aimielle.

"Yes! At dahil si Stefen ang nag-yaya ay ililibre niya tayong lahat!" Sigaw ni Jacob at napa-buntong hininga nalang si Stefen."Ano pa nga ba?"

"Oh saan tayo?"Tanong ni Yce nang makalagpas na sila ng entrance, mukhang excited din ang loko. Nagka-tinginan lang sila at walang sumagot sa tanong ni Yce.

"Nice, seen zoned ako"

"Mag-bump car kaya tayo?"Kalaunan ay suggest ni Gabriel at nagsimula na rin silang libutin ang lugar para hanapin kung nasaan ang bumpcars. Habang naglalakad sila ay may ilang babaeng napapalingon sa direksyon nila. Hindi na nagtataka pa si Aimielle, mukhang takaw atensyon talaga ang mga kasama niya. Mabuti nalang rin at lahat sila ay naka-suot ng contact lense kundi ay masyado na talaga silang agaw-atensyon sa mga tao. Mukha namang siya lang ang nakakapansin na pinagtitinginan na sila dahil walang pakialam ang apat sa paligid nila dahil nag pa-plano na ang mga ito ng susunod na pupuntahan.

Nang mahanap nila ang kanilang hinahanap ay agad rin silang pumila. Hindi man pinapahalata ni Aimielle ay naririnig niya ang usapan ng mga babae sa likuran nila.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon