Chapter 6:The Hunter's Past

56 2 1
                                    


Hunter's First Love~Chapter 6
__________________________________________________________

Naisipan ng hunter na lumabas ngayon, kumbaga ay day-off niya ang araw na ito. Palabas na siya sa kanyang tinatawag na tirahan, ang kanyang tirahan ay mukhang lumang gusali sa labas at ganun din naman sa loob pwera nalang sa nagsisilbing kuwarto niya na may iilang gamit at kasama na rin ang kama.Ngayong araw na ito ay hindi muna siya si 'Kill' na isang mamatay tao. Siya muna si Karl Braize. Sa pag kakaalam niya ay siya nalang ang natira sa kanilang angkan at nakaligtas lamang siya dahil rin mismo sa sakripisyo ng kanyang pamilya....

Magkasamang nagsasanay ang magkapatid na Karl at Knight Keifer Braize. Walong taon palang si Karl noon at ang kanyang kuya Keifer ay labing anim na taon na. Si Keifer ang nagsisilbing guro sa kanya at talaga namang iniidolo niya ang kanyang kapatid.

Masasabing angat sa ibang ka-edad niya si Karl dahil sa nakakaya ng gamitin ni Karl ang ikalawang elemento na hawak ng kanilanng angkan;ang kuryente. Dahil don ay mas mahigpit ang pagsasanay na ibinibigay ng kanyang kuya ngunit dahil sa musmos pa ang kaisipan ay paglalaro lang ang lahat ng iyon para sa kanya.

"Sige Karl subukan mong gumawa ng kuryente tapos ibato mo sa direksyon ko"Sabi ng kanyang kuya na nasa di kalayuan mula sa kinatatayuan niya. Agad naman siyang sumunod, madali lang siyang nakagawa ng kuryente na dumaloy sa mga kamay niya na parang may hawak lang itong pailaw dahil sa patuloy lang itong kumikislap. Ngunit bago pa tumama ang atake ay kusa itong nawala ng parang bula. Napakamot na lamang si Karl ng batok na parang nagtataka, dahil don ay napabunghalit ng tawa ang kanyang kuya.

"Uy kuya! Maubos naman ang tawa sa mundo saka wag mo ngang pagtawanan si bunso!"Pakunwaring galit na saway ng bagong dating, siya naman ang ate ni Karl. Si Keithleen ay pangalawa sa tatlong magkakapatid na noon ay labing limang taon na.

"Ang kj mo talaga." kahit si Keifer ang pinakamatanda ay mas isip bata pa talaga ito sa kanyang mga kapatid.

"Naku kuya para kang ewan. Tara Karl kain ka na ng merienda"Yaya ni Keithleen sa kanyang kapatid, agad namang umalma ang kanilang kuya."Huy ba't si Karl lang? Bakit wala ako?"

"Sino bang mas matanda sa atin?"Balik tanong ni Keithleen

"Ako malamang!"Proud pang sabi ng kanilang 'kuya'

"Oh diba mas matanda ka sakin? Malaki ka na kaya mo ng gumawa ng iyo!" Keifer pouted and this time Karl was the one who burst into laughter.

"Kuya mukha kang pato!" Nakisabay na rin sa tawanan si Keithleen. Larawan sila ng isang masayang pamilya. Sila ay mga anak nina Sky at Ico Braize na kapawa protectors ng mag-asawang head ng kanilang pamilya. Pangarap rin noon ni Karl na maging isang protector balang araw tulad ng kanyang mga magulang.

Mismong araw ng Ika-labinganim na kaarawan ni Karl. Natapos narin ang simpleng selebrasyon at nakaalis narin ang kanilang mga magulang dahil may trabaho pa silang dapat gampanan. Masaya si Karl dahil kumpleto silang nagdaos ng kaniyang kaarawan ngunit agad ring natapos ang 'masayang' araw na iyon nang pasukin ang kanilang tahanan ng humigit kumulang dalawampung tao na pulos may maskara ang mga mukha. Lahat ng mga iyon ay mga element-user mula sa tatlo pang ibang clan.

Natural ay nagtaka ang magkakapatid at sinubukang alamin kung ano ba ang pakay ng mga iyon sa kanila ngunit nagulat nalang sila ng sinimulan ng mga itong atakihin sila. Hindi nila alam ang dahilan ng mga ito dahil ang pagkakaalam naman ni Karl ay maayos ang relasyon ng apat na clans ngunit kahit ano pa ay dapat silang lumaban dahil mukhang walang balak ang mga ito na buhayin sila.

Tumulong siya sa pakikipaglaban at hinarap ang isang Lumen. Ang hindi niya alam ay mayroon palang nagbabalak atakihin siya mula sa likod at nakita yun ng kanyang kuya Keifer.

"Kuya!!" magkapanabay na sigaw ni Karl at Keithleen.

Sinangga ni Keifer ang dapat sana'y atake para sa kanya. Isang Glaciem ang nakapatay sa kanyang kuya, deretso sa puso ang patalim nitong gawa sa yelo dahil don ay tuluyang nagyelo ng literal ang puso ni Keifer at tuluyan ng tumigil sa pagtibok.

Kapwa sumabog sa galit ang dalawa, lumakas ang hangin na parang liliparin na ang kanilang munting tahanan at pati ang kanilang mga kalaban na nangyari nga. Ang ilan ay nagtalsikan sa kung saan-saang parte ng bahay. Ang mga matira ay magkakasabay na sumugod ng humupa ang napakalakas na hangin.

Sabay na hinarap ng magkapatid ang mga kalaban ng buong tapang at lakas.

Galit...

Pagod...

Ya'n ang nararamdaman ni Karl at Keithleen. Puno sila ng galit dahil pinagtaksilan sila at dahil pinatay ng mga taong yun ang kanilang kuya. Pagod dahil sa tagal ng laban, halos apat na pung minuto na ang tinagal ng laban. Talagang magaling ang magkapatid dahil nagawa nilang tumagal at pabagsakin ang halos kalahati ng kanilang mga kalaban. Hindi rin basta-basta ang kanilang mga kalaban at mas lamang pa sa bilang.

Kung ikukumpara sa kanyang ate ay mas napapagod na siya. Iba rin kasi ang tunay na laban kaysa sa pagsasanay, isa pa ay ito rin ang unang beses niya na sumabak sa laban.

"Karl, lumayo ka sakin kapag senenyasan kita" bulong ng kanyang ate na ipinagtaka niya

"Bakit ate?"

"Basta!"kahit naguguluhan ay tumango ng marahan si Karl, hindi niya pinapahalata sa mga kalaban na nag-uusap sila.

Tumingkad ang pagka-kulay abo sa mga mata ni Keithleen at sa hudyat ng kanyang ate ay tumakbo siya ng mabilis palayo kay Keithleen...

Nag-pakawala ng malakas na kuryente si Keithleen sa paligid niya na pumatay sa lahat ng kalaban nila at ng dahil sa hakbang na yun ay binawian narin ng buhay ang ate ni Karl. Napaluhod si Karl, nakatulala lang ito na parang hindi naiintindihan ang mga nangyayari.

Tumayo siya at nilapitan ang kanyang ate. May ilang lapnos ang balat nito ngunit kahit ganon ay kita parin ang ganda ng kanyang ate. Inalog niya ito ng marahan na parang ginigising lang ngunit kahit anong gawin niya ay walang nangyayari. Patay na talaga ang mga kapatid niya. Sunod naman niyang nilapitan ang kanyang kuya. Wala na ang nakatarak sa dibdib nito,marahil ay dahil sa patay na ang maygawa ng patalim na pumatay sa kuya niya.

Doon na tuluyang tumulo ang luha niya. Bakit sa araw pa mismo ng kaarawan niya? Ano bang kasalanan nila? Ilan lang yan sa mga tanong na naglalaro sa isip niya bukod pa sa paghihiganti at galit.

Sinubukan niyang maghanap ng tulong pero dun niya lang nalaman na patay narin pala ang mga magulang niya at pati narin ang buong angkan niya. Doon siya nangako sa sarili at sa harapan ng mga bangkay ng kanyang pamilya bago pa ito tuluyang 'ligpitin' ng mga walang hiya at mga taksil na element-users.

Ggagawin niya ang lahat para mapatay lang lahat ng mga element-user tulad ng ginawa ng mga ito sa pamilya niya.

~

Naghanda na sa pag-alis si Aimielle at Gabriel. Sa likod ng dalaga ay may nakasukbit na malaking backpack. Dun nila ilalagay ang mga pinamili.

"Tara na!"Atat na yaya niya kay Gabriel at deretso ng lumabas ng bahay.

Naiiling nalang si Gabriel sa kakulitan ni Aimielle para naman kasi itong laging nakainom ng vitamins sa sobrang energetic nito. Bago sila tuluyang umalis ay nilagay muna ni Gabriel sa 'invisible mode' ang bahay nila gamit parin ang remote control na iisa lang ang buton. Tanghali sila lalabas para naman ligtas na maglakbay sa lupa. Nagsimula silang maglakad, abala si Aimielle sa pagtingin sa kanyang kapaligiran. Maraming ligaw na bulaklak at halaman na malayang tumutubo sa gubat. Natigilan si Aimielle na ikinataka ni Gabriel. "Anong problema?" Tanong ni Gabriel.

"May tao dun" Saad ni Aimielle. Sa di kalayuan ay may isang babaeng walang malay.

____________________________________________________________

Jung Jin Woon as Karl Braize

EDITED

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon