Chapter 15:Unknown

26 2 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 15

________________________________________________________________________

Kasalukuyang naninirahan ang hunter kasama ang kanyang mistress tulad ng kagustuhan nito. Ngayon ay nasa hardin siya ng mansyon, sa isang mini table ay may nakapatong na limang litrato. Litrato ito kanyang mga current targets.

Dalawa rito ay mga pulitiko at tatlo naman ang high class na kriminal. Mukhang totoo rin ang kasabihan na ang kriminal ay galit sa kapwa kriminal. Dinampot niya ang isang brown envelope na naglalaman ng isa pang litrato. Litrato ng Verlin na pinapahanap sa kanya. Inilabas niya ang litrato at inilapag rin sa mesa ngunit nakahiwalay sa naunang lima.

Bakit niya nga ba tinaggap ang trabaho sa simula palang? Mamamaslang siya at hindi tagahanap ng nawawalang hiridera o isang private investigator ngunit sa isang banda, may kinalaman ang babaeng yun sa heirloom ng kanyang yumaong pamilya kaya dapat niya talagang mahanap ang Verlin.

"Pamilyar ang babae, maaari ko bang malaman ang kanyang pangalan?"May nagsalita mula sa gilid niya. Tulad ng dati ay hindi manlang napansin ni Karl ang pag-dating ni Thyone, ganoon ito kagaling magtago ng presensya. Naupo ang bagong dating sa tabi ni Karl

"Aimielle Fall Verlin po ang pangalan ng babaeng tinutukoy niyo."

"Hmm...Naalala ko na, siya nagiisang tagapagmana ni Clark Verlin hindi ba? Nawawala ang mag-ama at hanggang ngayon ay misteryo pa rin ang pagkawala nila."Nabalitaan ito ni Thyone kahit nasa Japan pa siya.

"Patay na si Clark Verlin, ako ang pumatay sa kanya at sa lahat ng trabahador sa mansyon niya"Agad na sagot ni Karl.

"At ang kanyang anak?"

"Nawawala po siya at hinahanap ko siya ngayon."Bumuntong hininga ang babae.

"Wala ka bang balak tumigil Karl?" Kalaunan ay tanong ni Thyone, hindi niya kinupkop si Karl para maging ganito. Akala niya noon ay bugso lang ng damdamin ang nararamdaman ni Karl ngunit mukhang nagkamali siya sa pagbasa kay Karl.

Noong unang beses na tumanggap si Karl ng trabaho, ang akala ni Thyone ay makikitaan niya ng pagsisisi si Karl ngunit wala siyang nasagap na kahit anong emosyon mula rito. Walang takot at wala ring satispaksyon, yun ang mas ikinabahala ni Thyone. Kausap niya lang ito sa telepono dahil nga nasa ibang bansa na siya ngunit ramdam niya ang kawalang awa at konsensya ng 'batang' kinupkop niya.

"Pasensya na po pero hindi na ko pwedeng tumigil ngayon, nasimulan ko na kaya dapat ko ring tapusin"Iyon nalang lagi ang sagot ni Karl tuwing tinatanong siya ni Thyone tungkol dito. Hindi na kumibo pa si Thyone, maya-maya'y nagpaalam si Karl matapos nitong makatanggap ng isang text. Mabilis itong nagligpit at muling nagpaalam sa kanyang mistress, naiwan doon si Thyone na malalim na nag-iisip.

--

Bakit nanaman kaya siya pinatawag ng Mr. Sandoval na iyon? Labag man sa kanyang loob ay kailangan niya pa ring sumunod dahil may kailangan pa siya rito. Papatayin niya nalang ito kapag nasa kamay niya na ang Bores Gem. Tulad ng una ay sa mansyon sila magtatagpo. Walang takot niyang pinasok ang mansyon, ni malikmata ay hindi man lang siya napansin ng mga guards, walang ingay siyang nagtungo sa office ng matanda at pumasok ng hindi kumakatok ngunit hindi si Mr. Sandoval ang nakita niyang nakaupo sa swivel chair bagkus ay isang lalaki na maaring ka-edad niya lang o mas bata sa kanya ng ilang taon. Walang paligoy-ligoy na nag tanong ang hunter.

"Sino ka?" Ngumisi ang lalaki.

"How ironic, parang dapat ako magtanong sayo niyan."Nakangising sagot ng lalaki."Pero ako naman ang nagpatawag sayo kaya dapat mo na siguro akong makilala. I am the son of Rodolfo Sandoval, the name's Niccolaus Sandoval at simula ngayon ay ako na ang kliyente mo" Nagsisimula ng mainis ang hunter, napipikon siya sa pananalita nito. "At ano naman qng nangyari sa 'dati' kong kliyente?"Kalaunan ay sagot ng hunter, kapag hindi ito sumagot ng maayos ay paglalamayan na ito ng kanyang ama.

"The man died by a heart attack, last two days or was it three days ago?"Bored na kuwento nito. Dati pa walang pakialam si Niccolaus sa kanyang 'tinaguriang' ama dahil wala rin naman itong paki sa kanya at kung meron mang isa na naituro sa kanya ang kanyang ama; ito ay ang pagiging makasarili, wala kang dapat alalahanin kundi ang sarili at sarili mo lamang.

"Bakit mo'ko pinatawag?"Tanong ng hunter matapos niyang marinig ang balita, wala naman siyang pakialam sa matanda.

"Gusto ko lang humingi ng update sa request ng matanda, may lead ka na ba?"Tinignan niya ng masama ang lalaki, ayaw niyang siasayang ang oras niya at mas ayaw niyang inaapura siya.

"Oh, chill lang. Hindi ko na man sasayangin ang oras mo eh, sabihin na lang natin na...May alam akong sikreto mo, Karl Braize?"

--

"Pakawalan niyo ko!!!"Sigaw ni Vernon Galciem, isa siya sa mga element-user na bigla nalang nawala. Nakahiga siya sa isang surgery bed at nakatali ang mga kamay at paa niya. Sa kuwarto ay may kasama siyang tatlo pang tao na puros naka lab coat at mask.

Gusto mang lumaban ni Vernon ay hindi niya magawa dahil sa mga gamot na itinuturok sa kanya ay hindi niya magamit ang mga kakayahan niya. Kahit isang patak ng tubig ay hindi niya makontrol."Ngayon element-user, may ilang gamot lang akong ituturok sayo. Let' see your limitation"Saad ng isang lalaki habang hinahanda ang isang syringe. Nagpumiglas ang element-user kaya hinwakan siya ng dalawa pang kasama ng naunang lalaki.

Ikatlong gamot na ang itinurok sa kanya at para ng lumulutang sa hangin si Vernon. Umiikot na ang paningin niya at sa huli ay nawalan na siya ng malay."Bring him back and observe him."Tumango ang dalawa niyang kasama at matapos nun ay agad na silang lumabas.

--

Nasaan ba si Aimielle? Pamilyar sa kanya ang lugar ngunit hindi niya maalala kung saan at kailan niya ito nakita. Maganda ang lugar, parang yung park na pinuntahan nila ni Gabriel. Maya-maya ay may tumabi sa kanya, umupo rin ito sa damuhan at nakangiti ito kay Aimielle. Ang hindi maintindihan ni Aimielle ay kung bakit hindi niya maaninag ang mukha ng lalaki samantalang hindi naman madilim o sobrang liwanag. Bago niya pa maitanong kung sino ang lalaki ay bigla nalang nagbago ang buong kapaligiran.

Ngayon ay nakasakay siya sa isang sasakyan at kasama niya pa rin ang hindi kilalang lalaki na siyang nag-da-drive. "Sino ka?"Tanong ni Aimielle ngunit hindi ito kumibo at nakatingin pa rin sa daan. Hindi alam ni Aimielle ngunit bigla siyang nakaramdam ng panganib, pagkaharap niya sa daan ay may sumasalubong sa kanilang isang van...

"Amielle! Aimielle!" Nakarinig siya ng mga boses, mga boses na pamilyar sa kanya ngunit unti-unting nawawala ang mga boses at natira na lang ang isa, boses ni Gabriel! Napabangon si Aimielle sa kanyang kama, naroon si Gabriel dahil alam niyang may nangyayaring hindi maganda kay Aimielle.

Hindi alam ni Aimielle kung bakit siya lumuluha pero tuloy-tuloy lang sa pag-agos ang mga luha mula sa kanyang mga mata."Tama na." Pag-aalo ni Gabriel kay Aimielle. Ang totoo niyan ay nagising rin si Gabriel sa isang bangungot at naramdaman niyang natatakot si Aimielle kaya siya napatakbo sa kuwarto ni Aimielle.

Sa kanyang panaginip ay nasa isang emergency room siya ng isang hospital, nakita niya na lang na may ipinasok na agaw-buhay na lalaki ngunit hindi niya nakilala o nakita ng maayos ang mukha nito. Di pa nagtagal ay may dumating nanaman at ngayon ay kilalang kilala niya ito. Nakahiga si Aimielle sa isang stretcher, sugatan at nag-aagaw buhay.

----------------------------------------------------------

Kim Nam Joon as Niccolaus Sandoval

EDITED

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon