Chapter 12: His Mistress

34 3 1
                                    

Hunter's First Love~Chapter 12
_______________________________________________________________

Hindi niya akalaing mahahanap niya ng ganon kadali ang babaeng Verlin. Nandoon na ang pagkakataon ngunit bakit niya pa ito pinakawalan at hindi tinapos ang trabaho niya? Bakit ba parang lumalambot ang loob niya para sa babaeng iyon?

Walang puwang ang awa sa kanyang trabaho kaya naman sisiguraduhin niya na maisasakatuparan niya na ang kanyang plano sa lalong madaling panahon, ngayon pang alam niya na nasa paligid lang ang dalaga.

Nakabalik na siya sa kanyang tirahan at ikinagulat niya ang babaeng nakaupo sa kanyang kama.Nakatalikod ito mula sa kanya ngunit agad niya itong nakilala."Mistress Thyone?" Tumayo ang babae at masayang lumapit sa hunter.

Nakita ni Karl ang pagpapalit ng kulay ng mga mata ng tinawag niyang 'mistress'. Yumakap ito sa kanya at randam ni Karl ang paghinga nito sa kanyang leeg. He can feel the fangs of the woman piercing into him but he doesn't mind.T he vampire is now feeding on him but instead of resisting, Karl entwined his arms on the lady, giving an embrace.

Kung hindi dahil sa babaeng kayakap niya ngayon ay malamang na patay na siya. Malaki ang utang na loob niya rito at ang mistress nalang rin ang tanging pinagkakatiwalaan niya. Natagpuan siya nito noong mga panahon akala niya'y wala ng pag-asa,Noong mga panahon na siya nalang mag-isa.

--

Hinang hina na si Karl, ilang araw na siyang nagpapalaboy-laboy. Wala siyang ideya kung saan dinala ng mga element-user ang kanyang pamilya matapos niyang lumisan sandali upang humingi sana ng tulong ngunit imbes na tulong ang makuha niya ay isang mas masamang balita pa pala ang matatanggap niya.

Nalaman niyang hindi lang pala pamilya niya ang pinatay kundi buong angkan niya dahil doon ay nagsimula na siyang magtago.

'Sana...sana manlang ay nagkaroon ang mga ito ng matinong libing, kahit iyon man lang' Ang piping dasal ni Karl.

Ito na ang ikatlong araw, ikatlong araw mula ng mawala sa kanya ang lahat.

Nahihilo na siya sa pagod at gutom kaya marahil binibiro na siya ng kanyang imahinasyon, ngayon kasi ay parang nakikita niya ang kanyang ate Keithleen. Kahit alam niyang hindi ito totoo, kahit alam niyang wala na talaga ang kanyang buong pamilya...

"Ate keithleen"Ngumiti pa ito at lumapit at yumakap sa kanyang 'ate' habang nangingilid ang mga luha sa pagod nitong mga mata. Maya-maya ay nawalan na ito ng malay at agad naman siyang inakap ng babaeng napagkamalan niyang kanyang ate upang hindi ito tuluyang bumagsak.

May mga lumapit sa babae at kinuha ang walang malay na katawan ni Karl."Dalhin niyo siya sa sasakyan at magpatawag kayo ng doktor. Dadalhin ko siya sa aking tirahan"Agad naman siyang sinunod ng mga ito at isinakay ang walang malay na binata sa sasakyan.

Nagising siya na masakit ang buong katawan, marahil ito na ang tatlong araw niyang walang pahinga at paglalaboy. Unti-unti siyang bumangon at doon niya lang na pansin na may nakakabit palang dextrose sa kanyang kamay. Nasaan ba siya? Sigurado naman siyang hindi siya na sa hospital.

"Gising ka na rin sa wakas. Isa kang Braize tama ba?"Nataranta si Karl. Hindi niya alam kung papaano siya nito nakilala ngunit sigurado siyang alam nito ang pagiging element-user niya.

Agad siyang napabangon sa kama at tinanggal nalang basta ang nakakabit sa kanyang dextrose dahilan para bumulwak ang dugo sa kaliwa niyang kamay, masakit ngunit tiniis niya na lamang. Nabigla si Karl ang nang makita niya ang pagbabago ng kulay ng mga mata ng babae. Mula sa kulay tsokolate ay naging kulay pula ang mga ito.

"Bampira? Bampira ka?" Ngumiti lang ang babae.

"Alam ko ang nangyari sa iyong angkan, ngunit huwag kang mabahala dahil wala akong balak na saktan ka. Nakita ko ang pagdurusa mo kaya naman nais kitang tulungan, yun ay kung gusto mong tulungan kita"

Nag-alangan ang binata, dapat ba siyang magtiwala?

"Wala na po ang lahat sa akin, buong pamilya ko wala na, wala na rin akong matutuluyan.--" Nanlalambot ang mga tuhod niya kaya naman napaluhod na si Karl."--Galit ako! Gusto ko silang gantihan! Gusto ko'ng iparanas sa kanilang lahat ang sakit na nararamdaman ko ngayon"Umagos ang mga luha sa kulay abo niyang mga mata. Purong hinanakit lang ang nararamadaman niya.

Lumapit ang babae at dinaluhan ang nakalugmok na binata."Ang pangalan ko ay Thyone, simula ngayon ay ako na ang pamilya mo. Wala kang ibang pagkakatiwalaan kundi ako"

...

Matapos nun ay tinuring na ni Karl na pamilya ang kanyang mistress Thyone. Tinulungan siya nito upang maging malakas hanggang sa nakaya na nitong lagpasan ang pangkaraniwang lakas ng mga element-user. Doon siya pumasok bilang isang Hunter matapos ang dalawang taon.

"Sigurado ka ba dito Karl? Dilikado ang trabahong gusto mong tahakin." Tumango ng marahan si Karl at kalaunan ay sumagot rin;"Sigurado po ako Mistress, disidido akong tuparin ang pangakong binitawan ko sa aking angkan." Napabuntong hininga nalang si Thyone.

"Wala akong magagawa kung yan ang ibig mong gawin, sana lang ay mag-iingat ka parati. Isa pa pala, ang dahilan kung bakit kita pinatawag. Nais kong mangibang-bayan at gusto sana kitang isama ngunit mukhang naunahan mo ko sa balitang iyong dala." Natigilan si Karl. Hindi niya nais mapahiwalay sa kanyang mistress, para niya na itong ina ngunit... nangako siya sa sarili na kapag dumating na ang araw na magkaroon na siya ng sapat na kakayahan ay gaganti siya sa mga element-users.

--

Nakaramdam ng kaunting hilo at panghihina ang hunter ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin. Bumitaw sa yakap ang babae at muling ngumiti. "Kamusta na Karl? Ilang taon rin tayong hindi nagkita, apat na taon na rin hindi ba? Hindi mo manlang ako binibisita"Kunwa'y nagtatampo ito.

Napabuntong hininga na lang si Karl. Sa anim na taon kasing pamamalagi ni Thyone sa bansang Japan ay tatlong beses lang talaga siyang nakabisita dahil naging abala siya sa kanyang trabaho.

"Pasensya na po, masyado lang akong naging abala."Dumampot si Karl ng isang malinis na bimpo at pinunasan ang naiwang dugo sa kanyang leeg. Maya-maya ay malinis na ito at wala naring bakas na nagkaroon ito ng kahit anong pinsala.

Dahil rin iyon sa kanyang mistress, noong nagsasanay na kasi siya sa puder ng kanyang mistress ay ilang beses rin nitong binigyan ng dugo si Karl. Ang nga element-user ay hindi maaring maging isang bampira di tulad ng mga normal na tao ngunit mayroon itong malaking epekto sa katawan ng isang element-user lalo na kung makapangyarihan ang bampira tulad nga ni Thyone. Iyon rin ang isang naging malaking dahilan kaya niya nagawang lagpasan ang kapasidad ng isang element-user.

"Hindi ka ba nalulungkot mag-isa dito Karl?" Usisa ni Thyone. Hindi pa man nakakasagot si Karl ay humirit muli ito."Gusto kong bumalik ka kasama ko sa aking tahanan. Isa iyong utos at hindi isang pakiusap kaya simulan mo ng ligpitin ang mga importante mong kagamitan, aalis tayo pagkatapos mo iyong gawin." Walang imik na sumunod ang hunter. Utos iyon ng kanyang Mistress Thyone kaya naman kailangan niya itong sundin.

------------------------------------------------------

Park So-Jin as Thyone

EDITED

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon