Chapter 20: Answers

23 2 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 20
________________________________________________________________________

"Si Yce? Ayaw na namang bumangon?" Tanong ni Jacob.

"Ilang beses ko'ng ginising pero ayaw talagang bumangon"Kaswal na sagot ni Gabriel, sanay na kasi sila sa ugali ni Yce kaya madalas ay pinapabayaan nalang nila ito.

"Ako na lang gigising sa kanya"Pag-pe-presinta ni Aimielle, hindi na rin siya naghintay ng pagsangayon sa kanila at tumayo na upang puntahan si Yce sa kuwarto ni Gabriel. Habang doon namamalagi ang tatlo ay doon natutulog si Yce sa kuwarto ni Gabriel samantalang ang dalawa naman ay naghati sa isa pang bakanteng kuwarto. Napaisip nga si Aimielle kung bakit pa sa kuwarto ni Gabriel napiling mamalagi ni Tame noon samantalang may bakante namang kuwarto.

Hindi na nag-abala pang kumatok si Aimielle, tulad ng inaasahan ay naka-salampak pa si Yce sa kama. Nakatalukbong ito ng kumot, halatang ayaw magpa-istorbo. Kinalabit siya ni Aimielle ngunit wala itong naging kahit anong reaksyon.

"Gising na! Umaga na!"Pag sigaw ni Aimielle habang marahang inaalog si Yce. Kumislot si Yce ngunit bumaling lang ito sa salungat sa direksyon ni Aimielle.

"Ayaw mo ah..."Tumayo si Aimielle at bumalik sa kusina. Na'ron parin ang tatlo na hindi pa nagsisimulang kumain."Hayaan mo na kasi yang si Yce." Saad ni Jacob ngunit di siya pinansin ni Aimielle at agad na dumeretso sa kitchen cabinet para kunin ang mga kailangan niya.

Napatanga nalang ang tatlo ng makita nila kung anong kinuha ni Aimielle; Isang sandok at takip ng kaldero...

Nang muling bumalik si Aimielle ay kasama niya na ang nakasimangot na si Yce. Palihim nalang na natawa ang tatlo. Nagsalo sila sa agahang niluto ni Gabriel at Stefen. Nang malaman nilang wala sa mansyon ang hinahanap nila ay napagdesisyunan na lang nilang umuwi na at ipagpabukas na lang ang paghahanap. Lahat sila ay masyadong napagod kaya naman pagkauwing-pagkauwi nila ay kanya-kanya rin silang bagsak sa kama.

"Mahanap pa kaya natin yung Boreas Gem?" Tanong ni Stefen na halata namang nawalan na ng pag-asa.

"Mahahanap natin yan, tiwala lang."Pagsasawalang bahala ni Jacob, aalaki ang kumpyansa niya na mahahanap rin nila ang heirloom.

Matapos nilang kumain ay kinuha ni Aimielle ang liham na iniwan sa kanya ng kanyang ama, may gusto kasi siyang ipaalam sa mga kasama niya.

"Para kasing may mali dito sa sulat."Agad na pahayag ni Aimielle at inilapag ang liham sa mesa, dinampot ito ni Yce at binasa. Nakitingin na rin ang tatlo at sabay-sabay nilang binasa ang sulat.

To my dearest daughter,

If this letter is in your hands right now it means that something bad happened to me.Truthfully,I have no worries for I know the They will take care of you. My daughter, I'm sorry for not telling you the truth and also for leaving you this early. I'm sad that I can't even see You achieving your dreams, escorting you to the altar on the day of your wedding or Seeing my future grandchildren. always remember that I love you and you are the greatest gift that god has given to me and your mother.

You found this letter, it means that you are finding something Important, very important that you have to unfold the secret of the Mansion but here's a little Clue for you.The thing you are finlding is not here.That is all I can say.please take care of yourself and be happy.

-Clark Matthew Verlin-

Natapos na nilang basahin ang sulat ngunit wala naman silang nakitang kakaiba. Aimielle saw the confusion written on the guys' faces so she decided to explain.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon