Chapter 13.1: The Successors

39 4 4
                                    

Hunter's First Love~Chapter 13.1
_________________________________________________________________________

Kasalukuyang nasa kuwarto si Aimielle at nagbabasa ng libro. Maagang lumabas si Gabriel kaya naman mag-isa lang siya ngayon sa bahay. Maya-maya ay ibinaba ni Aimielle ang libro matapos niyang mabasa ang katapusan ng kuwento.

Namatay ang babae dahil umibig siya sa maling tao at sa maling panahon...

Malungkot na katapusan at malamang ay maraming nainis sa naging katapusan ngunit totoo namang hindi lahat ng pag-iibigan ay humahantong sa kasiyahan, hindi lahat nagtatapos sa happy ending. Dapat na sigurong tanggapin ang reyalidad.

Biglang lumitaw sa isipan ni Aimielle ang lalaking nakahulog ng bookmark sa park. Naalala niya na naman ang kakaibang titig nito na parang kilala siya nito. Ngunit sigurado naman siyang kailanman ay hindi niya ito nakilala at sigurado din siyang hindi niya malilimutan ang ganoong mga mata. Imbes na mabaliw siya kakaisip sa lalaking iyon ay naisipan niya nalang na lumabas. Maganda ang panahon ngayon, maaraw ngunit hindi mainit sa balat dahil sa malumanay na simoy ng hangin. Hanggang ngayon hindi niya parin alam kung bakit ang ganito ka gandang gubat ay puno rin ng mga nakakakilabot na halimaw tuwing sasapit ang gabi. Sa paglalakad ay may nakita siyang pares ng mga paru-paro, para itong mga batang naghahabulan sa ere.

Natuwa si Aimielle sa mga ito kaya naman sinundan niya ito hanggang sa napadpad siya sa tabi ng isang maliit na lawa.Wala namang problema dahil alam niya ang daan pabalik, madalas kasi sila rito ni Gabriel.

Maya-maya ay may narinig siyang bumuntong hinininga.

Sino naman kaya iyon?

Nang lumingon siya ay may lalaking nakasalampak sa damuhan sa may gilid ng lawa. Mukhang hindi siya nito napapansin dahil nakatungo ito. Di kalaunan ay kumilos ang mga kamay nito, pinadaan nito ang kanang kamay sa damuhan at tumubo roon ang isang magandang bulaklak.

"Element-user?" Nabulalas ni Aimielle kaha naman napansin siya ng lalaki.

"Aimielle?" Sambit ng lalaki, pano nito nalaman ang kanyang pangalan?!

"Hey wag kang matakot sakin, okay? Parang gusto mo nang magtatakbo eh"

"Sino ka po ba? Pano mo ko nakilala?" Agad na tanong ni Aimielle.

"My name is Jacob Verlin. I'm the future leader of the Verlin Clan, our clan"Hindi naman siya nagulat na galing sila sa iisang angkan, ang ikinagulat niya ay ang sinabi nitong siya daw ang susunod na leader ng kanilang clan.

"I volunteered to fetch you but I got lost. Buti nalang nakita mo'ko" Nahihiyang sabi nito.

"Susunduin mo'ko?"

"Yeah, you're part of the family and you are my responsibility. Dapat nga ay matagal na namin itong ginawa."Naupo sa tabi ng lalaki si Aimielle.

"Sorry pero hindi ako pwedeng sumama sayo ng hindi nagpapaalam kay Gab."

"Ah, oo nga pala.Nalimutan kong banggitin ang bagay na yan sayo, Gabriel is with Yce right now. Siya naman ang successor ng Glaciem Clan at kaya kita sinusundo ngayon ay para magkaroon tayo ng masinsinang usapan. I know you still have unanswered questions in your mind and I think I can answer some of those" Sandaling inobserbahan ni Aimielle ang nagpakilalang si Jacob,mukha naman itong nagsasabi ng totoo kaya...

"O sige, sasama na ko sayo"Tumayo na si Aimielle.

"Teka!"Pigil sa kanya ni Jacob."Bakit? Hindi ba tayo nagmamadali?"

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon