Chapter 21: Finally?

54 2 1
                                    

Hunter's First Love~Chapter 21

__________________________________________________________________________

"Ang weird"Komento ni Jacob nang nakaalis na ng tuluyan si Tame.

"May kakaiba sa kanya"Segunda rin ni Stefen. Ramdam nilang may kakaiba kay Tame, yun nga lang ay pareho silang hindi sigurado kung ano iyon.

"Ano pa lang nangyari sa paghahanap niyo? May nakita ba kayong kakaiba?"Pag-iiba ni Aimielle ng usapan.

"No luck. Mukhang kailangan na talaga nating malaman kung paano ba maituturo ng kwintas na yan ang heirloom" Si Gabriel ang sumagot sa tanong ni Aimielle. Hinubad ni Aimielle ang kanyang kuwintas.

"Baka may kung ano rin diyan sa kuwintas."Sagot ni Jacob.

"Ah, itong maliit na chain, para kasing natatanggal talaga siya kaso hindi ko siya ginagalaw kasi baka masira."Sagot ni Aimielle.

Ang tinutukoy ni Aimielle ay ang maliit na kadena na nakapaikot sa pinaka-shaft ng pendant ng kanyang kuwintas. Dahil nga custom made ang kuwintas ay pulido ang pagkakagawa rito, maaari nga itong maging literal na susi para sa isang maliit na lock. Ang pinaka-head ng pendant ay may nakakabit na tunay na jade sa gitna at sa paligid nito ay may mga itsurang dahon bilang disenyo. Ang chain ay nakakabit simula sa isa sa mga 'dahon' at pumaikot sa pinaka-shaft ng susi.

"Pwede bang patingin?" Saad ni Stefen at agad naman itong ibinigay ni Aimielle.

"Oo nga, parang pwedeng baklasin yung kadena...Subukan kaya natin?" Agad na suhestiyon ni Jacob, bilang magkatabi sila ni Stefen ay nakikita niya rin ng malinaw ang kuwintas.

"Teka!"Pag-pigil sa kanila ni Aimielle."Alam niyo namang importante sakin yang kwintas, pwede bang paki-ingatan na lang?"

"Don't worry, mukhang detachable naman talaga yung kadena. Siguradong pwede ring ibalik."Assurance ni Stefen.

Si Stefen na rin mismo ang maingat na nag-tanggal ng maliit na kadena mula sa isang dulo nito.Nang nagawa niya ito ay may nangyari sa pinaka-katawan ng susi. Ang kalahating parte nito ay naging katulad ng mga locks na nabubuksan sa pamamagitan ng pag-ikot sa mga numero sa angkop na kombinasyon. Apat na numero ang hinihingi nito at ng sinubukan ni Stefen na ikutin ay hindi pala ito tulad ng sa iba na nagsisimula ang bilang ng numero sa zero at nagtatapos sa nine.Ang mga numero roon ay nagsisimula sa one at hanggang eight.

Nagkatinginan silang lima at agad na umangal si Yce, "Codes na naman?"Agad nilang sinubukan ang decoding method na ginawa ni Jacob dati para sa password ng safe ngunit walang nangyari kaya malamang ay hindi ito ang tamang paraan.

"Pano kaya kung ganito..." Isinulat ni Aimielle ang buong alphabet at sa baba nito ay mga numero mula isa hanggang walo katumbas nito ang letrang A hanggang H matapos ay inulit lang ni Aimielle ang set ng mga numero at sinimulan ulit ito sa letrang I hanggang sa nakarating na siya sa letrang Z.

Una nilang sinubukan ang salitang 'fall' na kapag na-convert ay magiging '6144' ayon sa pattern na binigay ni Aimielle."Wala paring nangyari," Matamlay na saad ni Gabriel na siyang naglagay ng combination.

"Pano kaya kung word na 'heir' " suhesiyon ni Stefen na agad rin nilang sinubukan.

"8512" pagbabasa ni Aimielle ng mga katumbas na numero ng salita.

"Mali pa rin!"Agad na sagot ni Gabriel.

"Baka naman mali yung ginagamit nating pattern?" Kalaunan ay saad ni Gabriel.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon