Chapter 4: Answering her questions

79 2 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 4

_________________________________________________________________________

Kapwa nakaupo si Aimielle at Gabriel sa tig-isang single couch. Magkaharapan sila at hindi sila nagkikibuan, mga limang minuto na rin silang ganoon.

"Huy...Kelan mo ba balak simulan ang pag e-explain?"Sa wakas ay may kumibo narin sa kanila. Napakamot naman ng batok si Gabriel.

"Hindi ko kasi alam kung papaano ko sisimulan. Pano kaya kung...Tanungin mo na lang ako tapos sasagutin ko." Suhestyon naman ni Gabriel.

"Okay, First question...What are you? I mean yung mga ginawa mo kanina, hindi yun kayang gawin ng normal na tao right?"Ayan naman ang unang tanong na naisip ni Aimielle.

"I'm a vampire"Walang ka gatol-gatol na sagot ni Gabriel.

"WHAT?!" Automatic na nanlaki ang mga mata ni Aimielle sa pag kabigla kaya naman tinawanan siya ni Gabriel.

"Joke lang Aimielle,well totoong nag e-exist ang vampires pero hindi kami katulad nila. Tao ako but I have abilities...Isa akong Element-user"Nangunot ang noo niya, hindi niya alam kung saan siya maniniwala sa mga pinagsasabi ng kaharap niya. Kung dun ba sa part na totoo daw ang mga bampira o na isa itong element-user.

"Ako ba niloloko mo?" masuspetsyang tanong ng dalaga. Kahit naman kasi may pruweba na eh hindi parin kapanipaniwala diba?

"Tignan mo 'to, nung sinabi kong bampira ako mukhang naniwala ka tapos nung sinabi ko na yung totoo dun ka naman di naniwala"

"Seryoso ka? Element-user...Ibig sabihin kaya mong kontrolin ang four elements?"Bumalik naman ang pagkamangha sa mukha ni Aimielle.

"That's too much, I can control water and also ice"Ipapakita na ni Gabriel para tuluyan ng maniwala si Aimielle, knowing her masyado itong curious at naniniwala sa kasabihang 'to see is to believe'.

Mula sa kanang kamay ni Gabriel ay nagkaroon ng isang bola ng tubig na hindi alam ni Aimielle kung saan nanggaling ngunit ang alam niya ay namamangha siya. Mas lalo pa siyang namangha ng makita niyang unti-unting nagbabago ng hugis ang bola ng tubig, naging parang rosas ito.

"Wow!"bulalas ni Aimielle kaya naman nag pakitang gilas pa ang binata.Nag yelo ang kaninang rosas na gawa sa tubig, ibinigay niya ito kay Aimielle."Salamat, ang ganda" Manghang-mangha si Aimielle habang pinagmamasdan ang rosas na gawa sa yelo.

"Shall I continue my explanation?"

"Okay, shoot"

"Katulad nga ng sabi ko isa akong element-user pero hindi ko naman kayang kontrolin lahat ng elements. I came from the Glaciem clan, meron pang tatlong clans na hawak ang tatlo pang main elements which is;Fire,Earth and Air"

"Can I know the three other clans?"Napangisi nalang si Gabriel, curious as ever.

"The Lumen or the fire users, hawak din nila ang element of light.The Braize or the air users, yun nga lang ay patay na silang lahat.Pinatay sila ng tatlong clans dahil sa napatunayan silang ginagamit ang abilities nila to gain money in short they kill for money. Bata palang ako nun kaya hindi ko alam ang iba pang detalye"

Natigilan naman si Aimielle, para kasing sobra naman ata yun.

"Wait, ano pa yung isang clan?" Sumibol ang makahulugang ngiti mula kay Gabriel.

"The Earth users or the...Verlin clan" Nanlaki naman ang mata ni Aimielle.

"Verlin? eh apilyido ko yun eh. Maybe a coincidence? Common lang naman ang nagkakapareho ng apilyido diba?" Pagpapaniwala ni Aimielle sa kanyang sarili.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon