Chapter16: Alliance

28 2 0
                                    


Hunter's First Love~ chapter 16

___________________________________________________________________

Hindi nakakibo ang hunter matapos banggitin ni Niccolaus ang kanyang tunay na pangalan.

"Kung iniisip mo kung pano ko nalaman...Sabihin nalang natin na mas mautak ako sa tatay ko and maybe just a little bit of luck."Nakakuyom na ang mga palad ni Karl. Napupuno na siya sa mga pambubuyo ni Niccolaus. Sa isang iglap ay hawak na ng hunter sa kwelyo ang anak ni Rodolfo Sandoval, marahas siyang hinila patayo ng hunter.

Tutuluyan na sana ng hunter ang lalaki kung hindi lang biglang bumukas ang pinto. Kaswal na pumasok ang isang lalaki. "I guess I'm really late?" Saad ng bagong dating na lalaki.

"Sino ka?"Tanong ng hunter ng hindi manlang nililingon ang bagong dating, masyado siyang abala sa pagsakal kay Niccolaus. "H-hey you! Tul-ungan mo---argh" Hindi na maituloy ni Niccolaus ang sasabihin dahil sa higpit ng pagkakasakal sa kanya.

"Tss, it's your fault. You provoked him aren't you?" May bahid pa ng pagkainis ang tono ng lalaki.

"Answer my question"The hunter demanded in dead tone. Samantala,si Niccolaus naman ay hindi na normal ang kulay, namumutla na ito dahil sa kakulangan ng oxygen.

"Sasagutin ko ang tanong mo pero pwede bang pakawalan mo na yang si Nicco? Wala ka rin namang mapapala kung papatayin mo ang ang lalaking yan."Binitawan nalang basta ni Karl si Niccolaus, bumagsak ito sa sahig na naghahabol ng hininga at umuubo. Nilingon ni Karl ang bagong dating.

Sa wakas ay nakahanap rin ng katapat si Niccolaus.

Iyan ang kasalukuyang nasa utak ng lalaking bagong dating dahil kahit siya mismo ay nakakaramdam na ng frustration dahil sa ugali ni Niccolaus. "Now we can have a formal introduction.My name's Heath and the information of your true identity came from me." Muli ay hindi kumibo ang hunter.

Naglakad papalapit sa hunter ang nagpakilalang Heath. "Alam ko ang nangyari sa angkan mo at alam ko rin na gumaganti ka sa kanila. I want to help you, gusto ko'ng bumuo tayo ng isang alyansa."

--

Matapos bangungutin ni Aimielle ay hindi niya na rin nagawang makatulog pa. Ganoon rin ang nangyari kay Gabriel at lalo pa siyang hindi mapakali dahil ramdam niya rin ang pagkabalisa ni Aimielle.

Hindi maintindihan ni Aimielle ang kanyang panginip at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maisip kung sino ba ang lalaking nasa kanyang panaginip. Isa ring nakapag-balisa kay Aimielle ay parang totoong-totoo ang kanyang panaginip, hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang kakaibang takot ng mabangga ang kotseng sinasakyan nila ng kasama niyang lalaki. Iyon rin siguro ang dahilan kung bakit siya umiiyak pagkagising niya.

Nang tumahan si Aimielle ay i-kwintento niya ang lahat kay Gabriel. Nagulat si Gabriel dahil parang may koneksyon ang naging panaginip niya kay Aimielle. Hindi na ito binanggit pa ni Gabriel dahil baka lalo lang mabahala si Aimielle.

Bumangon si Aimielle sa kanyang kama na nanglalata sa puyat. Kailangan niya pang tulungan si Gabriel sa mga gawaing-bahay. Pagkalabas niya ng kuwarto ay agad siyang dumeretso ng kusina kung saan niya lagi unang nakikita si Gabriel."Good--" Natigilan si Aimielle dahil wala pa roon si Gabriel. Ngayon lang ito nangyari ngunit siya rin ata ang may kasalanan nito dahil magdamag siyang sinamahan ni Gabriel hanggang sa sumapit ang madaling araw. Lumabas siya ng kusina at tumungo sa kuwarto ni Gabriel. Hindi kumatok si Aimielle at marahang binuksan ng kaunti ang pinto, mabuti na lang at hindi ito naka-lock. Sumilip siya at nakita niyang mahimbing na natutulog si Gabriel. Ang hindi alam ni Aimielle ay ngayon lang nakaidlip si Gabriel dahil nga rin sa kakaisip sa mga nangyari kagabi.

Isinara na ni Aimielle ang pinto at muling tumungo sa kusina, siya na ang magluluto."Kaya ko 'to!" Pag-chi-cheer ni Aimielle sa sarili niya habang nagsusuot ng apron.Tinuruan naman siya ni Gabriel na magluto, yun nga lang ay hanggang pag-sa-saing at pag-pi-prito palang ang alam niya at sa tuwing nagluluto siya ay lagi niyang kasama si Gabriel, bale ito ang unang beses niyang mag-luluto na siya lang mag-isa. Naalimpungatan si Gabriel at nataranta ng makita ang oras, mabilis siyang nag-ayos at dumeretso ng kusina.Naabutan niya si Aimielle na nag-hahain na."Good morning!"Masiglang bati ni Aimielle.Sinuri ni Gabriel ang mga nakahain. Maayos naman ang pagkakasaing ng bigas at ang mga ulam...May iba na medyo nasunog ngunit lahat ng nakahain ay eidble naman.

"Ikaw talaga ang nagluto ng lahat ng 'to?"

"Grabe ka! Mukha bang deliver yan? Nahirapan kaya akong magprito ng itlog pati yang bacon!"Natawa naman si Gabriel, lumapit siya sa nakasimangot na si Aimielle at marahang ginulo ang nanahimik na buhok nito.

"Di ka naman mabiro, akalain mo yun? Hindi nasunog ang kusina natin, I'm so proud of you" Tumingkayad si Aimielle at binatukan si Gabriel. "Bakit ba hindi mo pa rin makalimutan yun?! Ang tagal na nun, pwede bang ibaon nalang natin yun sa limot?"Ang tinutukoy ni Aimielle ay ang una nilang pagkikita, noong muntik ng masunog ni Aimielle ang mansyon dahil sa pagiging ignorante nito.

"Ayoko! Maupo na nga tayo.Tignan natin kung masarap ang luto mo" Kailan man ay hindi kakalimutan ni Gabriel ang una nilang pagkikita ni Aimielle.

"Naks, ang sarap ng luto mo ah"Pabirong komento ni Gabriel, natawa nalang si Aimielle. Kahit talaga sobrang alaskador ni Gabriel ay hindi niya nagawang magalit o mainis dito ng matagal. Nang matapos silang kumain ay nagpresinta ng maghugas ng plato si Gabriel habang si Aimielle naman ay nagkusa ng dumampit ng walis at maglinis.

Habang busy si Aimielle sa pagwawalis ay narinig niyang may kausap si Gabriel, nang silipin niya ito ay may kausap ito sa kanyang cellphone. Hindi talaga alam ni Aimielle kung panong nagkaroon ng signal sa gitna ng gubat, sa susunod nga ay itatanong niya kay Gabriel kapag naalala niya.

"Aimielle? Kailangan ko munang umalis, babalik din ako bago mag-lunch."Halata sa tono ni Gabriel ang pagmamadali. "Saan ka pupunta?"

"Aqua village"Nabanggit na ito ni Gabriel dati sa kanya, tulad rin ito ng Terra village na kung saan ay nakatira ang karamihan sa populasyon ng mga Glaciem sa Pilipinas ngunit ayon rin kay Gabriel ay di hamak na mas maliit ang Aqua village kaysa sa Terra village dahil kaunti lang ang mga kamag-anak ni Gabriel na naninirahan sa Pilipinas.

"Hindi ba 'ko pwedeng sumama?"Agad na tanong ni Aimielle.

"Sorry Aimielle, hindi pwede"Napasimangot si Aimielle sa tugon ni Gabriel.Wala naman siyang nagawa at nagtungo nalang sa kanyang kuwarto.

-------//-------//-------//-------//------//-----//------//-----//-----//

Jung Ho Seok as Heath

EDITED

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon