Chapter 18: Announcement

26 2 0
                                    

Hunter's First Love~Chapter 18
___________________________________________________ _______________________

"Teka Gab, hindi ba sabi mo may kung anong importante kaya ka pumunta rito. Ano bang nangyari?"Tanong ni Aimielle kay Gabriel habang nililibot nila ang Aqua village. Napaisip si Gabriel, dapat niya bang sabihin?

"Ano kasi..." Tuloy pa rin sa pagaalinlangan si Gabriel.

"Gab, ikaw ba yan?"May lumapit sa kanilang babae na mukhang ka-edaran lang ni Gabriel.

"Gail?" Balik tanong ni Gabriel.

"Ikaw nga!" Agad na lumapit kay Gabriel ang babae at niyakap ito. Napataas ang kilay ni Aimielle, sa di malamang dahilan ay nakaramdam siya ng kaunting inis lalo na ng nakita niyang mukhang masaya rin si Gabriel na niyayakap siya ni Gail.

"Gail, I want you to meet Aimielle, Aimielle si Gail."Magiliw na bumati si Gail. "Hi! Girlfriend ka ba ni Gab? Ikaw Gab ah.Di lang tayo nagkita sandali pinagpalit mo na ko!"Hindi magawang makangiti ni Aimielle dahil para na siyang sasabog sa inis. Gusto niya na ngang layasan ang dalawa. Ano bang nangyayari sa kanya?!

"Sira ka talaga!"Tugon ni Gabriel habang natatawa. Maya-maya pa ay lumapit pa si Gail kay Gabriel at may binulong na kung ano, namula pa si Gabriel dahil sa sinabi ng Gail na 'yun. Kung ano man yun!

"Sige! Next time nalang ulit! Kailangan ko ng umalis eh. Nice to meet you Aimielle."Hindi kumibo si Aimielle.

"Teka! Saan ka pupunta?"Sigaw ni Gabriel nang bigla nalang naglakad palayo sa kanya si Aimielle. Agad na hinabol ni Gabriel si Aimielle at sinabayan siyang maglakad dahil ayaw nga nitong tunigil at mabilis na naglalakad.

"Huy, ano bang problema?"Alam naman ni Gabriel na naiinis sa kanya si Aimielle, hindi na kailangan ng 'bond' para malaman yun pero...Ano bang dahilan?

"Wala, sundan mo na lang kaya yung si Gail, mukhang na miss mo siya eh."At nilayasan nanaman siya ni Aimielle.

"Teka!"Hinabol niyang muli si Aimielle ngunit bigla naman siyang tinawag ni Yce.

"Nandyan na si Papa, gusto ka raw niyang makausap. Teka?Anong problema ni Aimielle? LQ kayo?"

"Hyung!" Natawa na lang si Yce sa naging reaksyon ni Gabriel, masyadong obvious eh.

"Sige na, ako ng susunod sa babaeng yun. Puntahan mo na ang head, importante raw ang sasabihin niya."Sumunod nalang si Gabriel kahit labag sa kalooban niya.

Samantala, si Aimielle naman ay lakad lang ng lakad at walang pakialam kung saan man siya lupalop ng mundo makarating.

"Hinay-hinay naman sa paglalakad baka matisod ka nanaman sige ka" May sumabay sa kanya sa paglalakad. Tumigil si Aimielle at tumigil rin si Yce.

"Sinusundan mo ba 'ko?" Inis na tanong ni Aimielle.

"Oo" Sagot rin ni Yce.

"Bakit?"

"Kasi alam kong badtrip ka?"

"Di ako badtrip"Pagtanggi ni Aimielle.

"Eh bakit nakabusangot ka? Magtatagpo na nga yang kilay mo kaka-kunot mo ng noo. Nag-away kayo ni Gabriel no?" Natahimik si Aimielle. Nag-away ba sila? O ang tamang term ay inaway niya si Gabriel?

"Ano bang nangyari?"Tanong ni Yce nang maupo sila sa batuhan na nakapaligid sa isang man-made falls. Mas maliit at mas mababa ito kumpara sa totoong talon ngunit maganda pa rin. Dinala niya rito si Aimielle para naman lumalig ang ulo nito. Ginaya siya ni Aimielle at naupo rin.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon