Chapter 13.2: The Successors(part 2!)

31 3 1
                                    

Hunter's First Love~Chapter 13. 2

______________________________________________________________

Hindi makapaniwala si Aimielle, akala niya dati ay tanging daddy niya nalang ang pamilya niya. Hindi niya akalaing ganito pala kalaki ang pamilyang kinabibilangan niya.

"Tara Aimielle"Sambit ni Gabriel at tumungo sila sa kinaroroonan nina Jacob. Nang makita sila ni Jacob ay agad itong tumayo at sumunod naman ang isang babae at lalaki na parehong naglalaro sa edad na apatnapu pataas.

"Aimielle, meet my parents, sila ang current head ng ating clan."

"Hello po, salamat po sa pagtanggap sa amin"Ngumiti ang mag-asawa.

"Lagi kayong welcome dito. Isa pa, huwag kayong mahihiya. Kung may kailangan kayo, sabihin niyo lang" Sagot ng ina ni Jacob, maganda ito at malumanay mag-salita.

"Salamat po tita, tito."Si Gabriel naman ang sumagot.

"Sige maupo na kayong dalawa, nasaan pala si Yce?"

"Andito po ako tito."Biglang may sumagot sa likod at sabay na lumingon sina Gabriel at Aimielle.

"Oh kumpleto na pala tayo. Tara na't kumain na tayo"Nagsiupo na sila. Magkatabi Aimielle at Gabriel at nasa kanan naman ni Aimielle si Yce na katabi rin si Stefen. Nasa harapan nila si Jacob at mga magulang nito. Nagsimula na silang kumain at nagkaroon ng maliliit na usapan. Mukhang tanggal na ang bad mood ni Yce dahil nakangiti narin ito habang si Stefen naman ay hindi gaanong kumikibo, masyado itong busy sa pagkain.

Maya-maya ay may lumapit kay Aimielle na isang batang babae, sa tantya ni Aimielle ay nasa limang taon na ito."Hello! Ang cute mo naman."Bati ni Aimielle sa bata at ngumiti ito ng malapad."Relative po ba kita diba? Bakit ngayon lang kita nakita? Tara sali ka samin."

"Gusto ko sana pero may kailangan pa 'kong gawin eh, mamaya nalang ah?"Ngumuso ang batang babae. "Okay...mamaya ate ganda, makapaglaro ka samin ah?" Nabubulol pang sabi ng bata. Tumango tango naman si Aimielle, natutuwa siya sa bata, masyado itong honest.

Nang umalis ang bata ay dun naman kumibo ang katabi niyang si Gabriel."Nalimutan ko palang sabihin sayo na mag-o-overnight tayo dito"

"Talaga?"Tumango lang si Gabriel at nagpatuloy sa pagkain. Kita ang tuwa sa mga mata ni Aimielle, natutuwa kasi siya di lang sa lugar kundi pati narin sa mga tao roon. Considering the fact na kamag-anak niya ang mga nakatira sa village.

Natapos ang salu-salo at bumalik na sila sa kuwarto o mas magandang tawagin itong opsina na una nilang pinuntahan ni Jacob. Ngayon ay kasamana na nila ang papa ni Jacob habang ang mama naman ni Jacob ay nagpaiwan sa bulwagan upang tumulong sa pagliligpit ng mga pinag-kainan.

Sa isang iglap ay naging seyoso ang atmosphere sa paligid, tumikhim si Aimielle dahil walang kumikibo sa mga kasama niya. Hindi naman siguro sila magtitigan dito buong araw hindi ba?

"Aimielle..."Tawag pansin sa kanya ni Castor, ang ama ni Jacob."Gusto kong humingi ng tawad sa nangyari kay Matthew at sayo rin Gabriel para sa papa mo. Ni hindi man lang sila nabigyan ng marangal nalibing."Kita ang galit sa mga mata ni Castor habang si Aimielle ay nawala ang ngiti sa labi. Totoo iyon, wala man lang siyang mabisitang puntod ng ama niya dahil hindi natagpuan ang bangkay ni Clark at Kenneth.

"Hindi lang sila ang namatay, someone is after us, element-users"Sagot naman ng kanina pa walang kibo na si Stefen." Meron ring mga element-user na bigla nalang nawala ng parang bula."Segunda rin ni Jacob. Samantala, si Aimielle ay hindi na kumikibo at nakikinig nalang. Hindi niya kailan man naisip na magiging ganito kakumplikado ang buhay niya.

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon