Chapter 11:Friendly Date

43 3 2
                                    

Hunter's First Love~ Chapter 11

______________________________________________________

Matapos ang pag-uusap ni Tame at Aimielle ay napagpasyahan na ni Tame na huwag ng magpaabot ng umaga doon at umalis na ngunit bago siya tuluyang umalis ay sinabi niya na rin kay Gabriel ang totoong dahilan ng kanyang biglaang pagbalik.

"Pinagbibintangan ako ng mga vampire hunters sa mga nangyaring pagpatay sa tatlong element-users. Hindi ako tumakbo rito para magtago dahil kayang kaya ko namang patunanyan na inosente ako. Gusto ko lang na malaman mo agad ang mga nangyari dun, patay na ang 2nd cousin mo na si Aqua. Pati narin ang dalawang kamag-anak ni Aimielle" Hindi nakakibo si Gabriel. Pakiramdam niya ay napaka walang kwenta niya dahil wala parin siyang solid na suspect hanggang ngayon, pati ang kanyang pinsan ay wala na.

"Sige aalis na'ko, salamat sa pagpapatuloy sa akin at paki sabi nalang dun sa bata na sorry ulit."Pagkatapos nun ay agad naring lumisan ang bampira. Kahit ganoon si Tame ay mabuti itong kaibigan. Ngayon ay aakalain ng mga vampire hunters na guilty ito kaya ito nagtago.

Ang mga Vampire hunters ay mga tao na sinanay para makipaglaban sa mga bampira, ang mga ninuno nila ang minsan ng nagligtas sa mundo noong naghari ang mga bampira. Iba sila sa mga hunters na bayaran namang mamamaslang. Ngayon naman ay wala ng gulo sa pagitan ng mga bampira at mga vampire hunters, ang trabaho nalang nila ngayon ay panatiliing susunod ang mga bampira sa napagkasunduan.

--

Nang maabutan ni Aimielle si Gabriel ay parang nakakita siya ng zombie. Nagluluto ito ngunit parang wala rin sa sarili, bakit parang hindi siya nakatulog ng isang linggo? "Good morning?"Patanong ang bati niya dahil mukhang hindi 'good' ang morning nito

"Ha? Ah oo maluluto na'to"Confirm, bangag nga si Gabriel."Okay ka lang ba Gabriel? Bakit parang isang linggo ka namang di natulog?"

"Ayos lang ako." Walang ganang sagot nito.

"Si kuya Tame pala?"

"Umalis na siya"Naalala ni Aimielle ang sugat nito kaya naman kinamusta niya narin ang kalagayan ni Gabriel.

"Gab kamusta pala yang sugat mo?"Patuloy lang siya sa pangungulit kay Gabriel."Gagaling rin 'to agad"

"Gab! Labas naman tayo! Sige na!"

"Aimielle---"agad na pinutol ni Aimielle ang sasabihin ni Gabriel."Sige na Gab, kailangan mo rin ng break. Kahit isang araw lang?"

"Mag date tayo!"Muling sabi ni Aimielle

"A-ano? Date?"Nawala ang antok ni Gabriel sa sinabi ni Aimielle.Wala siyang tulog dahil buong gabi ay gising siya kaka-kalap ng mga impormasyon sa mga possible suspect sa pagpatay sa mga magulang nila.

"Oo, date. Friendly date! Para naman matanggal ang stress natin diba?"Napangiti nalang si Gabriel.

"Hala Gab! Yung bacon sunog na!"

--

Ano bang isusuot niya? Teka,bakit ba masyado siyang excited at natataranta kung ano ang susuotin niya samantalang lalabas lang naman sila ni Gabriel? Napasabunot na siya ng sariling buhok out of frustration.

"Bakit ba kasi yun ang lumabas sa bibig ko?! Anong date ang pinagsasabi mo Aimielle?"Pagsita pa ni Aimielle sa sarili. Para siyang baliw na kausap ang kanyang sarili.

"Teka, eh ano naman? Friendly date lang yun Aimielle, FRIENDLY! kaya ano yang pinuputok ng butsi mo?"

--

Hunter's First Love (On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon