10 - Debut

15 0 0
                                    

Nakangiti ako habang nakaupo sya sa isang bench sa garden. Nakikipag biruan sya sa mga kaibigan nya at kasama nya rin si kuya.

"Jeni! Dali picture-ran mo ko!" excited na saad ko at kumunot ang noo nya pero na gets nya rin naman agad nang makita si Astee sa likod.

"Ipwesto mo na parang tinuturo ko sya ha!" masayang saad ko at pumwesto sa harap ng camera.

"Oh" inabot ni Jeni ang telepono sakin at nakangiti kong kinuha iyon.

"Ayan! Ang ganda!" agad na ginawa iyong home screen dahil baka makita ni kuya kapag lock screen. Sobrang protective nya kasi kaya kahit college na ako ay ayaw nya parin akong magkaroon ng boyfriend.

Pinakita ko sa kanya ang home screen ko "First picture namin 'to!" kumunot ang noo nya.

"Ha? Wala pa kayong picture!?" tumango ako at ngumuso.

"Wala pa kayong picture at wala pa rin syang paramdam sayo pagkatapos nyang sabihin na liligawan ka nya kapag 18 ka na!?" pagalit nyang saad at napanguso ako.

"One month pa naman bago ako mag 18, Jeni" pumikit sya ng mariin.

"Hindi ka pa 18 kaya pwede syang mag girlfriend!? Sittie, nakawalong girlfriend na si Astee sa loob ng limang buwan!" ngumuso ako sa sinabi nya.

"Hindi pa naman sya nanliligaw sakin kaya okay lang diba?" napasapo sya sa noo nya.

"Hindi ko alam kung anong pang- gagayuma yung ginawa sayo ni Astee" ngumuso ako at nilingon sina Astee na paalis na pero may kirot sa dibdib ko nang lumapit ang bago nyang girlfriend at sinukbit ang kamay sa braso nya.

Bumuntong hininga ako at nakayukong umalis.

....

"What's your plan for your debut, Sittie?" ngumuso ako. Nasa dining kami sa mansion at nagfafamily dinner dahil kakauwi lang nina mommy at daddy galing Genovia.

"I already told you, mom. I want a simple debut" isang buwan nalang at debut ko na pero paulit ulit akong pinipilit ni mommy na maging engrande ang selebrasyon.

"I also told you before that you should have a big celebration for your debut, Sittianna" napanguso ako.

"I hired an organizer and they will come tomorrow" they? edi marami?

"Mom, don't force Sittie if she doesn't want to" saad ni kuya at umiling lang si mommy.

"This is a big opportunity to Sittianna, Jayx. Many people will know her more and no one knows, baka nando'n ang mapapangasawa ni Sittie" pumikit ako ng mariin.

"Mom! Sittie is just 17! Stop those nonsense thoughts!" inis na saad ni kuya.

"You're so overprotective to your sister, Jayxon! I want to expose your sister to our industry and find someone for her--"

"Stop you two. We're eating" mabuti nalang at sumingit si daddy kaya patago ko syang nginitian at kinindatan nya naman ako.

....

"So, itutuloy mo yung debut?" tanong ni Jeni habang naglalakad kami sa hallway.

"Yeah. Mamaya dadating yung mga organizer na hinire ni mommy" tumango sya.

"Maraming mag-aabang sayo nyan. Ang unija hija ng mga Perx" natawa ako at umiling.

"May list ka na ba ng magsasayaw sayo sa eighteen roses mo?" umiling ako.

"Wala pa. Ang sure ko lang ay si kuya, si dad, pati yung mga pinsan ko na dadating galing Genovia"

"OMG!" napahinto ako nang huminto sya at hinawakan ang kamay ko. Nakita ko pang kumikinang ang mga mata nya sa naisip na idea.

LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon