"Argh! Paano ka ba takpan?" pilit kong tinatakpan ng concealer yung mga eyebags ko. Kahit anong hack ang gawin ko ay hindi ko sya matago!
"Sittie! Malelate ka na!" agad akong nataranta sa sinabi ni kuya.
"Lalabas na!" saad ko at mabilis na lumabas ng kwarto. Iniiwasan ko yung tingin ni kuya habang nag-aayos ng lunch box.
"May tinatago ka ba sakin, Sittianna?" umiling ako at nag-isip ng ibang topic saka sinamaan sya ng tingin.
"Ikaw? Bakit wala ka nung training kagabi ha! Bakit hindi mo ko sinabihan?" siningkitan ko sya ng tingin kaya umiwas sya ng tingin.
"Nasaan ka buong gabi Jayxon?" pangkukwestion ko sa kanya pero tinalikuran nya ako.
"Malelate ka na. Gusto mo bang mag community service na naman?" napairap nalang ako at kinuha na yung mga lunch box at lumabas ng penthouse.
Nagjeep at bus na ako papunta sa school dahil hindi naman ako ganon ka late.
"Huy tara! Tignan natin kung saang section tayo mapupunta!" agad na nagtakbuhan ang mga estudyante sa bulletin board dahil doon makikita kung sino sino ang makakasama sa bus at sa team building next week.
Nasa likod ako habang inaantay yung mga tao na matapos sa paghanap ng mga pangalan nila pero napalingon ako nang may kumalabit sakin.
"Chereeen!" napakunot ang noo ko nang may inabot sakin na papel si Caleb.
"Ako yung gumawa ng seat plan pati ng groupings para sa team building at sinama kita sa group namin" nanlaki ang mga mata ko at hinanap ang pangalan ko.
"OMG" pabulong kong saad nang makitang magkatabi kami sa bus ni Astee.
Napakagat ako ng ibabang labi habang nakatingin kay Caleb.
"Thank youuu!" masayang saad ko at natawa sya saka ginulo ang buhok ko pero bigla syang bumuntong hininga at naging seryoso ang mukha.
"Ang saya mo parin kahit ilang beses ka nang nasaktan sa kanya" hindi na ako nakareact sa sinabi nya dahil nakita ko si Astee na naglalakad habang nakayakap sa braso nya si Mari.
"Wait lang ha" saad ko kay Caleb at lumapit kat Astee pero masamang tingin agad yung binigay nya sakin kaya napayuko ako.
"L-lunch?" nakakagat ako ng ibabang labi at walang pasabi nya iyong kinuha saka ako nilagpasan.
Nakangiti ako kahit nilagpasan nya lang ako pero nawala ang ngiti ko nang itapon nya ang lunch box sa basurahan.
Nginisian nya pa ako bago tuluyang umalis. Napatitig ako ng ilang segundo sa basurahan.
"Sittie!" napalingon ako ng akbayan ako ni Jeni pero nawala ang ngiti nya.
"Oh! Anong nangyari sa mga mata mo?" tanong nya at napabuntong hininga ako saka mabilis na pumunta sa basurahan.
"Huy! Ano ba yang kinukuha mo riyan?" napamura sya nang makita ang lunch box na binigay ko kay Astee kanina.
Customized ang lunch box na iyon at ako lang ang meron kaya alam ni Jeni na sa akin iyon o kay Astee. Iba kasi yung kulay ng kay kuya pero magkaparehas ng kulay yung amin ni Astee.
"Tinapon 'yan ni Astee?" hindi makapaniwala akong tumango.
Pumikit sya ng mariin "Sya rin yung may dahilan kung bakit ka umiyak 'di ba?" tumango ulit ako at nagulat ako nang mabilis syang naglakad.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomancePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...