"Thank you, Jane and Jeremy" saad ko nang matapos akong maligo at mag breakfast.
"Don't worry, Sittie. Welcome na welcome ka rito!" saad nya at napangiti ako.
"Ihahatid ka na ni Jeremy at hindi ka pwedeng humindi" natawa ako at nagpaalam na sa kanya.
Mabilis lang kami nakapunta sa penthouse dahil hindi traffic.
"Thank you Jeremy" tumango sya at nginitian ako.
"Welcome Sittie" bumaba na ako at kumaway saka pumunta sa na sa penthouse.
Nagpahinga lang ako saglit at nag aral na ulit. Inubos ko lang ang buong sabado ko sa kakaaral at late na rin ako nakapag dinner.
Hindi lang talaga halata pero grades conscious ako. Hindi naman ako pinepressure nina mommy pero gusto ko na mataas ang grades ko.
Nang mag Sunday naman ay hapon na ako nagising kaya taranta ako sa pag aaral.
"Oh goodness!" saad ko nang magising. Hindi na ako kumain at tumutok na ulit sa reviewer.
Paulit ulit akong tumitig sa isang reviewer pero hindi pumapasok sa utak ko kaya bumuntong hininga ako.
"It's exhausting" saad ko kaya nag inhale and exhale ako bago dumiretsyo sa banyo at naligo.
Tensed at pressured ang katawan at isip ko kaya walang pumapasok sa mga inaral ko. Nang makaligo, nakapagpatuyo ng buhok, at nagawa ang mga routine ay nagbihis ako ng simpleng oversized graphic shirt, shorts, slippers at kinuha ko rin ang tote bag ko kung saan nilagay ang mga gamit ko.
Sumakay ako sa taxi at pumunta sa pinakamalapit na cafe. Gumaan agad ang pakiramdam ko nang maamoy ang kape at gumaan din ang pakiramdam ko dahil sa peaceful na paligid.
Umorder ako at pumili ng magandang pwesto saka umupo ro'n at nag aral.
Mas gumaan ang pakiramdam ko at may pumapasok na sa isip ko. Tuwing nag aaral ay ginagamit ko ang Pomodoro technique para mas madali sakin at para may pahinga rin ako.
Sa pagkatutok ko sa pag aaral ay hindi ko namalayan ang oras. Agad kong kinuha ang telepono ko pero kumunot ang noo ko nang hindi iyon mahanap.
Napailing ako. "Naiwan ko sa penthouse"
Hindi ko nalang pinansin iyon at nag aral ulit.
"Two subjects to go" saad ko dahil alam na alam ko na ang laman ng pag aaralan namin.
Mas nadadalian kasi ako sa practical at coding exams kesa sa mga identifications kaya yung mga subject na hindi coding and inuna ko.
"You really forgot about me" napahinto ako sa pag highlight nang may nagsalita sa harap ko.
Tumaas ang kilay ko. "How did you know that I am here?" saad ko kay Astee at tumaas ang kilay nya saka umupo sa harap ko.
"I was passing by to buy a coffee then I saw you here" tumango ako.
"You're not answering my calls" medyo masungit nyang saad.
"I left my phone at the penthouse and why are you calling me? Wait, are you with Mari again? If yes, then I'll go now. I hate loud people when I'm studying" tumaas ang kilay nya at sumandal sa upuan saka nag cross arms.
"She's not with me and have you forgotten that you have to tutor me?" kumunot ang noo ko.
"Hey! Sunday is not part of the contract!" tumaas ang kilay nya.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomancePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...