07 - Macaroons

11 0 0
                                    

Monday na at gumaling na naman agad ako dahil hindi naman ganon kalala yung sakit ko.

Lumabas na ako sa kwarto nang makaligo at makabihis. Dumiretsyo ako sa kitchen nang may marinig na tunog.


"What are you--- Kuya! You're back!" gulat kong saad nang makita si kuya.


Bumeso ako sa kanya at hinalikan nya ako sa noo saka ginulo ang buhok.


"How's my baby?" ngumuso ako.


"I'm a lady na! Hindi na baby, okay?" saad ko at mahina nyang pinitik ang noo ko.


"Still, you're my baby sister" napailing nalang ako.


"Did you cook?" tumango sya at nilagay sa lamesa yung mga pagkain na niluto nya.


"How's the documents that you did in Genovia?" tanong ko at may binigay sya sakin na dalawang paper bag ng pasalubong. May mga damit, keychain at pagkain.


"I'm not yet done but I returned to do my school works. By the way, mom  said that you should visit them because they misses you" tumango ako.



"I will, in vacation" saad ko at umupo na sya sa harap ko para kumain kami.



Sabay kaming pumasok ngayon na hindi late kaya nagulat ako dahil ayaw nyang maaga pumasok pero sabi ni kuya ay may mga gagawin daw sya kaya maaga yung pasok nya.


"That's it for today, don't forget to do your assessments, okay?" saad ng huli naming professor at umalis na sya.

Inayos ko yung mga gamit ko at lumabas na ng classroom. May practice si Jeremy habang may date naman si Jeni kasama yung jowa nya.


Bumuntong hininga ako at naglakad papunta sa gate para pumunta sa malapit na coffee shop at tatambay lang ako, ayoko pa kasi umuwi.


"Sittie!" napalingon ako nang may tumawag sakin at tinaasan ko ng kilay si Caleb.


"Stop if you're going to tease me" pagbabanta ko at tinawanan nya ako saka ginulo ang buhok.


"Sa'n ka?" tanong nya.


"Tatambay" saad nya at tumango sya.


"Samahan mo ko" nakangusong saad nya.


"May pinapabili kasing materials si Astee para sa susunod na events" dagdag pa nya.


"Sige. Wala naman akong gagawin e" saad ko kaya pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa kotse nyang Bugatti.


"Daan muna tayo sa Starbucks, I want iced coffee" saad ko kaya nagdrive sya sa malapit na Starbucks at nagdrive thru kami.


"One iced latte please" saad ko at umorder din si Caleb.


"Ako na" saad nya nang mag-abot ako ng bayad kaya hinayaan ko syang ilibre ako kasi sino bang may ayaw ng libre.


Napataas ang kilay ko nang pumasok kami sa Royal Mall. Ang mga Royalty at ang kasama lang sa Richest Family in Lucresia ang pwedeng pumasok dito at kapag hindi naman taga Lucresia ay nagpapaschedule pa at kailangan ng approval para lang makapasok.


"Good day, Mr. Primo" bati ng butler nya. Bawat pumapasok ay may butler para kapag kailangan nila ng assistance.



"This is Sittie, Vijo. You can assist someone, we don't need a butler today" tumango ang butler nya na parang kasing edad lang namin.



LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad LiarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon