Hindi ko na inabala pa si Astee at hindi ko na rin tinext o tinawagan dahil natulog din naman ako ng mga dalawang oras pag ka-alis nya.
Nagmamadali akong bumaba sa lobby dahil na late ako ng gising. Medyo mabigat pa kasi yung katawan ko.
beep beep*
Napahinto ako sa pagtawid sa sakayan nang may isang Porsche na huminto sa harap ko.
"Sabay ka na!" napangiti ako nang makita si Jeremy.
"Oo ba!" saad ko at sumakay sa shot gun seat.
"Malapit ka lang dito?" tanong ko at tumango sya.
"Lumipat ako ng condo, malapit dito" napatango naman ako.
"Kumusta review?" tanong nya at natawa pa sya nang takpan ko ang mga mata ko.
"Halata ba? Mukha na ba akong zombie?" nakanguso kong saad pero ngumisi sya at umiling.
"Ang ganda mo namang zombie" mas lalo akong napanguso.
"Mukha ka lang pagod kaya ko natanong" napatango naman ako.
"Medyo nga... By the way, gusto mo magreview tayo mamaya?" masayang saad ko at tumango sya.
"Oo ba! Tutal wala kaming training. Sunduin kita after class mo" tumango ako at nagdrive na ulit sya.
Nagred light at napalingon ako nang inilagay ni Jeremy ang mga takas na buhok sa likod ng tenga ko.
"Mas bagay sayo yung kita ang maganda mong mukha" napakurap ako ng dalawang beses at nagdrive na sya.
Bago pa ako makareact ay may bumusina sakin sa likod kaya napunto ro'n ang atensyon ko.
beeeeep beeeep!
Kumunot ang noo ko nang may sunod sunod at malakas na bumusina samin kaya itinabi ni Jeremy ang kotse nya at inantay na unahan kami ng nasa likod.
"Baka emergency e" saad ni Jeremy pero hindi parin kami nilagpasan ng kotse sa likod at mas lumakas pa ang busina kaya pinagtitinginan na kami.
beeeeeeeeep! beeeeeeeeeeep!
Nilingon ko ang kotse at napapikit ako ng mariin nang makita kung sino ang may ari ng sasakyan.
"Gosh! Don't mind him" saad ko kay Jeremy kaya nagdrive na ulit sya at dinial ko naman yung number nya.
"Are you insane!?" inis kong saad at narinig ko lang na ngumisi sya.
["I am"] pangaasar pa nya.
"Stop blowing your horn! Ang ingay!" sigaw ko dahil natatabunan ng busina nya ang boses ko sa lakas.
["Then hop out of that cheap car and hop in my car if it's too loud for you"] pumikit ako ng mariin.
Tinawag nyang cheap ang bmw ni Jeremy!?!
"Childish!" saad ko at ibinaba ang telepono.
"Gosh!" inis kong saad kaya mas binilisan nalang ni Jeremy ang pagddrive at hinahabol parin kami ni Astee habang malakas ang busina!
Ano bang trip nya!?
Syempre ay maaabutan nya kami dahil naka Ferrari sya at pinapadaan sya ng mga tao dahil kitang kita naman sa plate number kung sino ang nasa sasakyan!
Inis kong tinignan si Astee nang bumaba kami ng sasakyan at sabay kami. Nakita ko ang masungit nyang ekspresyon at pagod na mga mata na parang hindi natulog pero agad ding nawala iyon nang magtama ang tingin namin.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomancePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...