Maaga akong gumising dahil tatambay ako sa condo ni Jeni. Sunday ngayon at exam week ko na simula bukas.
Nakasuot ako ng simpleng yellow puff dress na above the knee at white flats. Tinernohan ko ng white canvas tote bag na may design ng maliliit na daisies. Inilagay ko ang laptop, notebooks at ilang mga kakailanganin sa tote bag saka bumaba.
"Kuya! Baka hindi ako umuwi ngayon ha--" napahinto ako nang makita ang mga kaibigan ni kuya— sina Caleb, Roy at Astee.
"Tagal nating hindi nagparamdam ah?" napakurap ako ng dalawang beses at napakagat ng ibabang labi nang magsalita si Caleb.
Anong ginagawa nila rito?! Bakit hindi ko man lang sila narinig?
"A-ah, busy lang. Si kuya?" tanong ko kay Caleb dahil iniiwasan ko yung tingin ni Astee.
"May binili lang sa labas" tumango ako.
"A-ah... Una na ako, pasabi nalang kay kuya na baka hindi ako umuwi ngayon. Bye!" nagmadali akong lumabas ng penthouse at nagbook agad ng grab.
Pasara na sana ang elevator pero may humarang. Napakagat ako ng ibabang labi nang makita si Astee at nag kunwari na may kachat.
"You're staying at Jeni's place?" nagulat ako nang nagsimula sya ng conversation kaya tumango lang ako. Hindi ko alam kung nakita nya ba yung tango ko dahil nakayuko lang ako at nakatingin sa cellphone.
"Madadaanan ko yung condo nya, hatid na kita?" nagulat ako sa sinabi nya pero umiling ako.
ting*
Saktong bumukas ang elevator.
"Hindi na, nag-aantay na yung grab" saad ko at dali-daling naglakad palabas ng elevator para pumunta sa lobby.
Sumakay agad ako sa grab at umalis din agad ang kotse. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang nakalis na yung grab ko.
Isang linggo na ang nakalipas nang hindi ako nagparamdam. Hindi na ako pumupunta sa mga training nila, hindi na rin ako nagluluto ng pagkain ni Astee at nilalayuan ko na sya.
Sinabi ko na rin sa sarili ko na magmomove on na ako. Dapat naman 'di ba? Hindi naman na siguro ako manghihinayang sa pag-aantay ko sa kanya kung titigil na ako ngayon.
"Oh tapos? Nagpahatid ka sa kanya?" excited na tanong ni Jeni nang ikwento ko sa kanya yung nangyari kanina.
"Syempre hindi" sagot ko naman at napapalakpak sya.
"Thank you lord! Hindi nasayang yung mga advice ko sayo! Totoo nga ang himala! Nagmomove on ka na!" napailing nalang ako.
"Magsimula na nga tayo!" saad ko at nilabas na ang laptop.
....
Mabilis lang na dumaan ang isang linggo at nalipat ang event day dahil sa exam kaya sa mga susunod na linggo gaganapin ang exam day.
"Oh, babaunan mo na ulit si Jeni?" napahinto ako sa sinabi ni kuya nang makitang tatlo yung hinahanda kong lunch box. Ang alam ni kuya, kay Jeni yung isa kaya palaging sobra pero hindi nya alam na kay Astee iyong sobrang lunch box dati. Hindi nya rin alam na may gusto ako kay Astee.
"A-ah! Oo kuya" saad ko at napailing nalang din dahil hindi ko alam kung bakit kusang gumalaw ang kamay ko at nasobra yung gawa ko.
Akala ko sanay na ako dahil mahigit dalawang linggo ko na syang hindi ginagawan ng lunch pero hindi parin pala. Kinuha ko yung extrang lunch box at namasahe papunta sa school.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomansaPublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...