Napabalik ako sa katinuan nang tapikin ako ni kuya.
"Are you okay?" kunot noo nyang tanong at tumango ako.
"Hmm... Are you done with your practice?" tumango rin sya.
"Wait me here. I'll just take a shower" sabi nya at umalis na sya dala dala ang duffle bag nya.
Bumuntong hininga ako at isinara ang telepono para hindi maalala ang mga masasakit na alaala.
Habang binabalikan ko ang nangyari noon ay naaawa ako sa sarili ko. Ang tagal ko palang umasa at ang tagal ko na palang sinasaktan ang sarili ko.
Inaamin kong sobra akong nasaktan sa surpresa na akala ko ay para sa akin. Masyado kasi akong umasa. Naging sila ni Mira pero hindi rin nagtagal. Palagi rin akong nabubully ng mga nagiging ex ni Astee dahil akala nila ay ako ang pinalit sa kanila ni Astee, palagi kasi nila akong kasama dahil kasama si kuya.
Kalaunan ay nagpasalamat si Astee sa akin dahil naging parte raw ako ng pag surpresa kay Mira pero hindi na katulad ng dati, naging cold sya sakin.
Isang simpleng. 'Thank you for being part of my surprise for my girlfriend' lang ang natanggap ko at umalis na sya. Hindi parin ako tumigil at binibigyan parin sya ng lunch at nanonood parin ng mga laro nila kahit nga exam week e. Ang kaibahan lang ay hindi ko alam kung kinakain nya pa ba yung binibigay ko sa kanya noon at mas naging mailap sya sakin.
Pagkatapos ni Mira ay maraming naging girlfriend si Astee at hindi na sya nawalan ng girlfriend... At hindi na rin nya ako niligawan kahit ilang taon na akong lagpas 18. Pero sobrang manhid at martyr ko pala.
Bumuntong hininga ako at inayos na ang mga gamit para aalis nalang kami kapag dumating na si kuya. Hindi naman ako matagal nag antay dahil mabilis lang nagshower si kuya.
"Una na kami!" nagpaalam si kuya kina Caleb.
"Bye Sittie!" kumaway din ako sa kanila.
Naglakad na ako palapit sa kanya at inakbayan nya agad ako habang naglalakad kami papuntang parking lot. Nang makasakay ako sa sasakyan nya ay nag seat belt agad ako.
"I'm going to Genovia tomorrow" napalingon ako sa sinabi ni kuya.
"Why? For how long?" tanong ko.
"For our business and for my own business. Our business is getting bigger and bigger that's why it needs someone to handle it because our parents cannot handle it anymore" ngumuso ako.
"I'll be there for a month or three weeks. I don't know" tumango ako.
"So I'll be alone in your condo for that long" saad ko at tinignan nya ako na parang naaawa.
"Honestly, I'm planning to settle in Genovia" napaawang ang labi ko.
"I might leave next year and continue my studies there"
"Ha!? Bakit?" gulat ko paring saad.
"Personal reasons" bumuntong hininga ako.
"You can come to me, you know. You're always welcome to come with me" ngumuso ako at umiling.
"I already settle my life here" nakanguso kong saad.
"I respect your decision" iyon lang ang sinabi nya at nahinto na kami sa paguusap.
"Sa mansion tayo?" tanong ko jang huminto ang sasakyan sa labas ng bahay namin. Nakatutok lang kasi ako sa telepono ko buong biyahe habang nakikinig ng tugtog sa radio.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomancePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...