Dahil sa simpleng nangyari kagabi ay umiyak nanaman ako buong gabi.
Ang hirap... Ang hirap sa feeling na gusto ko na kumawala sa pagiging manhid pero kumakapit parin ako sa sayang... Sayang yung inantay ko na taon dahil baka gusto nya na rin ako...
Nasasaktan ako kahit hindi naman dapat.
Bumuntong hininga ako habang nililinis ang pinagkainan ko ng breakfast.
"Buti ka pa naalala nya..." bulong ko habang nakahawak sa mga petals ng anemone. Pinalitan ko ang tubig na nasa vase kung nasaan ang bulaklak at inilagay sa kung saan sya ma- aarawan.
Pagkatapos ay kinuha ko na ang bag saka bumaba sa lobby. Tatawid na sana ako para makapunta sa sakayan ng jeep nang may bumusinang sasakyan na Jaguar.
"Sittie! Sumabay ka na sakin! Tumawag kuya mo e" tumaas ang kilay ko nang makita si Roy kaya pumunta ako sa shotgun seat at binuksan iyon pero napakunot ang noo ko nang nakalock iyon.
"Sa likod ka boss" saad ni Roy kaya binuksan ko ang pinto sa likod pero napairap ako nang makita si Astee.
"What are you doing here?" masungit kong saad kaya tinaasan nya ako ng kilay.
"I asked Roy to pick me up. I didn't know that he will fetch you" narinig kong pumipito pito si Roy.
Alam nya sigurong magsisimula nanaman kaming magsumbatan.
"Favorite ko talaga yung kanta ng imagine dragons... Ano ulit title no'n? Ah... bad liar" singit ni Roy na hindi ko naman nagets.
Napailing nalang ako at umupo sa right side dahil nasa left side si Astee.
"Tinuturuan mo pala si Astee, Si?" tanong ni Roy at tumango ako.
"Naks! Pwedeng ako rin?" tumaas ang kilay ko.
"Why not? Same subjects lang naman kayo" sagot ko kaya tumawa ng malakas si Roy.
"Yun oh!" saad nya at napangisi ako nang maalala yung plano ko kagabi.
"By the way, I realized that my only vacant day is every Tuesday, Thursday, and Saturday" saad ko habang nakatingin si Astee.
"Didn't we agree that you will teach me--"
"Wait" tinaas ko ang kamay ko sa harap nya kaya napahinto sya sa pagsasalita at napasipol si Roy na nanonood samin sa rear mirror.
"Correction Mr. Acker, I didn't agree. You just made your own decisions when it comes to the days of our tutor session" tumaas ang kilay nya.
"So if you're not available on my vacant day then let's stop the contract and let me pay the damage that I did on your car" tinitigan nya ako ng limang segundo at ngumisi.
"Let's do it on your vacant day then" napapikit ako ng mariin at nawalan ng pag-asa.
"You said you're busy on those days" giit ko at tumango sya.
"I am but I'll make time for your vacant days" pasarkastikong saad nya kaya napairap ako.
"Huy dre, seryoso ka dyan? Baliw ka! Hindi ba may--"
"Shut up" masungit na saad ni Astee.
"Awit, shatap pa nga" tumahimik na kami pagkatapos naming magusap.
"Thank you Roy!" saad ko at lumabas na ng kotse nya. Naglakad ako papasok sa campus galing sa parking lot.
"Hindi pa nagsisimula ang klase pero parang pagod na pagod ka na" napahinto ako nang makita si Caleb na galing din sa parking lot.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
Storie d'amorePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...