"Kuya! Ano ba!" inis kong tinulak si kuya paalis ng pinto ng kwarto ko pero tinatawanan nya lang ako habang nagmamadali akong kumilos.
Mabilis akong pumunta sa kusina para ayusin yung tatlong lunch box para sa baon naming dalawa at yung isa para sa crush ko.
Hindi sana ako malelate kung hindi nya pinatay yung alarm clock ko!
"Pwede ka namang malate e, tularan mo ako" huminto ako sa pagsara ng lunch box at sinamaan sya ng tingin.
"Pwede sayo kasi best friend mo yung Prinsipe!" natawa lang sya kaya kinuha ko na yung dalawang lunch box.
"Huwag mong kakalimutan yung pagkain mo ha!" saad ko at mabilis na nagsuot ng sapatos saka bumaba ng penthouse.
Nagtaxi na ako dahil mas malelate ako kapag sumakay pa ako sa jeep.
Bumuntong hininga ako at sumimangot "Pwede raw magpa-late" napairap ako.
Naalala ko noong unang beses akong nalate kasama si kuya kasi sabi nya hindi raw ako mapaparusahan kapag nalate ako kasi magkasama naman kami pero naparusahan ako! At ako lang yung pinagcommunity service ng isang linggo!
Dati sumasabay ako kay kuya papasok ng school pero dahil palagi syang late kaya hindi na ako sumasabay. Hindi rin naman ako marunong magmaneho kaya namamasahe nalang ako o minsan sinusundo ako ni Jeni, iyong best friend ko.
Hindi ko rin naman gusto mag hire ng driver kaya namamasahe nalang ako.
Sa Royal University ako nag-aaral. Iyon ang school na pinamumunuan ng mga Royalties. May mga Prinsesa at Prinsipe rin na galing sa ibang bansa ang nag-aaral doon pero ang pinakamataas na royalty sa R.U ay walang iba kundi ang mga Acker. Tatlo silang kambal na anak ng dating reyna na si Queen Astrid pero ang panganay at ang bunsong anak lang ang nag-aaral dito. Oo, kahit kambal sila ay may tinuturing parin panganay at bunso.
Ang mga anak naman ni King Aiden at Queen Xavi Hertz ay hindi sa R.U nagaaral kaya ang mga Acker talaga ang pinakamataas na Royalty.
"Nandito na tayo, Miss" saad ng taxi driver kaya nagbayad na ako at bumaba.
"Late na" nakangusong saad ko at nawalan na ng fighting spirit dahil siguradong mapaparusahan nanaman ako.
"Ilagay ang pangalan, course at section" saad ng nagbabantay sa gate kaya nakanguso kong kinuha ang ballpen at notebook.
"Sittie!" agad na nagliwanag ang mukha ko nang makita si Caleb.
"Tara na! Pasok ka na!" umiling ako at nginuso yung secretary ng Student Council, iyong nagbabantay sa gate.
Lumabas ng gate si Caleb at inakbayan ako "Hindi ka naman late e" kinindatan nya ako.
"Diba, Toby! Hindi naman late si Sittie?" makahulugan nyang saad at agad na kinabahan si Toby saka tumango.
"O-Oo Sittie! Pasok ka na!" sabay kuha ng notebook at ballpen.
Hindi naman nag-abalang umalma yung ibang late dahil isa sa best friend ni Caleb ang Prinsipe. Best friend din sya ni kuya. Kilala rin ang pamilya ni Caleb pagdating sa business industry.
Nakahinga naman ako ng maluwag at humarap kay Caleb.
"Niligtas mo na naman ako" natawa sya saka ginulo ang buhok ko.
"Alam ko namang si Jax yung may kasalanan kung bakit ka late e. Oh, para kay Astee nanaman 'yan?" nginuso nya ang dala kong lunch box.
"A-ah oo" iyon lang ang nasabi ko dahil nahihiya ako.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
Storie d'amorePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...