Nagising ako sa sinag ng araw at agad akong kinabahan kaya napaupo ako sa kama. Nakahinga ako ng maluwag nang makitang nasa kwarto ko ako."Was it a dream?" bulong ko sa sarili at saktong pumasok si Jeni.
"THANK GOODNESS! YOU'RE AWAKE!" saad nya at lumapit sakin saka chineck ako.
"Okay ka na ba? May masakit ba sayo?" nag-aalalang tanong nya kaya tumango at umiling ako.
"What happened?" tanong ko at kinaltukan nya ako.
"Muntik ka nang ma-rape ng taxi driver!" napakurap ako ng dalawang beses at tinignan yung dextrose na nakadikit sa kamay ko.
"Si kuya? Alam ba nya? Ilang araw na akong walang malay?" sunod sunod kong tanong.
"Dalawang araw ka nang tulog at wala yung kuya mo, hindi pa umuuwi. Umuwi raw sa Genovia" tumango ako at nakahinga ng maluwag.
Siguradong hindi papalagpasin ni kuya yung driver kapag nalaman nya ang muntik nang mangyari sakin.
"Y-yung driver? Nahuli ba?" kinakabahang saad ko nang naalala ang nangyari noong gabi.
"Oo, Si. Nahuli at bugbog sarado!" nakahinga ako ng maluwag nang marinig na nahuli sya.
"Who saved me?" tanong ko at napahawak sya ng batok.
"Hindi ko alam pero si Caleb yung tumawag sakin at sinabi nya yung nangyari sayo" tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.
Ilang sandali lang ay may dumating na doctor para icheck ako at pinayagan na akong pumasok ulit.
May drugs daw kasing inispray sa loob ng taxi kaya nakatulog ako ng dalawang araw. Mabuti nalang at hindi ko gaano nalanghap yung drugs kundi baka raw mas matagal akong tulog, idagdag pa na marami akong nainom.
"Sure ka na bang kaya mo nang lumabas?" tanong ni Jeni habang tinutulak yung push cart. Nasa grocery kami ngayon kasi ubos na yung stock sa penthouse.
"Oo naman, magaling na ko no" saad ko at tumango naman sya.
Huminto ako sa baking section para bumili ng mga ingredients.
"Ito pa! Si Astee, soccer player na rin!" napahinto ako sa pagpili ng brand ng flour sa sinabi ni Jeni.
"Kailan pa?" tanong ko.
"Noong unang araw kang tulog" napakunot naman ang noo ko.
"Ang dami nyang time ha" saad ko dahil bukod sa may mga ginagawa sya sa bilang Prinsipe, may mga inaayos din sya bilang President ng Student Council dahil sa event week tapos sa kanya binibigay ang mga desisyon na gagawin sa school at naghahanda rin sila sa laban sa mga ibang school bilang Captain ng Basketball tapos ngayon sumali pa sya sa soccer?
"Buti nakakaya ng schedule nya" saad ko at nilagay sa cart yung mga ingredients.
"Buti talaga tsaka sya na yung MVP ng soccer nung lumaban sila kahapon!" napahinto ako at napakunot ng noo.
"Hindi na si Jeremy?" umiling sya.
"Hindi nya nga pinapuntos si Jeremy e! Hindi nya rin pinapasahan ng bola at isa pa! Sya at yung Captain lang ng soccer yung may score. Kung nakita mo lang kung paano kinain ni Astee yung laro kahapon, grabe!" napatango ako. Magaling din syang magsoccer? Bakit hindi ko alam?
Pagkatapos naming maggrocery at magbayad ay tinulungan naman ako ni Jeni na ipatas sa cabinet yung mga pinamili ko. Mas kumonti nga yung nga pinamili ko kasi hindi ko na sinama sa budget si Astee. Konti nalang din yung binili kong mga karne at sinakto ko nalang para samin ni kuya.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomancePublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...