Isang linggo na ang nakalipas nang matapos ang debut ko at isang linggo na rin akong umiiyak habang isang linggo na ring hindi nagpapakita si Astee sakin. Hindi sya pumupunta sa practice nila at hindi sya pumapasok.
Bumuntong hininga ako at dumukdok sa arm chair. Natahimik ang mga kaklase ko sign na nangdyan na ang prof namin pero hindi ako umalis sa pwesto ko.
"Mr. Lazaro is not around and he ordered me to watch this section" agad na bumilis ang tibok ng puso ko at unti unti kong inangat ang ulo ko.
Napatitig ako sa kanya habang seryoso syang nakatingin sa libro.
"Open your book on page 342 and answer the activity 3" napalunok ako habang tinignan sya.
Hindi ko parin magawang magalit kahit sobrang sakit na umasa akong dadating sya...
Napayuko ako nang tumingin sya sa direksyon ko. Umakto akong busy habang binubuklat ang libro sa tamang page at kunwari ay nagsasagot.
"Ms. Perx" agad akong napaupo ng tuwid at napatingin sa kanya nang tawagin nya ako. Tinagilid nya ang seryoso nyang mukha na parang binabasa ang isip ko.
Napakagat ako ng ibabang labi. "Your book is upside down" napakurap ako ng dalawang beses at napayuko sa kahihiyan.
"T-thank you" mahina kong saad at binaliktad ang libro saka nagsagot.
Ngayon lang ako nalungkot na mabilis natapos ang oras ng subject na 'yon. Pero agad din akong tumayo para dalhin ang lunch ni kuya na hinanda ko kanina.
Kuya:
Did you bring my food? I forgot it earlier but no need to bring it to me. I'm outside the school, eating with my classmates. Our group meeting just ended. I'm sorry, babawi si kuya :((
Napanguso ako at tinignan ang lunch box na hawak hawak ko. Wala akong kasabay kumain ngayon dahil wala rin si Jeni.
Napalingon ako nang tumikhim si Astee at saka ko lang napansin na nakaharang pala ako sa daan.
"Uh... Sorry" saad ko at umalis na sa pintuan pero napatingin ako sa tinitignan nya. Nakatingin sya sa lunch box ni kuya.
"Gusto mo?" tanong ko at umiling sya.
Grrrrr*
Natawa ako nang tumunog ang tiyan nya. "You're hungry" saad ko at tinaas ang lunch box.
"You can have it" tumaas ang kilay nya.
"How about you?" tanong nya at nginitian ko sya.
"Kay kuya 'yan. I have my own food" tumango sya at halos tumalon ang puso ko nang kunin nya ang lunch box.
Naglakad na sya pero huminto sya. "Why don't we eat...together?" tanong nya habang nakahawak sa leeg nya ang isang kamay.
Agad akong tumango. "Sure!" iniwasan kong magboses excited pero hindi ko napigilan.
"Is it okay if we eat inside of my office?" tumango ako at sumunod sa kanya.
Pero napahinto ako nang may tumawag sakin.
"Dad?" sagot ko sa tawag.
["We just arrived in Lucresia. Let's eat together?"] ngumuso ako at tinignan si daddy.
"Si daddy... inaaya akong sumabay sa kanya" saad ko kay Astee at tumango sya.
"Dad, I'm busy po..." saad ko pero umiling si Astee.
BINABASA MO ANG
LUCRESIA: Lie Series #1 - The Bad Liar
RomantizmPublished: November 7, 2022 Story of Sittianna Perx A story of a girl who is trying to move on from her crush for 3 years who promised to court her when she's already 18. Can she really moved on when the guy is starting to give his attention to her...