217 of 300: Into Millions of pieces

23 2 0
                                    



Earth's POV

"Sandali lang!" sigaw ko habang palabas ako para pagbuksan ang nagdodoorbell. Iniisip kong si Kuya Mati ito. Dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag ko iniisip kong baka pinuntahan niya na ako. Pero pagbukas ko ng gate, tipid na ngiti ni Jai ang bumungad sa akin. "Jai!"

"Hi! S-sorry ha kung nandito ako ulit. May kasama ka ba?"

"Wala pa. Pasok ka! Mamaya pa darating sila Taba at Baba. Bakit nga pala andito ka ulit? Gusto mo ulit kumain ng cake? Meron pa sa ref!" Nakangiti kong suhestiyon pero umiling siya at tipid akong nginitian. May cake pang natira mula sa kahapo'ng selebrasyon eh. Ipapang midnight snack ko na lang kung ayaw ni Jai.

"Salamat..."

"Ayos ka lang?" tanong ko ng makarating kami sa sala. "You look pale and weak. May sakit ka ba?" Dugtong ko pa at kinapa ko siya pero inalis niya lang ang kamay ko sa balat niya.

"No, I am fine... Ahm, can we play? Some video games? Mobile games? Board games? May suggestion ka ba?" Nabigla ako ng yayain niya ako sa mga bagay na hindi ko alam na hilig niya. Pero hilig niya ba talaga?

"B-board games? Ahm, wala kasi akong board games. Saka Pou, Talking cat, candycrush, at worscape lang ang games ko sa cellphone. Nood na lang tayo movie?" Nakangiti ko ulit na suhestiyon. She smiles at me and immediately hug me. Nagulat ako pero niyakap ko rin siya agad. "Okay ka lang ba talaga?"

"I am happy to see your smile again," she whispered.

"Thank you, Jai," I said as she release me from her hug. "Parang hinintay mo ata ang ngiti kong ito!" Tinuro ko ang labi ko sabay ngiti. Mahina siyang natawa.

"We all waited! Masaya akong nagiging okay ka na! Masaya akong ayos na rin kayo ni ma'am Glen. I missed you so much!" she said with a hard close of her eyes.

"Thank you for waiting, Jai. Syempre naman tuloy lang ang buhay! Itutuloy na natin sa tamang daan!" I happily shouted and we both laugh.

"Ayan ang mindset ng kaibigan ko!" she exclaimed.

"At dahil 'jan movie na ang pagkainteresan natin! Anong movie ba gusto mong panoorin?" I asked and she immediately thinks.

"Hmm... Maganda raw iyong fifty shades of grey!"

Nanlaki bigla ang mga mata ko saka ako umiling, "Nabasa ko iyon sa Wikipedia. Saka sa images ni mister gaaggle ang daming spoiler. Kaya neeeeexxt!" Natatawa kong sigaw at natawa rin siya.

"Ikaw ha! Hahaha! Nakukuryos ka na rin ha!"

"Ehh wala lang. Si Taba kasi eh epal. Panay ang kwento niya kaya ayan berde na!"

"Hahahah! Kailangan turn off at turn on! Saka mo lang bubuksan ang pagiging green minded kapag kailangan." Natatawa niyang paliwanag. Napakunot noo ako.

"Paano iyon? Saka kailangan ba ganoon?" Nakanguso kong tanong.

"Ikaw bahala! Kung ayaw mo naman turn on ka lang lagi edi everyday greenminded ka!" Nahampas ko siya habang tumatawa kami.

"Napisti ka! Hahaha! Next na movie! Huwag na iyon!"

"Dali na! Minsan lang ako nandito kaya tara! May TV ka ba sa kwarto mo?"

"Hoy! Jairyll! Magbasa na lang tayo ng porn huwag ng manood!"

"Hahahah! Greenminded switch mo naka-on! Tara na! That's just a movie!"

"Kailangan natin ng parental guidance!"

"HAHAHAH! Ikaw na lang ang parent ko tapos ako manonood! Oh tara game!"

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now