274 of 300: The Confrontation <(‾︶‾)>

22 2 0
                                    

Mafi's POV

No matter how we think of ways to restraint those 'everyone' she's talking to that will come, Hyung and I just can't do anything about it. And that's bullshit.

Siya pa nga lang nahihirapan na akong kausapin. Magtatawag pa siya ng tropa. Paano ko na lang gagawin ang pagpapanggap. Ayoko na, pero hindi pa pwede hangga't walang posas ang mga kamay ni Melandhi.

"Kasama nga sila Julieth at Rose." Bungad ni Hyung pagpasok niya sa kwarto ko na ang tinutukoy ay ang mga college bestfriends ni Clumsy.

"L-lahat po sila, Kuya?" Nalaglag ang panga ni Sandy sa narinig.

"A-anong gagawin natin?" Naguguluhan kong tanong. Dahan-dahan akong tiningnan ng dalawa. Sandali pa ay sabay nila akong pinagtawanan. "What the fuck? I am serious!"

"It's 'anong gagawin ko' not 'natin'." Natatawang pagtatama ni Hyung. "Ikaw lang naman sa ating tatlo ang sigurado kaming magigisa! At patay ka!" Ginalaw ni Hyung ang hintuturo sa harap ko habang nagalalakad palapit sa akin at tinatakot ako, "DARATING SI JAI! BUHAHAHAHAH!"

"Bullshit." Walanggana kong sabi habang nakatingin sa kanya. Napansin niya ang pagkawalang pake ko kaya tumigil sila ni Sandwich sa kakatawa.

"E-eh, Mafi-boy, ilang araw lang naman ang titiisin mo eh. Twenty-two na, three days na lang."

"Bakit sa araw pa ng pasko pupunta ang abogado mo!?" Inis kong tanong.

"Mafi huwag ka ng magreklamo. Sinisingit lang tayo ni Attorney Makiling, okay? Christmas is holiday! At dapat wala na siyang trabaho pero puno ang schedule niya at hapon lang ng twenty-five ang huling bakante. Nakiusap lang din ako."

"Pwede namang ibang abogado na lang."

"Siya lang ang kapit ko na may kakilala sa PNP, Mafi. Alam mo naman ako, allergy ako sa pulis! Saka isa pa, nabibilang lang sa daliri ang mga taong pinagkakatiwalaan ko. Saglit nga, ang dami mong arte!"

"Hyung, narinig mo naman hindi ba? Darating silang lahat. Silang lahat na kilala ako. What do you think I will be feel? Matutuwa at iwewelcome sila? Damn it! Lahat lang sila pipilitin akong makaalala!"

"Eh nakakaalala ka naman na."

"Exactly, Hyung. Urgh! Ano ba! Can you stop this shit!?"

"Shit ka rin, utol." Malambing niyang pang-aasar. "No choice ka naman eh. Kung hindi magpanggap na wala paring alam. Three days, okay? Just three days of shooting. Tapos okay na. Isa pa. Hindi ka pwedeng magkamaling sumuko..." He smirk, "Nasaan si Melandhi? Pinakawalan mo siya hindi ba? Kapag nalaman niyang nakakaalala ka na at may balak ka, baka matrigger pa siyang tumakas at hindi na bumalik."

Natahimik ako sa sinabi ni Hyung. He is right, hindi na natuloy ang pagbabalak namin ni Melandhi na magbakasyon dahil ilang araw na rin siyang hindi umuuwi. Thinking about why she left makes me frown.

"Sandali. Saan mo nga ba dinala si Dhrina?"

"Aaaahahahahahaha! Tsu tsu tsu! Mafi-boy! I am the protagonist's brother. But I well played the antagonist role. Kaya relax ka lang, okay? Kahit itaob pa ni Melandhi ang buong planeta, hindi niya mahahanap si Dhrina." He smirk and wink. Evil.

"Great." Tanging sagot ko. Napatingin ako kay Sandwich na kanina pa nakikinig sa amin. Hyung look at him, too.

"Bakit, Sandy?" Tanong ni Hyung.

"Po? Ay wala lang po. Eeh hehehe! Nga po pala nahihiya po kasi akong makita si Kuya 'Ngot." He express the thing that seems bothering him.

"Bakit?"

"Wala lang po. Inaasar kasi no'n noong kasal nila ni Ate Jai. Tapos biniro po ako na gagawin akong ninong sa anak niya. Kaya nahihiya po akong kausapin siya. Nga po pala maya-maya lang andito na sila."

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now