223 of 300: Breaking their hearts

15 2 0
                                    



Jai's POV

[Susunduin na lang kita sa apartment mo, Jai. Naihatid ko naman na sila Taba at Baba sa apartment nila. After lunch anjan na ako. Tapos along the way na lang tayo hanap ng karinderya para maglate lunch.]

"Okay-okay. Mag-aayos na rin muna ako. Ingat ka, Earth!"

[Okidukie! I'll hang up!]

"Go ahead. Babye!"

[Byee!] She ended our call and I put my phone back on my backpack.

It's sunday. Bigla na lang nag-aya si Earth na pumunta kami sa Laguna--sa mansion niya to be exact. Wala rin naman akong gagawin kaya pumayag na ako. Hindi kasi siya masasamahan ni Julieth at Rose dahil malayo ang uwian ng dalawa at mahihirapang magpabalik-balik si Earth gamit ang Irbis niya. Bukod doon nagiging busy na rin ang dalawa dahil sa trabaho kaya ngayong linggo palang ng umaga ay nagpahatid na sa apartment nila. Isang araw lang silang nagkita-kita.

But just like me and Earth the relationship never fades. Lumipas na nga ang mga buwan at marami ng mga nangyari. Natutunan naming mahalin ang mga tao na nasa paligid lang namin. At ang mga nawala, hindi na namin hinahabol pa.

Matapos maligo ay nagsuot ako ng tshirt at fitted jeans. Pinusod ko ang buhok at nilagay ko sa di kalakihang backpack ang mga personal na gamit. I wear light make up and I smile slightly on the mirror.

Habang naglalakad palabas sa apartment ay tiningnan ko ang cellphone ko. Napakunot noo ako ng mapansin ang araw ngayon. The date seems familiar and it feels important. Para bang may dapat akong alalahanin sa araw na ito. Napatigil ako sa gilid ng apartment building habang iniisip ang araw ngayon.

'Ah! Today is... Ma'am Rainne's death anniversary...'

Sakto ng sumagi sa isip ko ang bagay na iyon ay natanaw ko ang isang pamilyar na sasakyan sa kabilang kalsada. The other side of my mind says, 'Hindi lang namam siya ang may ash gray na BMW sa buong Manila!' But the other one says, 'That's his.'

Mula sa boutique shop kung saan nakaparada sa harap ang BMW ay lumabas ang isang magandang babae. Ang lalaking kasama niya ay medyo nahuli dahil pinagbuksan siya nito ng pinto. My world stops when he got out of the shop. Kusang nagzoom ang mga mata ko sa lalaking hindi makalimot-kalimutan ng puso ko.

My heart seems happy seeing him smile... But it hurts, seeing him smile to the other woman.

Parang tinusok ang puso ko ng makita kong tumingkayad ang babae at hinalikan siya sa kanang pisnge. Hinapit niya pa ito palapit sa kaniya at niyakap siya nito.

'Ganiyan ba siya kabilis magpalit? Ganiyan ba siya katinik sa mga babae? Tss. Sino ba namang hindi mahuhulog sa kaniya? For goodness sake! Adrian is a Wilcox! A damn foreign man! Gwapo, may dating, malakas ang karisma, maganda ang katawan, marunong makisama, palatawa, palangiti... Sino ba? Sinong babae ba ang hindi mahuhulog sa kagaya niya? Tsk. If he wants? Absolutely, he will get it.'

Akala ko manhid na ako. Akala ko okay na ako. Nagagawa ko naman na siyang kalimutan. Nagagawa ko siyang iwasan at balewalain. Nagagawa kong maging bato kapag siya ang iisipin ko. Kung makita ko nga siya ulit kaya ko siyang harapin... Pero walangjo'ng yan. Hindi ko naman sinabing 'makita siya ng may kasamang iba.

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now