266 of 300: On her stiletto %>_<%

23 2 0
                                    

Mati's POV

Sandwich and I are staring at Mafi who just throw us such an astonishing confession we never expected a man like him feels. Habang gulat ang mga mata ko hindi ko mapigilang igalaw ang mga labi para ngumiti. The feeling of happiness, being proud and amazement at the same time is hell'a rare.

Mafi look at me after telling Sandwich his confession. At sa mga mata niya nakikita ko ang pakiramdam na simula ng magkalayo kami ng mga bata pa kami ay ngayon ko lang muling nakita. Totoo nga... Nagkamali ako na maging masaya noong mga panahong nagkaamnesia siya at nakalimutan ang masalimuot na nakaraan namin. Akala ko kasi magiging masaya ako habang nakikita siyang walang problema.

Pero hindi pala, dahil mas nagiging masaya ako ngayong nakikita siyang ganito. Ngayong nakikita ko siyang nasasaktan, nakikipaglaban at hindi sumusuko sa kung ano mang weirdong nararamdaman niya... Ngayong nakikita ko siyang nagmamahal.

Because in love there is the naturally true happiness that everyone is searching for. Hindi mo na kailangang maghanap ng kasiyahan kung nariyan ang tao, mga tao, bagay, o gawain na mahal na mahal mo. And in my young brother's case, it simply Earth. Ah no-- she is simply perfectly unique. She's Earth.

"Manang Karen, nakita niyo po si Sandwich?" Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto ng kusina ng marinig ang boses ni Petite Bichette. Mafi slowly frown when Manang Karen answered. Hindi pa naman namin sila nakikita pero sa tansiya namin nasa gilid lang sila ng pintuan.

"N-nasa loob, Ma-manang. U-una na po muna ako." Iyon lang ang sagot ng boses ni Manang Karen at narinig na namin ang paglakad nito paalis. Wala pang isang minuto ay sumulpot si Earth sa pintuan. Parang bata na nangungunot ang noo, sinabit ang isang kamay sa gilid ng pintuan at nakanguso na naglibot ng paningin.

Agad na tumalikod si Mafi at nilapitan ang lababo. Agad din akong napahawak sa baso ng kape at kunyaring humigop. Sandwich exchange looks at the both of us. Naku naman Sandwich nasaan ang utak mo at nahuhuli ka.

Kunyari kong nilingon si Earth, pero syempre hindi niya ako tiningnan. Hayoon siya at nakatitig sa nakatalikod na si Mafi. Likod palang kulang na lang tumulo ang laway ni Petite Bichette. Bahagya akong napailing at tinigil ang pagngiti.

"Petite Bichette! Goodmorning! 'Lika na! Coffee!?" I raised my cup of coffee and smile. Umayos naman siya ng tayo ng mapansin na ako. Pero hindi siya tuluyang lumapit sa amin. She looks sad, yet she smile.

"Salamat, Kuya. Sandwich, hindi mo man lang ako ginising nagising ka na pala." Mahihimigan ang pagtatampo sa tono niya.

"Ah sorry po ate. Ang himbing po kasi ng tulog niyo. Late po ata kayo natulog kagabi. May eyebags pa nga po kayo oh. Kaya hindi ko na kayo ginising." And there we have Sandwich's consciousness, back.

Napahawak si Earth sa ilalim ng mga mata at napasimangot, "Assshh." Pagpapatahimik niya kay Sandwich ng may kasamang pandidilat. Mahina akong natawa. Ganoon din si Sandwich.

Nilingon ko si Mafi na mukhang sinusukat ang circumference ng mga plato na hugasin. Matanong nga siya kung ilan. Sandali lang ay inabala niya ang sarili. Aahh, naghahanap at nag-iisip pala ng gagawin sa harap ng lababo. Akala ko nagsusukat.

"Ah, Kuya Mati..." Agad kong nilingon si Earth. "Maaga pa kasi. Kumakain ako kasabay nila Manang Karen after nila Melandhi kumain. Kaya lang... Andito si Sandwich. Baka pwedeng--."

"Petite Bichette!? Are you crazy!? Why the hell are you asking that!" Kunot noo at hindi ko makapaniwalang tanong.

Bumagsak lang ang mga balikat niya saka siya nag-aalinlangang lumapit sa akin, "Ayoko lang ng away." She look at Mafi who's back still facing us. Expose na expose na, Mafi-boy. Pinagkakalandakan ang ating broad shoulders. "Kuya, kahit si Sandwich lang."

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now