205 of 300: Twisted

24 2 0
                                    

Earth's POV

"Woy! Buang!"

"Uhmm? Hrrnn. Ano ba..." Tinatamad akong nagsalita at ibinuka ng pilit ang mga mata kong nasisinagan dahil sa liwanag na galing sa bintana. Sabayan pa ng mga boses ng dalawa kong kaibigan na nagpapasakit lalo sa ulo ko.

"Gusto mo bang isumbong ka na naman namin kay Tito Erin!? Noong friday ng gabi niyaya mo si Kuya Dhelan uminom, buti hindi marami ang nainom ninyo. Hindi ka pa nakuntento sabado ng gabi kahapon bumili ka nanaman ng beer! Nababaliw ka na ba sa alak?!" Ang kadaldalan ni Taba minsan talaga wala sa lugar. Ah hindi minsan, lagi-lagi!

"Huwag ka ng maingay, Taba. Masakit sa ulo iyang pananaway mo. May hang over pa 'to oh. Hoy!" Pinalo ni Baba ang hita ko at tinabihan niya ako. Niyakap ko naman siya agad.

"Aysus! Parang batang naghahanap ng kakampi ah! Mag-ayos ka na nga! Hindi ka ba sasama sa amin? Linggo ngayon magsisimba tayo!"

"Hmmnn..." Wala akong maisip na isasagot kaya umungol na lang ako.

"Ah nangbabadtrip ka!" Tumaas ang boses ni Taba at naramdaman kong lalapitan niya ako kaya napatago ako kay Baba.

"Woooy!" Napasigaw ako sa pagkataranta.

"Hahaha!" Tawang-tawa si Baba habang hinihila ko siya bilang panangga sa malaking kamay ni Taba. "Ayos ka, Ej ah! Hahahah! Ginawa mo akong shield! Shield na espada pa!"

Mahina akong natawa at mas niyakap ko pa siya. Kasabay nito ang pagyanig ng mundo este ng kama ko at ang malaking ulo ni Taba na dumagan sa hita ko. "Araaay! Ang bigat!"

"Ayaaaaan nagsalita ka na ng maayos-ayos!" sigaw ni Taba sabay ayos ng upo. Pinilit kong buksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mga kampon ng kadiliman. "Ungol ka ng ungol akala mo kung inaano ka! Inum pa! Inum pa!"

"Aray! Araaaay!" Napasigaw ako dahil sa isang hampas at dalawang kurot na buong puso niyang binigay niya sa akin na may kasamang panggigigil! "Masakit, Rosebell!"

"Ay sorry, Earth!" Pambabara niya na ikinasimangot ko.

"Hahahaha! Ang kyut niyong dalawa hahahaha!"

"Salamat." Sabay naming sabi ni Taba kay Baba at nagtitigan kaming tatlo. Wala pang isang minuto umingay na ang tawanan namin.

"Hahahahha! Ang kakapal ng mga bunbunan!" dagdag ni Baba habang lumalayo sa amin ni Taba. Si Taba naman ang hinuli ko at niyakap. Mas masarap kayakap ang botchog na 'to. Maingay lang talaga. Jusko!

"Kasi si Buang eh!" Pagtatampo ni Taba habang niyayakap ako.

"Oo na nga. Sorry na! Hindi na ako iinom ng beer. Next week ibang alak naman ulit! Hahahaha—Aray!" Natigil ako kakatawa dahil sabay na nilang hinampas ang hita ko.

"Hoy hindi ka nakakatawa, Ej ha!" pangaral na rin ni Baba. "Nakikipagbiruan kami sa 'yo pero iyong concern namin hindi biro."

"Hindi naman ako nainom lagi, saka weekends naman ah." Nakanguso kong katwiran.

"And so? So kapag may schedule pwede? Woy hindi porket legal age ka na nuh! Hindi ka naman ganyan noong una tayong naging magkakaibigan ha." Seryosong pangaral ni Taba.

"Kaya nga. Saka huwag mo na kasing isipin 'yang imaginary boyfriend mo! Siya na lang lagi ang dahilan mo eh!" Kunot-noo na saway ni Baba at mas lalo na siyang pumapanget. Napanguso naman ako.

These two know me. Pwede akong magtago sa kanila ng sekreto pero dapat literal na rin akong magtago dahil mabubuking at mabubuking nila ako. Nakwento ko sa kanila ang nangyari sa akin noon. Pinakilala ko rin sa kanila si Pating though pictures. I am this pathetic. Noon lagi akong excited magkuwento sa kanila. They are happy seeing me happy as I tell them my story. Proud ako na magkwento at ikwento ang laman ng nakaraan ko. Ang mga taong kasama ko at ang realization ko sa mga nangyari. But as time goes by, nawawalan ako ng gana. Paano ba naman kasi? Napahiya na ako.

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now