286 of 300: Ah basta kinikilig ako! (#^.^#)

26 3 0
                                    

Earth's POV

Natataranta akong nagtalukbong ng kumot ng lumabas si Pating sa CR ng walang damit pang-itaas. Pumikit ako at tumatagilid ng patalikod sa kanya. Ilang segundo na ng maisipan kong sumilip ng kaunti mula sa kumot. Nakita ko siyang nakasuot na ng manipis na tshirt.

Napakunot noo ako ng bigla niyang damputin ang libro ng Harry Potter at umupo sa dulo ng kama. Ginugulo niya ang basa'ng buhok gamit ang maliit na tuwalya habang nagbabasa. Napalobo ko ang pisnge sa inis.

'At talaga'ng uunahin niya ang libro kaysa tabihan ako? Ano 'to? Gusto niya atang pakasalanan ang libro niya.'

Simula ng bilhin niya ang isang set ng libro ng Harry Potter ay hindi niya na iyon tinantanan hanggang ngayon na last book na ang binabasa niya. Okay lang naman sana, kaya lang hindi na ako pinapansin. At ayoko no'n!

Umupo ako habang nakatalukbong parin. Umurong ako palapit sa kanya. Ramdam ko ang presensiya niya kaya alam ko kung nasaan siya. Maingat kong nilabas sa kumot ang isang paa at mabilis ko siyang sinundot gamit ang mga daliri sa paa. Binilisan ko ring itago ang paa. Kaya lang hindi ko alam kung nakita niya ako o kung nilingon niya ako.

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi niya ako pinansin. Kaya nilabas ko ulit ang paa at iniunat para sundutin siya. Pero wala ng nakapa ang mga paa ko. Inis kong inalis ang pagkakataklob ng kumot at tiningnan si Pating. Pero wala na siya sa kinauupuan niya kanina.

"Aba't saan nag-Wwooy!" Inis akong akmang tatayo mula sa kama ng maatrasan ko si Pating na nasa likod ko na. "Ano ba!?"

"Anong akala mo sa kumot? Invisibility cloak?"

"Invisi-" nilingon ko ang libro na hawak niya, "Ayan! Basa pa!"

"Bakit? Anong masama sa pagbabasa?" Sinarado niya ang libro na hawak.

"Masama ang pagbabasa kapag nakalimutan mo na ang mga bagay na mas kailangan mong gawin kaysa rito."

"But sometimes reading is already the most important."

"Oh sige pakasalanan mo 'yang libro!"

Nagmamadali akong humiga ng maayos sa kama. Pero mabilis niyang hinawakan ang puwet ko at niyakap ako pahiga. Inis ko siya pinalo sa braso.

"Layo! Jan ka na sa libro mo!"

Mahina siyang natawa, "Jan ka na raw libro ko." Seryoso niyang sabi habang pinapatong ang libro sa side table.

Hinarap niya ako. Humalukipkip ako, "Oh bakit mo binitawan?"

"Kasi nagseselos ka sa libro."

"Oh talaga ba? Ano ako buang?"

"Si Buang ka naman talaga 'di ba?"

"Si Rose ka ba? Si Julieth ka? Close ba tayo? Sino ka ba? Umalis ka nga!" Paninindigan ko sa inis pero bigla niya akong hinila at niyakap ng mahigpit, ang ulo sa leeg ko lumanding. Ganitong posisyon palang dapat na akong magdasal.

"Ano bang ginawa ng libro sa iyo? Kakahawak ko lang para magbasa kung makareak ka parang buong maghapon akong nagbabasa."

"Ay hindi ba!?"

"Hindi. Nakalimutan mo bang galing ako sa trabaho? Tapos naggrocery tayo. Saka pumuntang mall kasama si Sandwich. Saan doon ang oras ko sa pagbabasa?" Kalmado niyang paliwanag. Doon ko lang naalala ang maghapon.

'Ako nga ang buang.'

Niyakap ko siya pabalik, "Edi sorry."

"Accepted." Nasa kalagitnaan palang ako ng pagbigkas ng salita ng sabihin na niya iyon. Binuklat niya ang kumot ko at nakikumot din. Hinawakan niya ang hita ko at itinanday sa beywang niya. Saka nanaman lumanding ang kamay niya sa puwet ko.

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now