242 of 300: A step to an end

17 2 0
                                    

Earth's POV

[Start listening to Beautiful scars by Maximillian]

'Mafi saw how Dhelan kissed you. Sa coffee shop, doon sa harap ng school mo, and even in your graduation day...'

My alarm keeps on ringing as my tears keep on dropping. Ang bigat nanaman ng dibdib ko dahil sa panaginip. Naalimpungatan ako at bigla na lang akong umiyak habang dumadaan sa isip ko ang iilang parte ng panaginip.

Hindi raw ako maalala ni Pating. Hindi ko maintindihan kung bakit. Tinanong niya kung sino ako at kahit ipakilala ko ang sarili ay hindi niya ako matandaan. Lahat... Lahat ng pinagdaanan namin wala sa ala-ala niya. Parang hindi si Pating ang lalaki sa panaginip ko. Mabilis ang tibok ng puso ko ng magising, malapot na pawis ang nakakapa ko sa noo at hindi ko mapigilang umiyak.

At kasabay ng pag-iingay ng alarm clock ko ay ang hagulgol na ayaw kong marinig. Pero hindi ko mapigilan.

Ang mga sinabi ni Ian at ang sinabi ni Ma'am Jhexmaine, ang hindi halos nagpapatulog sa akin. Hindi ko maintindihan ang sarili. Pakiramdam ko niloloko ko lang ang sarili ko tuwing aakto akong kaya ko. Tuwing ayos lang sa akin lahat at tuwing ipapakita kong... Nahilom na ng tagal ng panahon ang sugat na mayroon ang puso ko.

But everytime the night comes, the sun goes down and the moon shines, bumabagsak ang mga balikat ko... Kapag tahimik na lahat. Kapag pakiramdam ko ako na lang. Kapag nararamdaman ko na nasa loob na ako ng comfort zone ko... Nandoon ang 18 years old na si Earth... Nakakulong at umiiyak.

Natigil ang alarm clock ko at nangibabaw ang mga hagulgol ko. Napatingala ako sa kisame habang patuloy na umiiyak. I can feel the corner of my eyes wrinkling. My tears run slowly down to my cheeks. And my lips trembling...

'Sana kisame na lang ako. Walang nararamdamang kahit anong sakit.'

Pero tuwing naiisip ko ang mga bagay na narinig mula sa iba, gustuhin ko mang huwag maniwala ay nahihirapan ako. Hindi naman nila iyon sasabihin para saktan ako. Sinabi nila iyon dahil iyon ang alam nila. Nasa akin na lang ang dahilan ng sakit. Nandito sa loob ng isip ko at nakalatay sa puso ko.

Mula ng marinig ko iyon kay Ian, paulit-ulit kong tinatanong sa sarili kung saan ako nagkulang. Saan ako naging mali? Sa hindi pagtulak kay Dhelan? Kung tinulak ko ba siya at nakita ni Pating, lalapitan niya kaya ako? Eh kung sinampal ko si Dhelan noong graduation? Susugod kaya si Pating at hindi lang basta titingin? Kung tinaboy ko kaya si Dhelan, babalik nga kaya siya sa akin?

Pero bakit? Kailangan ko pa bang gawin ang mga kabayolentehang iyon para lang lapitan niya ako? Bakit? Bakit kailangan niyang lumayo kung nakita niya na ako? Eh akong hindi siya nakikita, hinahanap siya ng paulit-ulit... Siyang nasa paligid ko lang pala... Parang ayaw na akong makasama pa.

Nagselos ba siya? Nasaktan ba siya? Eh loko pala siya eh! Hindi siya nagtitiwala sa akin kung ganoon! Pinagdududahan niya ang pinagsamahan namin! Pinagdududahan niya ang salita ko noon! Bakit... Akala niya ba nagbibiro ako? Akala niya ba hindi ko seneseryoso ang mga sinabi niya noon? Akala niya ba... Hindi ako seryoso sa nararamdaman ko para sa kaniya...

Kung hindi pala ako seryoso... Bakit iniiyakan ko parin siya hanggang ngayon... Bakit nasasaktan akong isipin na ayaw na niya sa akin dahil nakita niyang hinalikan ako ni Dhelan.

At bakit hindi niya man lang naipaglaban ang nararamdaman niya para sa akin... Kung meron pa... kung meron man...

Dahil kung mahal niya ako... Kahit may humalik sa aking iba... Hindi ba dapat ako parin ang pipiliin niya?

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now