243 of 300: The Two Worlds

15 2 0
                                    

Earth's POV

Just like a semi-public place, RE coffee shop seems a little bit popular these past days. Dahil din siguro nagsimula na ang school year at marami ng students ang bumibisita sa shop to unwind. Mostly para mag-aral at magbasa. And honestly, this added to my aesthetic album. Ang view ng shop habang puno ang mga upuan ng iba't-ibang klase ng tao.

I seat at the corner table, leaning against the shop's glass wall. My favorite spot. Dala ko ang laptop para magreview sa LPT exam at magcheck na rin ng lessons para sa monday. Pero lumilipad ang isip ko sa ganda ng view na nakikita ko. I just feel overwhelmed. Yet, I have unfinished things infront of me. Nilapitan ako ni Thaniel at nangunguna ang dimple niya sa charm niya.

"Anything you need ma'am?" Nakangiting niyang tanong na ikinanguso ko.

"Niloloko mo ko ha? Kurutin ko yang dimple mo!" Akma ko siyang kukurutin at tinawanan niya lang ako. Gumilid siya at doon tumayo sa tabi ko.

"Lalim po kasi ng iniisip niyo eh. Hindi po ba kayo masaya? Ang daming costumers oh! Or... Hmm! Alam ko na po ma'am. Wala si sir Dhelan kaya kayo ganyan!"

"Bakit ang daldal mo? Masaya kaya ako!" Naiinis pero nakangiti kong tanong. Ano kaya yon, Earth!

"Hahaha! Joke lang po! Pero huwag na kayong mag-alala ma'am. Padating na po si sir Dhelan. Nagulat nga po si Trina eh. Kasi roon po sa ginawa niyang page ng RE coffee shop natin! Doon po nagmessage si sir Dhelan kasi hindi ka niya macontact!"

Napanganga ako ng maalala kung bakit ako kokontakin ni Dhelan, "Ay shemay! Bakit ba ang layo ng isip ko! Nakalimutan ko si Dhelan!"

Natataranta kong kinuha ang cellphone at pinagtawanan pa ako ni Thaniel. Agad kong binuksan ang cellphone na pinawer ko off ko. Gusto kong magfocus sa laptop kaya ko ito inioff pero heto at natataranta ko pang kinailangang buksan. Napapakamot ako sa ulo sa inis. Nagpresinta kasi si Dhelan na siya na ang kukuha ng mga libro sa publishing companies na inorderan ko para rito sa coffee shop. That's his idea after all. Pero syempre hihingin niya ang opinion ko. He is my business partner. At masasabi kong nagwowork ang partnership namin.

"Ayun! Napaalala ko rin heheh! Mission accomplished! Sabi po kasi ni Trina sa akin ma'am, eh nahihiya siyang sabihin sa inyo na pinapabukas ni sir Dhelan ang phone mo para po macontact ka. Hehehe!" Medyo nahihiya niya ring sambit.

"Thank you thank you. Sabi ko sa inyo kung may sasabihin huwag mahiya." Pangaral ko pa na ikinangiti niya.

Hindi pa tuluyang nagbubukas ang cellphone ko ng mapalingon ako sa estudyanteng babae na nakaupo sa harap ng mesa ko at tinawag si Thaniel. "Excuse po!"

"Ay ma'am Ej, dito po muna ako." Tinanguan ko siya at nilapitan na niya ang costumer.

"Goodafternoon ma'am, anything we can help po?"

"Kuya, sorry po sa istorbo. Paano po ako makakaaccess sa wifi ng shop niyo?" May lungkot sa tono ng babaeng estudyante. Nilingon ni Thaniel ang maliit na cup ng kape na nasa mesa ng babae.

"Ah ma'am pasensiya na po, kailangan niyo pong makaavail ng worth 100 pesos po sa coffee namin. Or kung gusto niyo po ang bagong Luv Mocha Coffee namin na worth 50 pesos ang iavail ninyo, saka pa po namin pwedeng ibigay ang access sa wifi. Pasensiya na po kayo. We care for our customers, ma'am. Pero pagdating po sa Wifi feature ng shop kailangan po naming maging strict ng kaunti. Minsan po kasi iyong iba hindi costumers at nakikiwifi lang." Thaniel approach her in a friendly way. That's exactly what Dhelan told me about that WiFi thingy.

"Ah ganoon ba. Sige po salamat! Kulang na budget ko para sa 50 pesos na kape. Itong Creamé Heart Coffee lang na 30 pesos ang inabot. Next time na lang siguro! Salamat po ah!" Halata sa boses ng babae ang dismaya. Bumalik siya sa pagseselpon at nilingon naman ako ni Thaniel.

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now