216 of 300: Can't hear

15 2 0
                                    


Earth's POV

"CONGRATULATIONS, EARTH!"

Pagpasok namin sa bahay napaatras ako sa mala-new year na pa-congrats party nila sa akin. Kahit hindi ko isipin ay napangiti agad ako. Tiningnan ko si Pape at Lolo. "Congratulations daw anak!"

"Bakit may ganito kayo!?" Naiiyak kong tanong at nagtawanan sila.

"Congrats, Earthling!"

"Congrats, Earth!" Sabay na sigaw ni Jai at Iangot na magkatayo sa magkabilang dulo ng hilera nila. Nagtawanan sila at sumigaw ulit.

"Salamat po." Hindi ko na napigilang umiyak at tinakpan ko ang mukha ko. Nilapitan nila ako at niyakap.

Wala namang nakakaiyak. Kung tutuosin dapat sinabayan ko sila at tumalon-talon pa ako. Pero pakiramdam ko kanina pa sa biyahe gustong kumawala ng mga luha ko. Kaya kinuha ko na ang opportunidad para umiyak.

"Tita teacher!" Sabay na sigaw ni Kurt at Phel saka hinila ang laylayan ng blusa ko. Pinantayan ko sila at sinabitan nila ako ng necklace na bulaklak.

"Wooow!" Sabay-sabay silang nagpalakpakan at nagsigtalon pa ang dalawang bata.

"Mayor lang ang peg ko?" Nagtawanan sila ng magreklamo ako.

"Oh siya tara! Kainan na!" singit ni Pape sa tawanan.

Niyakap ko muna sila isa-isa. Una si Iangot, si Ate Maecy at Kuya Daniel, si Ate Kurd at si Kurt, si Ate Philos at Kuya Michel, tumakbo na sa pagkain si Phel, sunod naman si Tito Frieg na ginulo pa ang buhok ko, saka ang asawa niyang si Tita Irish. Sunod si sir Gigs na nakipagfist bumb pa sa akin at si Ma'am Glen na humalukipkip pa at kunyaring nagtampo, paiyak nanaman sana ako ng bigla niya akong hilain palapit sa kaniya at yakapin. "Jai told me. Pinilit niya ako." Tinuro ni Ma'am Glen si Jai na nakatingin sa amin.

"I think you two need some talk, too. Nalaman ko kasi kay ate Kurd na kinausap mo na sila." She look so calm, modest and decent. In short nagpapacute! Pero amazona talaga siya. Bumitaw ako kay Ma'am Glen at huli kong niyakap si Jai, mahigpit na mahigpit!

"Thank you!" I shouted and they giggle.

"Apo-iha, go change first," sinaway ako ni Lolo habang naupo ito sa sala.

"Ay opo! Wait lang ma'am Glen! Jai, balik ako agad!"

"Take your time!" Ma'am Glen informed me. Saka sila lumapit ni Jai kay Lolo at nagmano. Kahit sila Kurt at Phel tumabi kay Lolo.

"You have a big tummy! Are you Santa Claus?" Napalingon ako kay Kurt ng magtanong siya. Natigilan lahat at napatingin din sa kanila.

"Oh? Hohohoho!" Natatawang sumagot si Lolo sa bata at nagtawanan din ang lahat. Napapailing akong umakyat sa kwarto ko.

The moment I close the door, I sigh.

Napapikit ako bigla. Its too much... Pakiramdam ko sobra-sobra ang saya ko. Pero... Sobra-sobra rin ang lungkot ko. Does feeling the both really happens? What I mean is, can people be happy and sad at the same time? Or... It must only be one feeling at a time.

And if does, what do I really feel?

Umupo ako sa kama kung saan nakatapat ako sa salamin ng mesa kong lagayan dapat ng pampaganda pero walang laman kung hindi stuff toys ay notebooks. Tiningnan ko ang stuff toys at rose na hawak. Binigay ulit ni Dhelan sa akin sa loob ng kotse kanina ang bunton ng rosas na dala niya na hindi ko namalayang naibalik ko sa kaniya matapos niya akong... halikan.

Napapikit ako at pilit kong inaalis sa isip ang nangyari. Tiningnan kong muli ang sarili sa salamin. And my mind whispered a questions.

'Do I look different? Do I look not Earth before? Do I look changed? Make-up lang ito. Pero ako parin si Earth...'

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now