226 of 300: The subordinates

17 2 0
                                    


Earth's POV

Sabado na naman!

Nagmamadali akong lumabas ng University pagkadismissed sa amin ng prof namin. Kailangan kong makarating kaagad sa Coffee shop dahil ngayong hapon darating mga bagong set ng utensils namin. Bukod pa doon, kailangan ko ng simulan ang lesson plan para sa second quarter ng mga bata. Nagend na nga ang first year ko ng pagtuturo at nasa second school year na ako. At second year college na rin ako sa Photography.

Mas bumibigat ang mga bagay na ginagawa ko at minsan wala na akong oras para sa mga kaibigan ko. Hindi ko na kakamusta sila Taba, Baba at Jai. Dumadalang na rin ang mga sabado at linggo na nariyan sila. At ang madalas ko na lang makita ay si Dhelan, minsan si Kuya Mati.

Natataranta kong tiningnan ang cellphone kong tumunog dahil may tumatawag. I saw Sandwich's name. Ilang araw na akong tinatawagan ni Sandwich at kahit sila Pape ay kinakamusta ako. Pero hindi ko sila magawang makausap.

Kaya habang binibilisan ang lakad ay agad kong sinagot ang tawag. Nakokonsensiya na ako. Alam kong nalulungkot si Sandwich.

"Sandy! Sorry! Ngayon lang naksagot si Ate! Kamusta?"

[Ate Earth! Salamat po sumagot ka! Ate may mga homeworks po ako! Are you not busy? Can you help me?] Masaya niyang sagot at kusa akong napangiti.

"A-ah, O-oo na---Ach!" Napasigaw ako sa sakit ng pagkakabunggo ng kung sino sa balikat ko. Nabitawan ko ang hawak na cellphone at kasabay nito ay ang pagtumba ng babae sa lapag.

"Ouch!" Napatili siya at agad akong nagulat. Natataranta ko siyang tinulungan. Dinampot ko ang cellphone ko at nilagay sa bulsa.

"Ma'am, sorry!" I apologize as I help her up. Nakahawak siya sa puwetan niya habang tumatayo. Nakaheels panaman siya at ang ganda ng suot. Pero napapadaing siya. "Ma'am pasensiya na po kayo! Hindi ko kayo napansin."

Pinagtitinginan na kami ng mga estudyante pero binabalewala ko sila. Nasa labas na kami ng building kung saan maraming mga estudyanteng nagsasalubungan. Nakakahiya!

"A-ayos lang po. K-kasalanan ko kasi nakaheels ako. Pasensiya ka na rin." Mahinhin niyang sabi.

"Halika, upo ka muna!" Nag-aalala ko siyang inalalayan sa malapit na bench pero hindi pa kami nakakarating doon ng biglang may humila sa buhok ko. "Araaaay!"

"How dare you do that to my sister! You stupid! Hindi mo ata kilala ang binangga mo!" Matinis na sigaw ng babaeng biglang humila sa akin.

"Ate! Ate! Stop it! Hindi niya sinasadya!" Sinubukan siyang pigiln ng babaeng nakabunggo ko pero hindi niya magawa. Hinila ako ng babae habang sinasambunutan. Wala akong magawa kung hindi sumunod. Naglaglagan ang mga gamit ko sa lapag at sinambunutan niya rin ako pababa. Gigil na gigil na siya.

"Stupid!! Mayabang! Huwag mong binubunggo ang kapatid ko! You didn't know who we are, moron!"

"Ate! Tama na! Nakakahiya ka!"

"At ikaw naman, Cindhri! Masyado kang mabait! Hindi ka marunong lumaban! Puwes tuturuan kita! Halika rito!" Gigil na gigil na sigaw ng babae saka ako hinila para tumayo. Sabusabunot niya ako papunta sa parking lot at bigla niya na lang akong sinampal ng malakas.

"Ate Dhrina! Tama na!" sigaw ng nabunggo kong si Cindhri.

"Anong tama na!? Hindi mo ba gets, Cindhri!? Ang bobo na babaeng ito binunggo ka at pinahiya ka! You think palalagpasin ko iyon!? Hindi ka lampa, Cindhri! Wala akong kapatid na lampa!" Tinarayan niya ako bigla, "Meron lang tatanga-tangang hindi tumitingin sa daan!" Sinampal niya nanaman ako at kamuntikan na akong mawalan ng balanse. Nilapitan ako ni Cindhri at inalalayan.

When I Am With Miss Clumsy (Season Three)Where stories live. Discover now