Chapter 6

18 0 0
                                    

I woke up at around six. Hindi ako usually nagigising ng ganitong kaaga. Minsan mga 9 ako nagigising kapag hindi ako kailangan sa ospital. Shit! I forgot! Tatawagan ko na lang ang secretary ko mamaya to check my schedule. Nasapo ko ang noo ko. How am I supposed to call my secretary eh tinapon ng walanghiyang yun ang phone ko! I groaned.

Bumaba ako ng hagdan. I was feeling hungry so I went to the kitchen. Naabutan ko si Manang Lourdes na nagluluto ng breakfast. "Good morning po, Manang." Bati ko sa kanya. Lumingon naman siya at nginitian din ako.

"Ang aga mo naman ata nagising, ija." sabi nito. Lumabi ako. "Oo nga po eh. Ang unusual nga po." I said. Pinatay niya ang kalan at nilagay sa plato ang niluto niya. Tinulungan ko siya maghanda ng lamesa. Pagkatapos nun ay umupo na ako. Aalis sana si Manang ng tawagin ko siya.

"Manang Lourdes, samahan niyo naman po ako kumain." sabi ko. "Naku, hindi na ija." sagot nito. "Sige na po." Pag pilit ko. She gave up at umupo sa tapat ko. Nagsandok ako ng kanin at nilagyan ko din siya sa plato niya.

Namimiss ko tuloy si Mommy. Bumalik ako sa upuan ko pagkatapos lagyan ng kanin at ulam ang plato ni Manang. Kumuha din ako ng akin at nagsimula ng kumain. "Kamusta naman ang tulog mo?" Tanong ni Manang.

I looked at her. "Ayos lang po." I said. I was stiff all night. Pagkagising ko ay nakatalikod padin sakin si Chance. Tumango naman si Manang.

"Manang, may dinala na ba dito si Chance na babae?" I asked out of curiosity. She looked at me at tumango. Suddenly, I felt jealous. "Ah! Oo! Si Ma'amㅡ"

"That's enough Manang. Kumain na lang po kayo." A voice from the opening of the kitchen said. Napatingin kaming dalawa ni Manang doon. Chance was standing there wearing a white shirt and grey sweat pants.

"Chance, kumain ka na." Pag-aya ni Manang. Umupo naman sa tabi ko si Chance at nagsandok ng kanin at ulam. I remained quiet. May nadala na pala siyang babae dito. Sino kaya iyon? Si Luna? Anong ginawa nila ni Luna dito? Masaya kaya si Chance nung umalis ako papuntang States? Baka naman masaya siya? Kasama niya si Luna eh.

Bakit ba puro si Luna ang iniisip ko? Nag-away kaya sila dahil nalaman ni Chance na buntis si Luna sa iba? O baka naman si Chance ang ama. Natigilan ako sa pag kain. Baka si Chance ang ama? Pero hindi naman sinabi ni Luna kung sino ang ama ng anak niya eh.

"Jordan, are you alright?" Tanong ni Chance. Dahan dahan akong tumingin sa kanya. I blinked then I nodded. Pagkatapos nun ay kumain na ulit ako. After eating, I helped Manang Lourdes clean everything while Chance went to his office in the house.

Pagkatapos maglinis ay tinanong ko kay Manang kung nasaan ang office ni Chance. Sumagot naman ito at nagpasalamat ako. Umakyat ako at pumunta sa left wing ng bahay. Agad ko naman nakita ang sinasabi ni Manang na malaking pinto. Kumatok ako at pumasok.

His office was big and it had a lot of shelves. Nandun ang table niya sa gitna. He was wearing glasses while reading some contract. Tumikhim ako kaya napatingin siya sakin. "Do you need something?" He asked.

"When are we leaving?" I asked. Nagtaas naman siya ng kilay pero binalik ang tingin sa contract na hawak niya.

"I don't know." He said. Nagtaas ako ng kilay. "I don't know?" Gaya ko. I have work for Pete's sake! Paano ang clinic ko?! Hindi ko pa macocontact ang secretary ko kasi wala akong cell phone!

"Yes, I don't know. Baka matagalan pa. Ewan." He said at tumingin sakin. Humalukipkip ako. "I have work, Chance. Hindi ako pwede mawala ng matagal." I said. "Hindi mawawala ang buntis sa Pilipinas and they need me."

"Bakit? Ikaw ba lang ang OB Gyne sa Pilipinas?" He asked and I was taken aback. Tama nga naman siya pero work is still work!

"I need to go, Chance." sabi ko. Ayokong tumagal dito ng kasama siya. Something might trigger in me to bring the old Jordan back and I don't want to be the love sick Jordan Quintos back in highschool.

"No. You're staying here with me." He said. Huminga ako ng malalim. I was trying to calm myself. "I have work." I said.

"Call your secretary and tell her that you'll be gone for a few weeks." sabi nito. A few weeks?!

"Paano ko siya tatawagan eh tinapon mo ang phone ko?" I said with gritted teeth. I am trying my best to not come near him and strangle him to death! "Use my phone." sabi nito.

I rolled my eyes. "I don't know her number." I said. I really don't know her number. Hindi ko saulo. I only know my number. Lahat ng number ng importante ay nasa phone ko.

"What Doctor doesn't know her secretary's number?" He asked. Nakakainis na ito ha. Konti na lang at mapapatay ko na 'to.

"Eh kung ibalik mo na lang kaya ako sa Manila ng tapos na? Ng wala ng diskusyon. Nakakainis ka na ah!" I said. There. I lost it. Nakakainis kasi eh! There he is calm on his seat while I'm fuming with anger!

"I said no. You are-"

"Eh putangina naman! Kailangan ko bumalik sa Manila. May trabaho ako at marami pa akong aasikasuhin!" sabi ko.

"Kailan ka pa natutong magmura?" He asked sounding really mad. Hah! Sige! Magalit siya. "Wala ka na dun. Ngayon, get your car keys at babalik na tayo sa Manila." I said.

Pero umiling siya at bumalik sa trabaho niya. "No." Sabi nito. Huminga ako ng malalim bago lumabas doon. I slammed the door behind me and went to the door. Maglolock ako dun. Bahala siya. He can't keep me locked in here hanggang sa kailan niya gusto!

I groaned in frustration. I needed my stress ball at baka makabasag ako dito. I couldn't find any stress ball so I used the pillow but it didn't help. Parang may sariling buhay ang kamay ko at kinuha ang vase doon at binasag. The other Jordan was in control of my body. Hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko ang suklay at binato sa salamin. After nun I was in schock and I started crying.

The memories of what happened in the past suddenly rushed in my mind. Humagulgol ako habang nakaluhod sa sahig. I suddenly felt the sting on my knees. I looked down and I saw my knees bleeding. Nakaluhod ako sa bubog.

"Aaaaaaah!" I shouted. Suddenly there was a man infront of me. The same man from years ago. May hawak siyang bubog. "No!" I shouted and I started kicking. Everything was dark and that scared me even more. "No! Mommy! Daddy! Help! Please, No! No!"

"Jordan? Jordan! Open this door!"

"Aaaah! No! Please! No!" I shouted. Ayoko pa mamatay. No! Ayoko!

Suddenly the door opened and Chance came in and the man was gone. "What the hell, Jordan?!" He said and then everything went black.

---

Hala. Anong nangyari kay Jordan?

Decisions [BOOK 2 OF BM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon