Hindi ko masyado naenjoy ang pagkain ko kaya hindi ako nakakain ng maayos. Naiilang ako sa mga tingin sakin ni Chance.
"You okay?" Tanong sakin ni Chance. "Okay lang ako." sagot ko sa kanya. Tumango ito at tinuloy ang ginagawa niya.
"Kailan tayo babalik sa Manila?" Tanong ko. 4 weeks na din kasi kami dito. Matagal na akong hindi nakakapunta ng trabaho. Baka wala ng pumunta dun next time kasi matagal na akong wala. Edi wala akong kita?
"Sa Biyernes na." sagot nito. Napatingin ako sa kanya. "Seryoso?" Tanong ko. Tumango naman siya. Napanguso ako.
Nung natapos na kami sa pagkain ay dumiretso na ako sa taas para magshower. Nasa baba si Chance at may inaasikaso sa kotse niya. Wednesday ngayon at sa Friday na ang alis namin. Bukas na ako magiimpake ng gamit. Marami pa namang oras.
"Jordan? Matagal ka pa dyan?" Tumingin ako sa pinto. "Tapos na." Sagot ko. Pinatay ko ang shower at nagtuyo na ng buhok.
Yung mga nagdaan na araw, inis talaga ako kay Chance. Pero hindi ko rin maitatanggi na bumabalik ang feelings ko para sa kanya. Muntik na nga ulit akong mainlove sa kanya buti na lang at naagapan ko pa ang feelings ko. Ngayon ay wala na iyon.
Hindi ko ulit hahayaan ang sarili ko na mahulog muli sa kanya but I must admit that I'm attracted to him pero sana ay hanggang duon na lamang iyon.
Lumabas na ako ng banyo. Wala na si Chance sa kwarto. Buti naman. We don't share the same room. Yung kwarto niya nasa tabi lang ng kwarto ko. Ayoko kasi ng ganun. Wala kaming relasyon so bakit kami magshashare ng isang kwarto?
Nagbihis na ako at nagtuyo ng buhok. Sakto namang may kumatok sa pintuan at nagbukas iyon. Sumilip si Chance. "Get ready. Where going somewhere tonight." sabi nito. Tumango naman ako.
Binigyan niya ako ng isang malaking box at isa pang maliit na box. "Ano ito?" Tanong ko. Nagkibit balikat lang ito. "Wear that." Turo niya sa malaking kahon na nasa kama.
Tumango lang ako at hindi na nagtanong pa. Nang lumabas si Chance sa kwarto ay dinaluhan ko ang box na nasa kama. Binuksan ko ito at namangha ako sa ganda ng gown.
Black ito at tube. Simple ito pero ang ganda talaga. Sinuot ko na ito tsaka yung heels na binigay niya sakin. Nilagay ko sa bun ang buhok ko at naglagay ng kaunting make up. Pagkatapos nun ay lumabas na ako.
Pagkababa ko ay naabutan ko si Chance na nakaupo sa sofa. Nang tumingin ito sakin ay ngumiti siya. Ngumiti naman ako pabalik.
"You look beautiful." sabi nito. Nilahad niya ang kamay niya at kinuha ko naman agad yun. "Let's go." sabi nito. Tumango naman ako at nagpatiunad na ng paglalakad.
Sumakay kami sa kotse at pumunta na sa kung saan kami pupunta. Teka. "Where are we going?" Tanong ko. He looked at me and smiled pero hindi umabot sa mata. "Sa Manila." Napataas ang kilay ko dun at napatingin sa kanya.
"Manila? What are we going to do there?" I asked. "Charity Ball." Tipid niyang sagot. Tumango naman ako at tumingin na lang sa bintana.
Charity Ball? Manila?
---
"Tara na." sabi ni Chance. Naglahad ito ng kamay. Tumango naman ako at kinuha ang kamay niya. Pagkapasok namin ay madaming bumabati kay Chance. May mga press din sa labas.
Umupo kami sa isang table doon. Pinalibot ko naman ng tingin ang lugar kung nasaan kami. Madaming tao na alam ko ay taga Business world. Maraming magagandang babae na nakagown. Marami naman ding lalake na nakasuit.
Tinignan ko si Chance na may kausap na isang lalaki na naka Grey na suit. Tumingin ito sakin at ngumiti. Nagtaas ako ng kilay. "Hello, miss. And you are?" He asked. Nakalahad ang kamay nito.
"Jordan Quintos." sagot ko at tinanggap ang kamay niya. Hinalikan niya ang likod ng kamay ko kaya napataas ulit ang kilay ko.
"Back off, Shawn." sabi ni Chance sa lalaki. Tumawa naman si Shawn tapos umiling. "Too possesive of your woman, eh?" sabi nito. Chance just glared at him. Tumatawang umalis si Shawn sa harap namin.
"Who was that?" I asked. "Business partner." sagot nito. Tumango naman ako bilang sagot. Maya maya naman ay may tumabi sakin na isang lalaki. Tumingin ako dito at napakunot ang noo. Nang tumingin siya sakin ay nanlaki ang mata ko.
"Grey?" I said. Napatingin din si Chance sa lalaking katabi ko. Grey smiled at me. "Bakit nandito ka? Kamusta ka na?" I asked.
He chuckled. "Ayos lang ako. Sinamahan ko lang ang Daddy and Mommy ko dito. How about you? Bakit ka nandito?" He asked.
"Ah, kasama ko si Chance." Tumingin ito kay Chance. "Do you still remember him?" I asked. Ngumiti naman si Grey at tumango.
"The bestfriend?" He said. Nagtiim ang baga ni Chance. Pinalakihan ko ito ng mata bago bumaling ulit kay Grey. "So, kamusta na ang buhay? May girlfriend ka na?" I asked.
Tumawa ito at pinisil ang ilong ko. "Silly. Wala pa. Still single." sagot niya. Tumango naman ako. "Unless your planning of changing that?" Pahabol nito at tinaas baba ang kaniyang kilay. Pabiro ko siyang hinampas pagkatapos ay tumawa.
Nagkwentuhan pa kami ni Grey tungkol sa kung ano ano. Si Chance naman ay kanina pa tikhim ng tikhim doon.
"Sige, Jordan. I'll go back to my parents na." sabi ni Grey. Tumango naman ako. Hinalikan niya ako sa pisngi bago umalis.
"Grabe. Ang laki na ng pinagbago niya, ah. Dati payatot siya ngayon may muscles na." Bigla kong nasabi at tumawa ng mahina. Nakarinig ako ng upuan na bumagsak. Napatingin ako kay Chance na nakatayo.
Tinaasan ko siya ng kilay. Inarapan niya ako bago umalis. Nagkibit balikat ako. Problema nun? Bahala siya. Nang nagstart na ang programme ay may tumawag naman ng pangalan ko.
"Jordan?"
Lumingon ako to see Ice. Nanlaki ang mata ko. "Ice!" sabi ko. Lumapit naman ito sakin kaya tumayo ako. Hinawakan niya ang kamay ko ay naglakad kaya napalakad na din ako.
"Teka, Ice." sabi ko. Lumingon ako sa table namin pero wala si Chance doon. Ginala ko ang paningin ko at nakita ko siya na may kausap na isang babae na nakahawak sa kanyang braso. Ngiting ngiti pa ito.
Nag-iwas ako ng tingin ng bumaba ang mukha ni Chance papalapit sa mukha ng babae. I sighed. Bakit ako nasasaktan?
BINABASA MO ANG
Decisions [BOOK 2 OF BM]
RandomLeaving was the only thing she could think of, and so she did. She was hurt the second time and she couldn't take it anymore. She decided to leave everything behind and swore to the Gods that she will no longer be the Bela that he once knew. But th...