Chapter 14

43 2 1
                                    

Pinunasan ko ang bibig ko pagkatapos ko magduwal. God, she feels weak. Huminga siya ng malalim.

Agad siyang nagderetso sa banyo nang makaamoy siya ng pancit canton. May baon kasi si Ellaine na ito at inalok siya pero her tummy turned upside down and she felt like puking kaya agad siyang nagtatatakbo papunta sa banyo.

She fixed herself before going out of the comfort room. Bumalik siya sa clinic niya. Napatingin sa kanya ang kanyang secretary. "Ma'am! Ayos lang po ba kayo?" She asked. Tumango naman ako at dumiretso sa desk ko. Lumapit ito sakin.

"Ma'am, pasensya na po ah? Sorry po kung inalok ko pa kayo ng pancit canton." sabi nito ng nakatungo. I smiled. "Hindi. Ayos lang yun, Ellaine." sabi ko. Tumingin naman siya sakin at tumango bago bumalik sa table niya.

What is wrong with me? Nung isang araw ko pa napapansin na nagduduwal ako pero laway naman ang nalabas. Hmmm. Gusto ko ng mango shake. "Ellaine," tawag ko. "Yes, Ma'am?"

"Pwede mo ba ako ibili ng mango shake?" I asked her. Tumango naman siya pero may pagtataka sa mukha niya. "Bakit?" I asked.

"Eh, Ma'am? Akala ko ayaw niyo sa mango? Diba nung inalok ko kayo dati sabi niyo hindi kayo mahilig sa mango?" she said. Napalabi naman ako. Oo nga noh? Pero napapaibig siya sa mango shake ngayon. "Tapos Ma'am, nung isang araw gusto niyo ng guyabano. Di kaya Ma'am naglilihi kayo?"

Napatingin ako sa kanya. Naglilihi? Pinilig niya ang kanyang ulo. Posible kaya na buntis siya? Pero that was just one night! Hindi na nasundan yun. "Ma'am?" Tawag ni Ellaine. "Ah, oo." Inabot ko sa kanya ang pera tapos umalis na siya.

She sighed. Baka naman hindi. Baka cravings lang iyon. Pero ano yung pagduduwal niya? Trip lang ng sikmura niya? She sighed. Kagat labi niyang binuksan ang drawer niya na may laman na pregnancy tests. May stock siya nun para sa mga pasyente niya. Kumuha siya ng tatlo at pumasok sa banyo na nasa loob ng kanyang opisina.

Umupo siya sa toilet at tinignan ang resulta. Napatunganga siya sa nakita niya.

Two lines. Ibig sabihin positive. Naiyak siya sa resulta. Paano na yan? Ayoko naman maging bastarde ang anak ko. I bit my lip.

Kumuha ulit ako ng isa para makaigurado pero positive pa din iyon. "Shit.." I muttered. Tinapon ko ang pregnancy test sa basurahan na nasa ilalim ng lababo at inayos ang sarili ko. Flinush ko ang toilet bago lumabas.

Nanghihina na napaupo ako sa swivel chair ko. "I'm pregnant..." I muttered. Paano na 'to? Luna was pregnant with Chance's baby and so was I. Sigurado akong si Chance ang ama ng dinadala ko dahil siya lang naman ang tanging lalaking nakaangkin sakin.

"Agh! What am I going to do!" I said in frustration. "Ano na ang gagawin ko ngayon?" sabi ko ulit. "I can't be pregnant!"

"Omg! You're pregnant?!"

Napatingin ako sa pintuan ng clinic ko. Luna was standing there. Kita na ang umbok nito sa tyan. Malaki ang mata niya na nakatingin sakin. Lumapit siya sa tabi ko at hinawakan ang tyan ko. "You're pregnant?" Tanong nito.

"Uhh...Yeah." sagot ko sa kanya.

Napatingin ako sa kamay niya na nasa tyan ko. Tinanggal niya ang kamay niya sa tyan ko at umupo sa harapan ko. Umayos siya ng upo at tumingin sakin. "Who's the father?" Tanong niya.

"He's uhmm.." He's Chance. "I guy a met in college." sabi ko na lang. She smiled. "Really? Ilang months? Is he your boyfriend?" sunod sunod niyang tanong.

"Let's not talk about it." sabi ko. "Bakit ka nga pala napapunta dito? Sa Sunday pa ang next na punta mo dito diba?" I said. She smiled.

"Wala lang. Wala kasi akong magawa sa bahay so I decided to go here." sabi nito at nagkibit balikat. So, tatambay lang siya dito? This is a clinic not a coffee shop.

"Ganun ba? Eh kasi I have patients pa mamaya soㅡ" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may nagring na cellphone.

Kinuha ni Luna ang cellphone sa kanyang bag at napangiti siya ng nakita niya kung sino ang tumatawag. "Hi, sweetheart." sabi nito.

Napaiwas ako ng tingin. Sweetheart? Yun ba ang tawagan nila ni Chance? Inabala ko ang sarili ko sa mga gamit sa table ko. Nagkunwari akong may sinusulat sa planner ko.

"Ito naman. I'm just here at Jordan's office." she said while smiling. "Kinakamusta lang siya. I got bored sa house kasi."

Tumayo ako at may kinuha sa isa sa mga cabinet doon. Medyo malayo ito sa table ko. Napahawak ako sa cabinet ng naramdaman ko na umikot ang paningin ko. Pumikit ako at nagmulat muli. Nag maayos na ang pakiramdam ko ay binuksan ko na ang cabinet at may kinuha dun. Naglakad na ako pabalik sa table pagkakuha ko ng kailangan ko.

"Huh? Susunduin mo ako? Really?" sabi ni Luna.

She giggled. "Sige. Oo na. AlaㅡJordan!"

Naramdaman ko na napahiga sa sahig ng clinic ko. "Jordan! Oh god!" Nakita kong lumapit sakin si Luna pero bago pa ito makalapit sakin ay nawala na ang paningin ko.

---

"What happened to her?"

"Dehydrated lang siya. She should take care of herself because she is pregnant. Makakasama sa baby."

I heard voices kaya napamulat ako. Puti ang kwarto. I looked around at nakitak ko na nakabalot ako ng kumot. I was in a bed. Unti unti akong umupo sa kama. Napatingin naman sa gawi ko sina Luna at si Dr. Ramirez.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Luna ng makalapit ito sakin. Tumabi siya sakin.

"Nahimatay ka sa clinic mo. Nagpatulong ako sa mga nurses na dalhin ka dito sa isang kwarto para macheck ka." sagot nito. Tumango naman ako.

"Thank you." Pasasalamat ko. Ngumiti naman siya. Buti na lang pala at nandun si Luna. Kung hindi, siguro kanina pa ako nakahiga sa sahig ng clinic ko.

Napatingin kaming dalawa ng magbukas ang pintuan ng kwarto. Pumasok si Chance na nakasuit at halata na galing sa trabaho. "Hi, sweetheart." Lumapit si Luna kay Chance at hinalikan niya ito sa pisngi.

Nag-iwas ako ng tingin. "What happened?" Narinig kong tanong ni Chance.

"Oh, nahimatay siya kanina sa clinic tapos dinala ko siya dito at pinacheck siya sa doctor. Sabi ng doctor dehydrated daw si Jordan at bㅡ"

"I need to go." Putol ko sa sasabihin pa sana ni Luna. Hindi dapat malaman ni Chance na buntis ako. Hinding hindi.

"Huh? Okay ka na ba?" tanong ni Luna. Tumingin ako sa kanya at tumango tango. "Oo. Salamat ulit ha." sabi ko sa kanya ulit. Lumabas na ako sa kwarto at bumalik sa clinic ko.

Im not ready na malaman ni Chance na buntis ako. If malaman man niya sa kuwartong iyon, so be it. Ayoko lang na nandun ako kasi alam ko na magugulat siya sa balita lalo na na alam niya na siya ang nakauna sakin.

---
----

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Decisions [BOOK 2 OF BM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon