Chapter 12

17 0 0
                                    

"Hello Mom?" I said. Inayos ko ang pagkahawak ng cellphone ko sa kamay.

"Yes, baby? Bakit ka napatawag?" Tanong ni Mommy. I smiled.

"Mommy, dyan po muna ako titira hangga't wala pa po akong nahahanap na bagong condo." sabi ko dito.

"Bakit? May problema ba dyan, anak?" She asked. Halata ang pagtataka sa kanyang boses.

"Wala naman po, Mommy." I answered. "I really just miss you and Daddy, that's all." sabi ko na lang.

Mommy giggled at my answer. "Namimiss ka na din namin. Wala ng maingay na princess sa bahay." Si Daddy.

I giggled too. "Sige, Daddy. I'll end the call na. I still have work." sabi ko.

"Sige, anak."

I said goodbye to both of my parents before ending the call. I slumped in my seat. Kakaunti lang ang pasyente ko ngayong araw.

Napatingin ulit ako sa phone ko nang magring ito. I sighed once again. Pinulot ko ang phone ko at tinitigan ang screen.

Chance calling...

Nireject ko ito. He's been calling me for weeks now pero ayoko sagutin ang mga tawag niya. I need to move on and talking to him is not going to help.

"Ma'am, papapasukin ko na po yung next patient." sabi ng assistant ko.

"Sige." sabi ko.

Pagkalabas niya ng silid ay umupo ako ng ayos. Inayos ko na din ang mga gamit na nasa lamesa.

"Hi. Goodafternoon." bati ko sa pumasok na pasyente.

---

I looked up when the door opened. Pumasok ang kanyang ina at tumabi sa kanya sa kama. "Yes, Mommy?" I asked.

She just smiled at me and motioned me to lie down. Sinunod ko naman iyon. She tucked me to bed and she caressed my hair. I smiled. Mommy used to do this noong bata pa ako.

"Anak, alam mo naman na nandito kami lagi ng Daddy mo para sa'yo diba?" she said. Napabuntong hininga ako.

"Yes, Ma." I asnwered. "Sasabihin mo lang samin kung may problema ka, ha? Mommy and Daddy is always here to help you." sabi nito. I nodded.

Mommy smiled and leaned in to kiss me on the forehead. Pagkatapos nun ay pinatay na niya ang ilawvat lumabas na ng kwarto. I sighed.

Sana nga lang ganun kadali sabihin kay Mommy ang tungkol kay Chance. I sighed once again before closing my eyes.

Decisions [BOOK 2 OF BM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon