Chapter 6

1.3K 62 18
                                    

Napahikab siya bago umayos ng tayo. Nasa simbahan sila at inaantok pa siya dahil alas kwatro palang ng umaga. Gaya ng gusto nang mama ni Nicolo ay andito sila sa simbahan para mag simba para sa simbang gabi. Punuan ang malaking simbahan at halos nakatayo na ang iba.

"Peace be with you." Sabi ng nasa harap niya na dalaga pero nakatingin naman kay Nicolo.

She look around and saw na halos lahat ng nakapalibot sa kanila ay puro babae. Nasa unahan kasi ang pamilya ni Nicolo at nasa panghulihang upuan sila kasama ang ibang pinsan ng mga ito dahil natagalan sila sa pag park ng kotse.

"Peace love." Nicolo said sabay yuko at dampi ng labi sa labi niya na nagpalaki ng mga mata niya.

Napakurap siya bago napalunok at dinampian din ng halik ang lalaki sa labi bago nagsalita. "Peace mahal."

She stand straight at napakunot noo ng makitang tatlong babae na ang nakatingin sa kanila. Problema ng mga to?

"That's sweet." Napalingon siya kay Nicole na pinsan ni Nicolo. "Peace be with you ate." Sabi nito.

"Peace." She response bago bumaling sa harap. And when she saw the girl still looking ay magsasalita na sana siya ng maramdaman niya ang kamay ni Nicolo sa mukha niya at pinapaharap siya dito.

Did she ever mentioned na matangkad ang lalaking to? Sa height niyang 5'4 ay hanggang balikat lang siya nito. Kaya tingala is real ang ganap niya.

"Bakit?" She asks.

"Tired?" Tanong nito at tumango siya. They sat down at iniyakap ni Nicolo ang kamay niya sa braso nito bago pinasandal ang ulo niya sa balikat nito. "The mass is almost over. After this you can sleep all day love." Malambing nitong sabi at dinig niya ang kinikilig na reaksiyon ng pinsan nito na katabi niya.

Napailing nalang siya bago ngisi sa babaeng masama na ang tingin sa kanya. At bilang pang aasar lalo ay mas pinagsiksikan niya ang sarili kay Nicolo na sa huli ay inakbayan siya bago pinahilig ang ulo niya sa dibdib nito.

They stay like that hanggat matapos ang mesa. When the mass is done ay hawak kamay silang nagtungo sa kotse nito habang nakasunod sa kanila ang dalawang pinsan nito na kasama nila sa kotse pabalik sa mansion.

"Ate bat ang sama ng tingin nang babae sa harap mo kanina?" Niña asks pinsan din ni Nicolo.

"Tanong mo sa kuya mo. Mukhang fan niya." She said na ikinatawa nila ni Nicole habang napa tsk naman si Nicolo.

Nakikipag daldalan siya sa dalawang pinsan ng binata nang tinawagan nito ang mga magulang nito.

"Hintayin daw natin sila dito. At makikisabay yung iba sa atin love." Sabi nito bago ito sumandal sa kotse tsaka siya hinila at niyakap sa bewang. He then placed his head on her shoulder na tila naglalambing.

Grabehan ang PDA nilang dalawa. Umagang umaga diyos ko.

"You know, we never thought Kuya Nicolo have some sweet bones in him. Dahil sa lahat ng pinsan naming mga lalaki ay siya ang pinaka suplado." Nicole said na ikinatawa niya.

"Suplado naman talaga ang pinsan mo." She said at naramdaman niya ang paghigpit ng yakap ni Nicolo sa kanya. Napabuntong hininga siya bago hinaplos ang ulo nito. "Pero pag dating sa akin eh tila minatamis na pagkain ang kuya mo. Sweetness overload." She said sabay dasal sa isip na naway wag siyang itapon ng diyos sa kweba ni Lucifer dahil sa kasinungalingan nila ng lalaking nakayakap sa kanya.

"Ready everyone?"

Napaayos sila ng tayo ni Nicolo ng madinig nila ang boses ng mama nito.

"Ready tita." Nicole answered.

"Great now let's go to the farm. Doon tayo mag bebreakfast. Convoy nalang tayo ok. And Nicolo drive carefully." Sabi nito bago sila nilapitan at hinalikan sa pisngi tsaka ito umalis kasama ang kapatid ni Nicolo na habang ang iba ay nagtungo na sa kanya kanyang mga sasakyan.

"Come on love." Nicolo said bago siya pinag buksan ng pinto at inalalayang sumakay sa kotse nito.

He also open the door in the backseat for his cousin na ikinangiti niya dahil kahit suplado ito ay gentleman naman.

When he gets inside the car ay agad nito iyong pinaandar at sumunod ito sa kotse ng ibang pinsan nito.

And while on the way to the farm ay hinawakan nito ang kamay niya habang isang kamay lang nito ang gamit sa pagmamaneho.

"Mahal." She said at kukunin na sana ang kamay niya ng humigpit ang hawak nito doon sabay halik sa likod ng palad niya.

"Incase I haven't said it sweetheart. But you look lovely this morning." Sabi nito na ikinairit ng mga pinsan nito sa backseat.

Napakagat labi siya at pilit ang ngiting hinaplos ang pisngi nito bilang sagot.

Lord wag mong hayaang mafall ako sa kasinungalingang ito. Kaw na po bahala sa puso ko.

My Christmas Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon