Chapter 12

1.4K 63 30
                                        

"Everyone time to get up. It's opening the presents time."

Malakas na sabi ng kung sino man sa labas nang kwarto ni Nicolo.

"Everyone needs to be in the living room in 5 minutes."

"Gusto ko pang matulog." She said bago mas yumakap sa unan niya.  A chuckle interrupt her bago niya naramdaman ang paghaplos sa likuran niya.

"You really aren't a morning person." Nicolo's voice said above her head.

"Shhh patulugin mo pa ako." Sabi niya bago mas yumakap sa unan at halos pumatong na dito.

So comfy and warm.

"Are you planning to suffocate me love?" Nicolo's voice again.

Sasagot sana siya ng agad siyang mapadilat dahil sa malakas na pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Nicolo.

"Nicolo, Asher gising na."boses ng mama ng binata.

"Yes mom. We will be there in a few minutes." Sigaw ni Nicolo habang siya ay nanlalaki ang mga matang napatingala sa binata.

Hindi unan ang kayakap niya. Kundi hubad barong tao. Si Nicolo na walang pang itaas na damit. Dali dali siyang napaupo sa kama at agad namula ng masulyapan ang abs nito.

Diyos ko umagang umaga may papandesal ang ferson.

"Good morning sleepy head." Bati nito bago ito bumangon sabay lakad nito patungong banyo. "Get ready now Asherina bago pa tayo balikan ni mama." Sabi nito bago pumasok sa banyo.

Habang siya ay naiwang tulala. Did she just sleep almost laying on top of Nicolo? Napasinghap siya bago napatakip sa bibig ng maalala ang nangyari kaninang madaling araw. He kissed her again without some audience and after the kiss ay nag aya na itong matulog without explanation why he kissed her or something.

At base sa pagkaka alala niya they sleep on both side of the bed. She look at the bed and she's in the middle. How on earth they tangled up in the middle?

Paghagis ng tuwalya sa mukha niya ang nagpagising sa diwa niya. And when she looks up ay nakita niya ang binata na nakahilamos na at mukha nang fresh. Nakatshirt na din ito ng puti at subrang bango na.

"Freshen up now Asherina. Faster." Sabi nito kaya napasimangot siya bago umalis sa kama at patakbong tinungo ang banyo.

She wash her face and was about to grab her toothbrush ng makita niya iyong naka ready na with toothpaste in it. She bit her lips para pigilan ang pag ngiti bago kinuha ang toothbrush at nagsimula ng magsipelyo ng ngipin.

After she brush her teeth ay umihi na siya  bago inayos ang buhok bago lumabas ng banyo.

Nicolo is on his desk and checking some stuff on his computer at ng makita siya ay tumayo na ito bago siya nilapitan at inakbayan bago sila lumabas ng kwarto.

"Good morning by the way." Sabi nito ng pababa na sila sa first floor.

"Morning din. Salamat pala sa paglalagay ng toothpaste sa toothbrush ko ha." She said at kita niya ang pamumula ng tenga nito. Bakit kaya?

When they reach the living room area ay kumpleto na ang kapamilya ng binata at mukhang sila nalang ang hinihintay. Nicolo sat down in a small loveseat chair habang siya ay nagpaalam na kukuha ng kape nang binata at hot chocolate sa kanya.

When she got back ay agad siyang tumabi kay Nicolo at ipinatong ang mga paa sa kandungan nito na ikinailing lang ng binata bago sinimulang tapikin ang hita niya.

Nicolo's mom lead the giving and opening of the presents na ikinagulat niya dahil ang dami niyang natanggap.

Halos lahat ata ng pamilya nang binata ay niregaluhan siya. From dresses, bags, hair accessories, perfumes, makeup and the one that Nicolo's mom give her is a bracelet na subrang ganda.

"Tita."

"It's for you Asherina. My husband's mom give that to me when she first met me. And now I'm giving that to you bilang unang girlfriend ng unico hijo ko at sana ay future daughter-in-law ko." Sabi nito.

Napalunok siya bago napatingin kay Nicolo na hindi niya mabasa ang ekspresiyon sa mukha. Ngumiti siya ng pilit sa mama nang binata bago ito niyakap.

"Thank you tita." And sorry for lying. Her mind continues.

When she sat down next to Nicolo ay yumakap siya dito without minding his families stares.

"You ok?" Mahina nitong tanong.

"Nagi guilty ako." Mahina niyang sabi na sinagot lang nito nang pagkayakap ng mahigpit. 

Lord sorry po sa kasinungalingang ito.

She let go of Nicolo at ngumiti sa mga kapamilya nito.

The gift giving and opening continues in the living room. Nicolo got watch from his parents while he got some tshirt, shoes and ties from his aunts and uncles. Walang regalo para dito ang mga pinsan nito dahil di na daw nito kailangan yun which Nicolo just smiled about.

"And as part of the tradition, I want you guys to get ready in one hour for us to go to the orphanage. Hurry up everyone, chop chop." Nicolo's mom at mabilis nagsikilos ang mga pinsan ng binata.

Confused na tumingin siya kay Nicolo bago nagtanong. "Anong nangyayari?"

Nicolo pick up the gifts she got and motion her to follow him. Nagtataka man ay sumunod siya dito pabalik sa kwarto nito and when all the gift she received is already in the bed ay hinarap siya ng binata.

"Every Christmas day ay  naging tradisyon na nang pamilya namin ang pumunta sa mga bahay ampunan para magpakain at mamigay ng mga regalo sa mga batang wala ng mga magulang. So you might wanna change clothes dahil isang oras lang ang inilaan ni mama sa atin." He said.

"Nicolo."

"Yes?"

"Ang swerte ng taong mapapabilang sa pamilya niyo. Kayo yung mayaman na hindi madamot." She said bago tumingin sa bracelet na suot niya. "At masaya ako na kahit pagpapanggap lang ito ay pinaranas mo sa akin ang makilala at makasalamuha ang angkan mo na napamahal na sa akin."

"Asherina."

Ngumiti siya bago tumingin sa mga mata nito.

"Bihis na. At sorry sa drama." She said bago ito tinalikuran.

————————-

4 am at natapos ko na finally ang reaction paper na ginagawa ko. At Syempre update ulit hahaha pero last na to (sana lol) matutulog na ako.

Lovelots.

My Christmas Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon