Chapter 4

1.4K 70 28
                                        

"So how did you guys meet?" Tanong ng ate ni Nicolo na si Nadine.

She look at Nicolo lalo na at nilagyan nito ng dagdag na pagkain ang plato niya.

"Is this enough love?" Tanong nitp without minding his family eyeing on them.

Ngumiti siya bago tumango kahit pa alam niyang di niya mauubos ang pagkaing nilagay nito sa plato niya.

"Thank you."

Tumango ito bago humarap sa kapatid nito. "She bumped my car." Sabi nito. "My lambo got really whacked in the back dahil nakatulog siya habang nagmamaneho and that's how our first encounter."

Napangiti siya dahil di na nila iniba ang unang pagtatagpo nila.

"Tapos?" One of Nicolo's nephew asks.

Nasabi na ba niyang malaking pamilya ang kinabibilangan ng lalaki? Dad side not included but his mom got ten siblings. At present ang lahat ng mga iyon maging ang pamilya ng mga ito ngayon dito sa mansion.

"The insurance pays off the bill but our paths been crossing alot. So she take an initiative to know me more and asks for my number." Sabi nito na ikinasinghap niya.

"Hoy kapal. Di kaya. Ikaw ang gustong makita ako ulit kaya kinuha mo number ko. At inabangan mo ako sa pinagtatrabahuan ko." She said na ikinangisi nito.

"Tapos?"

"Ako pa talaga Asherina?"

Umirap siya bago tumango sabay kain. And when she look up ay nakangiting nakatingin sa kanila ang buong pamilya ni Nicolo. Namumulang ngumiti siya sabay sabing. "Ahm pasensiya na po, gutom lang po ako tas masarap po yung pagkain."

Nicolo's mom smiled alot bigger bago nagtanong.

"Iha ilang buwan na kayong mag nobyo ng anak ko?"

"Limang buwan po." Ofcourse its a lie. Baka limang araw ko pong kilala ang anak niyo pero char.

"My god Nicolo, paano mo siya natago sa amin?" Nicolo's cousin asks.

Her fake boyfriend smiled bago siya hinalikan sa gilid ng ulo. "I just don't wanna rush things up. Kinilala muna namin ang isat isa before I decide to show her to everyone. I am tired of playing around and I want my Asherina to be my first and serious girlfriend."

Napakagat labi siya. Sinungaling talaga ng lalaking to.

"So who said I love you first?"

Nagkatinginan sila ni Nicolo bago siya sumagot. "Si Nicolo po." She said at umani iyon ng gulat na reaksiyon mula sa pamilya nito.

"Mom your son is really serious with her." Nadine said bago siya tiningnan. "Do you know that Nicolo never said I love you to anyone other than me and mom at sapilitan pa iyon. Omg, you really changed my brother."

Ang oa naman. Side comment niya. But seriously it's part of the script. Nicolo said na pag sinabi niyang ito ang unang nagtapat sa kanila ay mas lalong maniniwala ang pamilya nito na seryoso na ito sa buhay.

Nagtuloy tuloy na ang kwentuhan at salamat sa diyos at napabaling sa ibang usapan ang kwentuhan sa hapagkainan.

After the hearty breakfast ay naupo sila ni Nicolo sa may lanai area kung saan may mahabang upuan. Nakatingin sila sa mga batang pinsan ni Nicolo na nag si swinning habang ang iba ay naglalaro ng tennis. Sa laki ng bakuran ng mansion nato ay may malaking pool, tennis court at basketball court ito habang may malaking barbecue area naman sa kabilang side at may mga tables and chair din for gathering and also a round ground seating area na may fire place sa gitna.

"Come here." Nicolo said kaya napatingin siya dito. "Inaantok ka pa?"

Umiling siya bago lumapit dito. Ikinagulat niya ang paghiga nito habang nakaunan sa mga hita niya. He wrap his arms on her waist.

"N-nicolo."

"I'm sleepy love. Nakatingin sa atin ang ilan sa pamilya ko. Be nice and let me sleep." Mahina nitong sabi.

Napabuntong hininga siya bago itinaas ang kamay at sinimulang haplusin ang buhok nito at hinayaan ang sariling titigan ang side profile nito.

Ang gwapo talaga. Ang tangos ng ilong at medyo kulot na buhok na subrang lambot. His eyes also got the amber color habang natural na mapula ang mga labi nito.

She now understand why alot of women wanna have a taste of him. Dahil kung itsura lang ang labanan eh hindi ito magpapatalo. Baka nga nangunguna pa.

"Take a picture love, it last long." Sabi nito kaya inis na pinitik niya ang tenga nito.

Yun lang, mayabang ito. Well not in a bad boastful way. He just know what he got and he walk with confidence with it.

"Matulog kana nga." She said at humigpit ang yakap nito sa bewang niya.

"Yes love. But don't stare too long ok? Baka matunaw ako." Sabi nito bago nakangising isinubsob ang mukha sa may tiyan niya na nagpasinghap sa kanya dahil nakikiliti siya.

"Nicolo ilayo mo ang mukha mo sa tiyan ko." She said.

Napatsk ito bago umayos nang higa at pagkakaunan sa hita niya. He then grab one of her hand and hold it while placing it on top of his chest.

"May mga nakatingin ba sa atin?" Tanong nito kaya tumingin siya sa paligid bago tumango sa lalaki.

Naptsk ito and before she could say or do something ay hinawakan na nito ang likod ng ulo niya sabay hila sa kanya payuko para maglapat ang labi nilang dalawa.

Shutangina!!!

My Christmas Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon