Special Chapter

2.4K 86 14
                                        

"Ma si Nicolo po?" Tanong niya sa mama nang asawa ng makababa siya sa sala ng bahay nang mga ito. After ng kasal ay dito na muna sila ni Nicolo nakatira at isa o dalawang beses lang kada linggo bumibisita si Nicolo sa opisina nito.

His mom insisted na dito muna sila sa ilocos lalo pa at buntis siya. Para daw may mag alaga sa kanya at kasama niya pag nagtatrabaho si Nicolo.

"Nasa backyard iha kasama si Nadine." Sagot nito at agad siyang nagpaalam na umalis pagkatapos magpasalamat.

She woke up late, it's already ten in the morning. Siguro ganun pag buntis, napaka antokin niya.

"Mahal." Tawag niya kay Nicolo at ng lumingon ito sa kanya ay napasinghap siya. "Oh my god." She said bago dali daling lumapit dito.

"Damn be careful love." Sabi nito bago siya sinalubong.

Nicolo is way too careful when it comes to her. Lagi itong naka alalay dahil takot itong madapa siya o matisod man lang dahil buntis siya. Alaga din siya nito sa masahe at ito mismo ang nagpapainom ng mga vitamins niya sa kanya dahil gusto nitong makasiguro na healthy siya at ang baby.

"N-nicolo." Naiiyak niyang sabi bago napatingin sa karga nito.

"The nun called me this morning, the adoption was finally finalized love. Atin na si Nicolas." Sabi nito na ikinahikbi niya.

She touched the baby boy's face na nakangiting nakatingin sa kanya. That baby boy in the orphanage na ibinandona sa labas ng gate nang ampunan. Ang batang nasa picture nilang dalawa ni Nicolo na tila family picture nila. Finally that little boy is now theirs.

When her and Nicolo became official, ay bawat dalaw nila sa ilocos ay hindi maaaring hindi sila dumalaw sa bahay ampunan. And every time they go there ay itong batang to ang higit na nakakakuha ng atensiyon nila ni Nicolo. Especially when the nun asks them if they would like to name him, she immediately said Nicolas. Hindi niya alam na palihim na palang gumagawa si Nicolo ng paraan para maampon ang bata mula ng sinabi niyang gusto niyang maampon si Nicolas and hindi pa sila kasal non. And now.

Omg.

"M-mama." Sabi ng bata bago yumakap sa leeg niya.

"Oh don't let mama carry you little champ." Sabi ni Nicolo at nakinig naman ang bata.

"Atin na siya?" She asks her husband.

Nicolo nod sabay akbay sa kanya at halik sa noo niya. "Atin na atin love."

Napatitig siya dito at bakas na bakas sa mukha nito ang saya at kakontentohan na alam niyang mababakas din sa kanya.

Nicolo is her one great love. And no hint of regrets that she felt every time na nakikita niya ang mga mata nito. Nicolo love her like how she dreams to be love. And she loves him just the same.

"Mahal kita." Hindi niya maiwasang sabihin dito habang nakatitig sa mga mata nito.

He smiled before kissing her forehead and letting her head rest on his chest habang karga sa isang braso si Nicolas.

"I love you too Asherina. And thank you for giving me this family. I will take care of you and our kids. I promise that to you love." He said kaya napahawak siya sa tiyan niyang halata na ang bilog doon.

"Smile everyone." Napatingin sila kay Nadine na nakatingin sa kanila habang nakataas ang cellphone niyo na tila kukunan sila ng litrato.

She looks at Nicolo na tumingin naman sa kanya. And when their eyes meet ay sabay silang napangiti sa isat isa kasabay ng pag kuha ni Nadine ng picture nilang magpamilya.

"Perfect."

————————-####———————-
Nakalimutan kong ipost hahahaha

No update sa ibang story dahil busy ang ferson hahaha busy sa tiktok char but seriously balik gawa ng mga assignments ang lola niyo dahil hindi nahiya prof ko na mag bigay ng anim na assignments na due sa Wednesday.

Anyway hope you enjoy this special chapter. Lovelots

Jes

My Christmas Wish Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon