5 months later
"Omg malelate na tayo."
Natatawang tiningnan niya si Nadine. Tarantang taranta sa harap niya habang siya ay nakaupo lang at kumakain ng apple na sinasawsaw sa asin.
"Nadine calm down. Hindi tayo malelate. Ready na si Asher, inuubos niya lang apple niya." Sabi naman ng tita nito.
Nadine look at her and smile. "Ang ganda ng sister in law ko." Sabi nito bago siya patagilid na niyakap. "Who would have thought na hindi lang maiinlove si Nicolo kundi magpapakasal pa? You are such a blessing to us Asherina."
Napangiti siya nang maalala ang mga nangyari sa nakaraang buwan.
(Flashback)
"Merry Christmas."
Masayang batian sa paligid niya. Everyone is gathered in the backyard of Nicolo's parents mansion. Lahat ay may masayang ngiti. Ang kaibahan ngayon ay lahat sila nakapostura ng ayos.
"Merry Christmas Asher." Bati sa kanya ng mga magulang ni Nicolo.
"Merry Christmas din po tita at tito." Bati niya bago yumakap at bumeso sa mga ito.
"Ready to make a wish?" Tanong ng mama ni Nicolo at napangiti siya bago tumango at kinuha ang kandilang hawak nito.
She walks towards the fireplace and stand there watching the fire dancing. Just like last year, nakatayo siya dito at humiling. But this time hindi siya hihiling bagkos umusal siya nang panalangin ng pasasalamat bago itinapon ang kandila sa fireplace. And when she looks up ay mukha ni Nicolo na nasa kabilang side ang nakita niya.
Gaya ng nakaraang taon nakatingin o mas tamang sabihin na nakatitig na naman ito sa kanya.
"Merry Christmas mahal." Bati niya dito na ikinangiti nang binata.
"Come here love. Let me hug and kiss you." Sabi nito kaya agad siyang lumipat sa kabilang side ng fireplace para mayakap ang binata. "Merry Christmas sweetheart." Sabi nito bago siya hinalikan sa labi. "What did you wish this time?" Tanong nito nang hiwalayan ang labi niya.
"Nothing." Sabi niya bago tumingin sa apoy. "Dahil natupad na ang hiniling ko kaya nagpasalamat nalang ako."
"Why? What did you wish last year?" Tanong nito bago siya niyakap mula sa likuran at isinandal ang ulo sa balikat niya.
"I wish to find love and happiness. Diko naman akalain na pag angat nang tingin ko eh yung lalaki sa kabilang side ng fireplace pala agad ang sagot ni Lord sa akin." She said na ikinatawa nito bago siya hinalikan sa leeg na may halong gigil.
"So I'm your answered wish?"
Hinarap niya si Nicolo bago sinapo ang mukha nito. "You are My Christmas Wish."
"I love you Asherina."
"And I love you too Nicolo." She said bago siya nag tiptoe para halikan ang labi nito.
"But I have a wish though." Nicolo said bago bumaling sa apoy ng maghiwalay ang mga labi nila.
"Then make a wish." Sabi niya.
"Close your eyes first."
"Ha?"
"Close it love and trust me." Sabi nito kaya kahit naguguluhan ay ipinikit niya ang mga mata bago hinayaan si Nicolo na gawin ang gusto nito.
Inalalayan siya nitong maglakad. And when they stop ay bumitaw ito sa kanya at ipinagtaka niya ang pagtahimik ng paligid.
"Open your eyes Love." Sabi ni Nicolo and when she open her eyes aya agad siyang napatakip sa bibig dahil sa nakita.
And standing in the middle of the heart is Nicolo who's smiling so big while looking at her."Come here sweetheart." Sabi nito.
Sa nanginginig na kamay ay nagsimula siyang lumakad palapit sa binata. He hold her hand and let her stand infront of him sa gitna ng mga puso.
"N-nicolo."
Napakagat labi ito nang makitang nagsimulang mamasa ang mga mata niya.
"I love you." He whispered. "God knows how much I love you Asherina. You came in my life hard by hitting the bumper of my car. Who would have thought that will be the start of a new story. I never expected us to end like this. Heck I never expected I will fall in love to someone at all. But I'm glad I did. And I am glad that I fall for you." Sabi nito bago ito lumuhod sa harap niya. "So my Love, my Asherina. Will you grant my wish this Christmas? Will you do me an honor of being your husband? Will you marry me?"
Napahikbi siya bago tumango. "Yes . Yes na yes Nicolo."
Agad itong ngumiti bago tumayo at isinuot ang singsing sa kamay niya. Then he touch her face bago siya nito hinalikan sa labi. And when he let go ay niyakap siya nito ng mahigpit.
"I love you." Bulong nito.
"Mahal din kita Nicolo." She said.
A round of applause and whistles erupted in the whole backyard and when they look around ay ang mga masasayang ngiti ng mga kapamilya ni Nicolo ang nakita nila.
"She said yes everyone. My girl said yes."
(Flashback End)
"I'm ready." Sabi niya ng maubos ang apple na kinakain.
Agad siyang inalalayan ng mga ito hanggang sa makasakay siya sa bridal car patungo sa simbahan ng San Agustin. Ang simbahan kung saan narealize niyang sa totoong magkasintahan nalang sila ni Nicolo.
When they arrive to the church ay agad siyang hinanda ni Lena sa labas ng pintuan ng simbahan . Siya ang wedding organizer na pinag practicesan sila ni Nicolo last year.
"Ready ma'am?" Tanong nito.
Huminga siya ng malalim bago tumango.
"Ready."
At kasabay ng pagbukas nang pinto ay ang pagtugtog ng kantang tila inilaan sa kanila ni Nicolo ang kantang Crazier ni Taylor Swift.
The moment she start her first step in the aisle ay agad na may tumulo na luha sa mga mata niya. This is it. Ito na talaga.
🎶 You lift my feet off the ground
You spin me around
You make me crazier, crazier
Feels like I'm falling and I
I'm lost in your eyes
You make me crazier, crazier, crazier🎶Tiningnan niya si Nicolo at gaya niya ay may luha din sa mga mata nito. And when he reach her hand. She knows he is her answered prayer from god.
"God your are so beautiful love." Bulong nito.
"And you are handsome yourself mahal."
Ngumiti ito bago ito lumuhod sa harap niya at hinalikan ang tiyan niya na umani ng singhap sa mga saksi sa kasal nilang dalawa.
"I love you baby." Bulong nito.
And yes she is pregnant.
THE END
—————————-####———————
And it's DONE. HahahahaNaway na enjoy niyo ang kwento nina Nicolo at Asher. Dahil subrang nag enjoy akong isulat siya.
Salamat sa mga nagbasa at umabot hanggang sa huli. Mahal kayo ng apdo ko.
Jes