Agad siyang napatigil sa paglalakad ng paglabas niya nang banyo ay siya namang paghubad ni Nicolo sa damit pang itaas na suot nito. Napalunok siya nang masilayan ang kamachohan ng lalaki, pero agad ding napaiwas nang tingin ng taasan siya nito ng kilay.
Yes they may sleep in one bedroom but this is the first time she saw him half naked. Lagi kasing tulog na siya bago ito maliligo or something.
"Your saliva is dripping love." Sabi nito kaya inirapan niya ang binata bago nilampasan ito at nagtungo siya sa side niya sa kama.
"Maligo ka na nga." She said bago kumuha ng libro na dala niya.
"I will but before that." Sabi nito bago naglakad patungo sa mesa nito sa kwarto at may binigay sa kanya na parehabang maliit na box na nakabalot. "Merry Christmas Asherina."
Gulat na napatingin siya sa binata. "Nicolo."
"It's my gift for you. Open it." Sabi nito bago naupo sa harap niya.
Napakagat labi siya bago sinimulang buksan ang regalo nito and when she's done ay isang gold necklace ang nasa loob na may heart pendant.
"Merry Christmas again." Mahina nitong sabi bago kinuha ang kwentas sa box tsaka ito tumayo at isinuot sa kanya ang kwentas. "It looks good on you." Sabi nito bago siya nginitian.
Ang lakas ng tibok nang puso niya.
"Nicolo mahal to. At wala kong regalo sayo." She said.
Nicolo just smirk sabay haplos sa buhok niya. "Its a gift that doesn't need a gift in return Asherina. And it's also my way of saying thank you for being a sport of this deal we have. Now say thank you."
Napanguso siya bago haplos sa kwentas. "Thank you Nicolo. And merry Christmas." She said at tumango naman ito bago nagpaalam na maliligo na.
Instead of reading ay napagdesisyonan niyang mag tungo sa balkonahe nang kwarto ng binata at magnilay nilay. This Christmas is way different from the Christmas she spent alone for couple of years. At aaminin niya, subrang saya ng puso niya sa araw na to. Hindi niya nga maalala kung kailan yung huling saya na naranasan niya mula ng mamatay ang mga magulang niya.
Huminga siya ng malalim bago ipinikit ang mga mata. She uttered a prayer for her parents soul and thank you to the lord for making her happy today. Na kahit nababalot sa kasinungalingan ang dahilan kung bakit siya andito sa mansion ng mga Romano ay masaya parin siya dahil naranasan niya ulit ang mapabilang sa isang pamilya.
Hindi niya alam kung ilang minuto na siya sa balkonahe, ikinagulat nalang niya ang pagtabi ni Nicolo sa kanya na nagtutuyo ng buhok at umaalingasaw sa bango.
"You ok?" Tanong nito.
Ngumiti siya bago tumango at bumaling dito. "Yup. Masaya lang ako." She said bago walang pagdadalawang isip na sumandal sa balikat nito na ikinatigil ng binata.
"You know at first akala ko suplado at masungit ka. Pero tahimik ka lang talagang tao. Mapag obserba karin sa paligid na nakakaaliw tingnan. Mabuti kang tao Nicolo. Sana alam mo yan." Sabi niya.
Di ito sumagot kaya ipinikit niya ang mga mata at ninamnam ang katahimikan sa tabi nito. For the past few days ay masasabi niyang nakilala na niya ang binata. Alam na alam na niya ang mga gusto at ayaw nito. At natatakot siya. Natatakot siya sa nararamdaman niya sa araw na to.
Alam niyang lahat ng ginagawa nila sa harap nang pamilya nito ay puro pagpapanggap lang. At naiinis siya sa sarili dahil hindi lang isang beses na naisip niya na sana totoo ang siywasyon nila.
She can't fall for him. Isa yun sa patakaran nito. But can she stop her heart from falling kung sa bawat galaw nito ay tila kinikiliti ang puso niyang unti unti nang nahuhulog?
"Mistletoe." Nicolo whispered kaya napadilat siya bago napatingala at May mistletoe nga sa ibabaw nila.
Paanong nagkaroon niyan dito?
She look at Nicolo na ngayon ay nakatingin na sa kanya. And before she could asks him why he's looking at her ay ibinaba na nito ang mukha sa kanya at sinakop na ang labi niya.
Nicolo.
————————
Ayaw ko na. Lol. Kingina mo Nicolo
