"Wait you two are under the mistletoe." Nicolo's uncle said kaya napatingala siya at nasa ilalim nga sila ng mistletoe. Nasa backyard parin silang lahat at nagkakasiyahan.
May mga kumakain, nag kekwentuhan and of course may pa karaoke din. At kanina pa siya lumalapang nang balat ng lechon habang nakaupo sa picnic blanket katabi si Nicolo na nakikipag kwentuhan sa mga pinsan nito.
"You guys should kiss." Nadine said na ikinasamid niya.
"Ahm ok lang po." She said.
"No iha you should kiss. Bat ba kayo nahihiya eh mag nobyo naman kayo." Sabi naman ng auntie ni Nicolo.
Tiningnan niya ang binata para humingi ng tulong pero nakatitig lang ito sa kanya.
"Kiss! Kiss! Kiss!" Chant ng mga nasa paligid nila.
"Fine." Nicolo said bago hinawakan ang mukha niya.
Ramdam niya ang pamumula at pagbilis ng tibok nang puso niya ng titigan siya nito ng husto, then he give her a little smile bago ibinaba ang mukha sa kanya na agad na ikinapikit ng mga mata niya.
And the moment his lips touch her ay tila nakaramdam siya ng kuryente sa kalooban niya. Yes they kissed couple of times pero puro dampi lang yun. This one is different.
It's a real kiss. The way his lips move ay tila kinikiliti ang puso niya. He kissed her deeper at di niya napigilan ang sarili na sagutin ang halik nito. Hindi niya alam kung gaano katagal sila naghahalikan pero napabitaw sila sa isat isa ng makadinig sila ng palakpakan sa paligid.
She was catching some air when Nicolo lean his forehead to hers.
"Lasang lechon baboy." Bulong nito na ikinalayo niya dito at ikinatawa naman ng binata.
Inis niya itong hinampas sa dibdib pero hinila lang siya nito palapit dito and infront of his family ay hinalikan siya nito ulit sa labi. And when he let go ay may pilyong bukas ang mga mata nito sabay sabing. "Yummy."
"Sweet."
Napakurap siya bago tumingin sa kapamilya ni Nicolo na nakangiting nakatingin sa kanila.
"Oh my god." She said na ikinatawa ng mga ito lalo na at napatakip siya nang mukha dahil sa hiya.
"Don't worry iha, we like the kissing scene." Nicolo's mom said na lalong hindi nakatulong sa hiyang nararamdaman niya.
"Stop embarrassing my girl guys." Nicolo said bago inalis ang kamay niyang nakatakip sa mukha niya. "Ignore them love and just eat your lechon." Sabi nito bago siya hinalikan sa noo.
"I can't believe I am seeing the Nicolo who don't have a sweet bone in his body now." Nadine said. "Inlove na inlove ka brother."
Naku kung alam niyo lang. her mind said.
Pilit siyang ngumiti bago bumaling sa lalaking nakatingin na naman sa kanya. Kanina niya pa napapansin ang madalas na pag titig nito sa kanya.
"Bakit?" She asks.
Nicolo shook his head before wiping something away from the side of her mouth.
"Nothing love." He said bago ito nag iwas ng tingin.
Napakunot noo siya bago tinitigan ito. Ano kayang problema nito? Ayaw naba nitong andito siya? Did she do something that will compromise their plan? Wala siyang maalala.
Napabuntong hininga siya bago sumubo ng balat nang lechon baboy. And while she's chewing it ay lumingon ulit sa kanya ang binata bago napangiti habang nakatingin sa kanya.
Weirdo.