Chapter 3

127 13 1
                                    

Elliana's Point Of View

Walang hiyang mixed signals 'yan, dumating pa sa mundo. Nakahiga ako ngayon sa lapag ng kwarto ni Yelena. She insisted on letting me sleep in her bed but I didn't agree.

Nasa sala si Yvonne kasama si Yvette, doon daw ito matutulog. If I know, ayaw niya lang na katabi ako matulog. Gano'n ba talaga niya ka-ayaw sa 'kin?

"Hindi ka pa matutulog, Elli?" tanong ni Yelena.

"Seriously, Yel? Pumayag akong sumama dito kasi sabi mo pagtatabihin mo kami."

"I was planning to, but Yvonne insisted."

Ang hirap ng unrequited love. Dagdag mo pa 'yong mixed signals. Honestly, I pity myself. I am also mad. Galit ako sa sarili ko dahil hindi ko kayang pigilan ang nararamdaman ko para kay Yvonne. Naguguluhan ako. At this state, wala na akong pakialam kung like pa ba o love na. Ang sa 'kin lang, akin ka na lang.

"Naaawa ka ba sa 'kin, Yelena? Siya pa rin talaga."

"Hindi."

Sinamaan ko siya ng tingin na ikinatawa niya. Ang sama ng bibig.

"Naaawa syempre, pero anong magagawa ko? Puso mo 'yan. Comforting words lang ang kaya kong ibigay sa 'yo, Elliana. Masarap magmahal, kaakibat no'n ang sakit. Hindi pwedeng ito lang ang gagamitin," turo niya sa dibdib niya.

"Ito rin, Elli. Pagsamahin mo silang dalawa. Dapat gumawa ka ng desisyon na sang-ayon ang isip at puso mo. Kung ano sa tingin mo at nararamdaman mong tama, iyon ang gawin mo. No one holds your decisions but you, Elli. Only you."

My hearts screams her name, so as my mind. Siya lang.

"Sang-ayon ang dalawa sa iisang tao, Yel. Pero nasasaktan ako."

"Hindi naman kasi palaging masaya ang pagmamahal, Elliana Ellaine."

Gusto ko mag-move on. Walang label moments. Pero hindi naman masamang mag-move on kahit hindi naging kayo, 'di ba? Paano ba mag-move on?

"Hindi ko alam kung dapat ba kitang tulungan o ilayo sa kapatid ko," mahinang natawa si Yelena.

"What if umalis ako?"

"Feeling mo. Kakabasa mo 'yan ng mga pocket novels. Hindi sulosyon ang pag-alis, okay? Ang tunay na pag-ibig hindi humihingi ng kapalit, kahit na ang katumbas ng pagmamahal na binibigay mo ay luha at sakit."

Natatawang tinignan ko si Yelena. Walang naging boyfriend pero kung makabigay ng advice wagas.

"What if, Yel..."

"Anong what if na naman iyan?" nagmamalditang tanong niya.

"What if may choices si Yvonne?"

"Anong choices?"

"Basta choices. Tapos what if sa mga choices niya, ako 'yong none of the above?"

Her face automatically changed. From happy face to poker face.

"Itulog mo nalang siguro 'yan, Elli."

"Ayoko. Gusto ko siya makatabi ulit," umiling ako.

Napailing si Yelena at tumayo. Sinundan ko lang ito ng tingin hanggang sa buksan niya ang pintuan ng kwarto niya. Nakatira si Yelena sa isang apartment complex na iisa lang ang kwarto, may single bathroom, dining area, sala at terrace. Pero malawak ang space. Modern apartment complex to be exact. Ang dahilan daw ay siya lang naman mag-isa ang titira kaya bakit pa bibili ng apartment na may maraming kwarto. Infairness, may point.

"Yvonne! Dito kayo sa kwarto matulog ni Yvette!" biglaang sigaw nito na ikinaupo ko bigla.

"Nababaliw ka na ba?" mahinang angil ko kay Yelena.

"No, Elli. Gusto mong makatabi 'di ba? Manahimik ka na lang diyan."

Pumasok si Yvonne na may dalang unan at comforter.

"Sa sala nga ako, baka masikipan si Elliana kapag katabi kami ni Yvette," poker faced na sabi ni Yvonne.

Akala ko ayaw niya akong katabi. Na-misinterpret ko pala. Stupid me. She was thinking about me. Kung magiging komportable ba ako o hindi.

"Sa 'kin tatabi si Yvette. Sa lapag kayong dalawa. Hindi pwede si Elliana sa kama kasama ako, masikip, baka masikipan si Elliana" lumingon si Yelena sa 'kin at kumindat.

Patagong hindi ko napigilan ang ngiti ko. Gustong-gusto ko talaga ang mindset ni Yelena minsan. Sa aming lahat, si Yelena ang mature mag-isip. Despite that, she still helps us— her friends —no matter what. Maturely or immaturely.

"Ayos lang sa 'kin," sagot ni Yvonne. She then turned to me and asked. "Is it okay with you?"

"H-ha? Okay lang," I answered in surprise.

That was unexpected. Didn't thought she'd ask. I feel hot all over. Oh, my God.

"It's settle then. Tulungan mo si Yvette bitbitin 'yong unan niya, share na lang kami ng comforter," sabi ni Yelena.

Yvonne walked towards me and placed her pillows and comforter next to mine before walking out the door to help Yvette. Impit na napatili ako at dinamba ng yakap si Yelena.

"Love you na talaga, Yel!" tili ko.

"Bumalik ka na do'n. Sana masaya ka na," sarkastikong sabi nito.

Ilang beses akong tumango. More than happy. Imagine sleeping beside the love of your life. Ah, there's that butterflies in my stomach again. Bumalik ako sa pagkakaupo at mayamaya pa ay pumasok si Yvonne kasama ang inaantok na si Yvette.

"Inaantok ka na?" tanong ni Yvonne nang makalapit sa 'kin.

"Medyo lang," sagot ko.

"Okay people, matulog na tayong lahat. Bagsak na si Yvette," Yelena announced.

Humiga ako at hindi sinasadyang mapasabay kay Yvonne. Agad kaming nagkatinginan at sabay ring namula. Mixed signals na naman.

Pinatay ni Yelena ang ilaw at ang natira na lang ay ang ilaw ng lampshade niya. Umayos ako at tumagilid ng higa, patalikod kay Yvonne. Noon, ang taas ng confidence ko to the point na dumantay pa talaga ako sa kaniya. Ngayon, gusto ko na lang maging choco knots, chocolate coated pretzels.

"Tulog ka na?" imik ng katabi ko.

"Was about to, but you talked," wala sa sariling sagot ko.

"Oh, sorry."

Hindi na ako umimik. I stayed in that position until God knows for how long. Hindi ko alam kung ilang oras na ang lumipas at hula ko ay ako na lang ang gising. Tumihaya ako at tumitig sa kisame.

"Gising ka pa ba?"

Natuod ako nang magsalita si Yvonne. Hindi ako umimik.

"Gusto ko lang sabihin na..." she paused. "Gusto kita."

My eyes widened at the sudden confession. Lumakas ang tibok ng puso ko at doon ko rin napagtantong kanina ko pa pala pinipigilan ang paghinga ko. Nag-init ang bawat sulok ng mukha ko.

"Kahit madilim halatang nagb-blush ka," she chuckled.

"Gusto kita. Sobrang gusto kita, Elliana. Bading na bading ako sa 'yo."

*****

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon