Elliana's Point Of View
Nakamasid lang ako kay Yvonne habang nagluluto ito. She'll marry me and I don't even know how to cook. Nakakahiya.
"Love," I called.
"Hm?" she hummed.
"I don't know how to cook," I said.
Yvonne turned to me and smiled tenderly.
"It's fine, I'll cook."
"I don't know how to wash clothes barehanded," dagdag ko.
"I'll teach you."
"I don't know how to properly wash dishes."
"I can."
"I wake up late."
Yvonne placed some plates on the table. I stood up and helped her.
"I'll stay on bed with you."
"I'm a party animal."
Nanatili ang titig ko sa plato na nasa mesa nang matapos ilagay lahat.
"I'll go to parties with you."
"I'm always jealous."
"Me too."
"I'm a crybaby."
"I'll be with you when you cry."
"I'm not going to fit as your wife," I whispered.
"Elliana, no matter what you say, no matter what your imperfections are, I will never leave you. Don't make any reasons for me to leave. That won't happen. You are mine and it will stay as it is."
Mahigpit na hinawakan nito ang kamay ko. I looked down, feeling so embarrassed.
"I'm not rich. I can't buy you fancy clothes. I can't give you designer bags. All I have is myself, Elli."
"And that's more than enough," nag-angat ako ng tingin.
"So are you, Love."
"Thank you." I leaned in and gave her a tight hug.
Yvonne kissed my temple and comb my hair. No one is going to have this woman but me.
"Pupuntahan ko na sina Tita, Love," paalam ko.
"Okay, tatapusin ko lang din 'to," she nodded.
Lumabas ako ng kusina at pumunta sa kwarto ni Yelena. May lakad si Tita at Tito kanina kasama si Isaac at Yvette kaya wala ang mga ito ng dumating kami. Kani-kanina lang din ay umalis si Kaicy kaya hindi naabutan nila Tita ang pag-alis nito. I'm glad I am now in good terms with Kaicy, hindi na mawawalan ng kaibigan si Yvonne.
"Si Yvonne, Elli?" tanong ni Yelena.
"Sa kusina, nagluluto," sagot ko.
Umupo ako sa kama ni Yelena. Nasa teresa si Tita at Tito. Nakita ko rin si Isaac kanina sa sala, naglalaro gamit 'yong computer ni Yvonne.
"Where's Yvette?" I asked.
"In the bathroom."
"Nag-usap kami ni Yvonne. Nahihiya ako," napabuntong hininga ako.
"Bakit? Ano bang napag-usapan niyo?"
"Gawaing bahay. I hate that I don't know how to do a single house chores. Kahit paghuhugas palpak."
"Understandable naman 'yon. Ano bang sinabi ng kapatid ko?"
"Hindi niya ako iiwan kahit ano pang sabihin ko," I bit my lip.
Mahinang natawa si Yelena.
"Matigas ang ulo ng isang 'yon. Kapag sinabi no'n na hindi ka niya iiwan, kahit itulak mo pa 'yan palayo, hindi 'yan lalayo."
"I know. Kaicy told me the same. Ayaw ko rin namang iwanan ako ni Yvonne."
"No matter what happens, always trust and fight for each other. Sa mundong puno ng panghuhusga, ang maaasahan niyo lang ay ang isa't isa."
Yelena and I talked about Dart. Lumabas lang ako sa kwarto ni Yelena ng sinabi niyang magliligpit na siya. Lumapit ako sa may teresa at tinawag si Tito at Tita.
"Tita, dinner's ready na po."
"Elli. Hindi ka ba mapapagalitan ng mga magulang mo? Late ka na makakauwi mamaya," marahang ani ni Tita.
"Hindi naman, Tita. Iisipin lang no'n na kasama ko 'yong pinsan ko at nakikipag-inuman na naman," sagot ko.
Agad kong natutop ang bibig ng mapagtanto kung ano 'yong sinabi ko. Oh, my God.
"I know lots about you, anak. Nak-kwento ka ni Yelena noon sa 'min. Ngayon si Yvonne na ang nagk-kwento tungkol sa 'yo."
Being called anak by my person's mother made me flattered. Ang sarap sa pakiramdam. Hindi pa rin ako makapaniwalang tanggap nila ang kung anong mayroon kami ni Yvonne. Pero mas magiging masaya ako kung pati si Mama at Papa ay matatanggap kami.
"Two weeks from now, babalik na si Yvonne sa probinsiya kasama kami. Ayos lang ba sa 'yon 'yon, Elli?"
"Of course, Tita. It's for her future. Pupunta rin ako doon kapag hindi ako busy."
"Salamat sa pag-intindi, Elli."
"Thank you for accepting us, Tita."
Tita smiled. "Kung masaya ang anak ko, masaya na rin ako. The happiness of my daughter matters, always. Huwag niyong saktan ang isa't isa. Lahat ng problema ay may solusyon. Kapag may problema, pag-usapan niyong mabuti at intindihan ang isa't isa."
It's rare to find a mother as she is. Ngayon alam ko na kung saan nagmana si Yelena.
May pumulupot na braso sa bewang ko at nakilala ko agad kung sino ito.
"I've been looking for you, Love. Akala ko nasa kwarto ka ni Ate."
"Umayos ka, Love. Nasa harapan natin si Tita," I glared at her.
"Ma, nasa kusina na si Papa. Lalamig na 'yong pagkain," baling ni Yvonne kay Tita.
"Let's go."
"Susunod kami, Ma," sagot ni Yvonne.
"Okay. Bilisan niyo at baka lumamig na nga ang pagkain," tango ni Tita at umalis.
Yvonne buried her face on my neck and started sniffing it. I comb her hair using my fingers.
"Love, mag-aral ka ng mabuti ha? Hihintayin kita," bulong ko.
"Dito ako mag-aaral."
"Who says?"
"Ako. Dito lang ako. Ayokong mawalay sa 'yo, Elli. Kaya dito lang ako."
"Love, hindi pwede. Walang kasama si Tita at Tito doon. Yvette is about to enter college and Isaac is still in high school. Alam mong magiging busy na si Yvette."
"You don't want to be with me anymore?" she gasped.
I let out a sigh. Yvonne does act irrational sometimes. That wasn't the main reason though. Pareho na sila ni Yvette na magiging abala sa skwelahan. Gusto kong nandito si Yvonne. Gusto ko na palagi siyang nahahawakan. Pero hindi lang naman sa amin umiikot ang mundo. Pareho kaming may kaniya-kaniyang responsibilidad sa ibang bagay.
"Love, dito mag-aaral si Yvette. Sinong tutulong kay Tita at Tito kung pati ikaw wala do'n?"
"Pero—"
"One year, Love. Isang taon na lang," I cut her off.
"I'll be good. Ga-graduate ako para sa 'yo. Ipapasa ko ang board exam para sa 'yo. Gagawin ko lahat para sa 'yo. Mahal kita, Elliana. Sobra pa sa sobra."
*****
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...