Elliana's Point Of View
Napapikit ako ng mariin ng makita ko si Papa at Mama sa sala. Akala ko nauna na sila para i-entertain ang mga guest na dumadating. It's already six in the evening and the event will start at six-thirty. The event was held on one of our hotels, Villa Élla.
"Breathtaking beauty, Elliana," Mama smiled.
"Of course, saan pa ba magmamana," I smirked.
"Well, you should be. Let's go, we're getting late." Papa announced.
Napairap nalang ako at sumunod sa kanila papunta sa garahe. Papa held Mama's hands which I find sweet. Nakalagay sa likod ni Mama ang isang kamay nito bilang suporta. Mahaba kasi ang suot nito at naka-heels pa kaya kailangan ng alalay ni Papa.
Dumating kami sa venue. Medyo marami na ang tao at may iba pang paparating. If I am not mistaken, Mama invited three hundred guests. Business partners, close friends, family friend, and colleagues.
"Miss President, the prettiest," Evelyn greeted as I sat with them.
Nasa iisang table kami ni Mama at Papa kasama ang mga kaibigan ko. Karen, Evelyn, and Yelena is present, so as Yvette. They look gorgeous with their gowns and make-ups. Yelena designed my gown, the very first gown she made bare handed just for me.
"Buti nakarating kayo. You hate parties like this."
The prefer clubbing than parties like this. I know them very well. Pero nag lie low ang mga ito ngayon dahil may mga boyfriend na. Si Yelena naman, walang oras sa mga gano'n, halata naman. Nahihila lang namin si Yel kapag pumupunta kami pero hindi namin napainom kahit isang beses.
"Of course, we wouldn't miss this for the world. Party mo 'to, you go girl, humayo ka at magpakarami," Karen winked.
"Shut up, Karen. Nadiligan ka na ano?" tanong ko.
Agad naman itong tumahimik at may sinusupil na ngisi sa labi. I turned to Yel and gave her an apologetic smile. We didn't have the chance to see each other for the past days. Pareho kaming busy dahil sa request ko na gown sa kaniya at sa trabaho ko. I'm glad I survived those hellish days. No more crying late at night.
"Take care of your mental health, Elli. Nag-aalala ako sa 'yo," sabi nito sa 'kin.
"Buti ka pa nag-aalala sa 'kin. Kamusta naman 'yong kapatid mo?" may bahid ng sarkasamo ang boses ko ng itanong ko 'yon.
Nagpakawala ng isang malalim na hininga si Yelena at binigyan ako ng maliit na ngiti.
"Noong huling nakausap ko ay tambak daw ng projects, kasabay pa 'yong banda nila na sunod-sunod ang gig."
"Nakakapagpahinga naman daw ba ng maayos?" nag-aalala kong tanong.
"Hindi ko alam. Tinawagan ko nga si Isaac. Bihira nalang daw kung umuwi ng maaga si Yvonne. Katulad mo ay nag-aalala rin ako."
Sa isang iglap ay bigla nalang naglaho ang tampo at inis ko kay Yvonne. Napalitan agad 'yon ng takot at pag-aalala. Nag-aalala ako na baka magkasakit siya sa ginagawa niya. I'm secretly hoping that she eats a lot despite of being busy. I miss her, yes, but she has responsibilities and I need to understand that part. Pilit kong sinasaksak 'yon sa utak ko.
"Good evening, ladies and gentlemen. Would you please join me in welcoming the renown, legendary, and phenomenally successful business tycoon, Elton Josiah Castley."
Napuno ng palakpakan ang paligid. Tunay si Papa at lumapit sa podium. Tinanggap nito ang mic na binigay ng emcee at tumayo ng may pagmamalaki. Ever since I was a kid, I admire how Papa stand with pride. Sanay na sanay na talaga ito at alam na alam na kung ano ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...