Elliana's Point Of View
I'm busy baking when Mama entered the kitchen with Brad.
"What do you want?" I asked.
"Hello to you too, cousin," Brad faked a smile.
"Ano na namang kailangan mo? Bakit ka nandito?"
"Tita, ipagpapaalam ko lang sana si Elli," Brad turned to Mama.
"Of course, you can take her out of this house. Palaging nakakulong iyang pinsan mo, hindi nae-expose ang ganda," tango ni Mama.
"Thanks, Tita. Ihahatid ko rin po mamaya si Elli."
Mama left the kitchen and Brad sat on the bar stool. Ipinagpatuloy ko ang ginagawa ko at hinayaan lang si Brad sa kung ano mang ginagawa niya. Gusto ko sumama, pero kailangan kong magpaalam kay Yvonne.
"Anong mayro'n? Bakit may party?" tanong ko.
"Birthday ng barkada ko. Party girl ka naman kaya nandito ako para isama ka."
"Magbabagong buhay na ako, Brad. Less inom muna."
"Nice joke, kapani-paniwala. Ilang beses mo na sinabi 'yan," tawa niya.
Inirapan ko lang ito at tinapos ang ginagawa. Truth to Brad's words, ilang beses ko na sinabi 'yon pero hindi naman nagkakatotoo. Pero ngayon, magkakatotoo na siguro. I have Yvonne in my life at nakakahiya naman kung 'yong girlfriend niya palainom. Ano nalang sasabihin ng mga magulang at kaibigan niya.
"What time are you going? I'm not sure pa kasi eh, alam mo na, may naga-update na sa 'kin," mayabang kong sabi.
Shock was visible in Brad's face. Ibinaba niya ang cellphone sa counter at pinaningkitan ako ng mata.
"Who? Spill the tea. Gwapo ba? Mas gwapo sa 'kin? Mas matangkad? Mas mayaman? Ano?"
"Oo, gwapo. Mas gwapo pa sa 'yo. Magkasing-tangkad lang kayo. Yes, mayaman. Mayaman sa pagmamahal," I giggled.
"So cringe, Elli. Pakilala mo sa 'kin."
"Yeah, sure."
Umakyat ako sa taas para magbihis. I took a bath and dried myself. Habang nag-aayos ay tinawagan ko si Yvonne. Hindi inabot ng tatlong ring at sinagot naman niya kaagad.
"Hello, Love. How are you?" bungad niya.
"Hi. Magpapaalam sana ako," I bit my lower lip and stared at myself in the mirror.
"Hm? What is it?" she hummed. Malamyos ang boses nito at puno ng lambing.
"I was invited by my cousin in a birthday party. May inuman do'n. Am I allowed to go?"
"Yes... but in one condition."
"What?"
"I'm coming with you. Hindi mapapanatag ang sistema ko na wala sa tabi mo at lasing ka. Pwede kang uminom pero kasama ako. Am I allowed to be with you?"
Lumawak ang ngiti sa labi ko. Tinatanong pa ba 'yan? I always want to be with you, Love. There's no need to ask.
"Of course, silly."
"I'll be there, then. Elli?"
"Yes, Love?" pigil ang kilig na tanong ko.
"I adore you."
"I love you too. See you, Love."
"Yeah, see you."
Ibinaba ko ang tawag at tinapos ang pagbibihis. I found Brad sitting in the couch, waiting for me. Hindi maipinta ang mukha nito habang dumudutdot sa cellphone. Always impatient, like me.
BINABASA MO ANG
Eight Letters
RomanceYvonne Alvarez's therapy is music, well, not until she met a very fine young lady with attractive rare green eyes. She thought falling in love would be the last thing Yvonne would do. But that was a lie. It only took eight seconds for her heart to b...