Chapter 19

58 4 0
                                    

Elliana's Point Of View

"ELLIANA! May bangka sa labas! Gumising ka!"

Nagising ako sa yugyog ni Cleon. Ang laki kasi ng kamay nito at sakop na sakop ang mukha ko.

"Calm down, will you?"

Kumalma rin naman agad si Cleon. I held his hand and we ran outside the house. Two boats with men in black inside it. Bodyguard ni Papa at 'yong iba ay hindi ko kilala.

"You! Bring us back to the city!" sigaw ni Cleon.

The man didn't even budge. They bought foods and sacs of rice. Tama nga ako, may hidden camera sa bahay na 'to. It's the third week of the month, imposibleng malaman nila na paubos na ang pagkain namin sa sandaling panahon lang, unless of course, cameras.

I held Cleon's arm and pulled him away from them.

"What? This is our chance, Elli."

"May plano ako. Huwag ka ngang padalos-dalos, baka bumulagta ka diyan bigla sige ka. Ang laki pa naman ng mga bitbit nila," nguso ko.

"Anong plano?"

"Banggain mo 'yong isa, ayon 'yong nakatayo sa gilid. Tapos kunin mo cellphone. If we can't move here in this goddamn island, then we'll seek help from outside. Wala tayong kalaban-laban sa mga 'yan."

"Bakit ako?"

"Alangan namang ako. Go na, kaya mo na 'yan, malaki ka naman eh," tulak ko.

Hinawakan ni Cleon ang palapulsuhan ko.

"Hindi ako magnanakaw, Elliana! Paano 'pag nahuli ako?"

"Problema mo na 'yon. Kidding. Just go and snatch his phone. Please? Para maka-alis na tayo dito."

Cleon face palmed. Well, tama naman ako. We can't just attack those guys. All of them versus the two of us? Wow, advance heaven.

"Magagalit si Papa God nito sa 'kin."

"Tigil mo nga 'yan. Hindi ito pagnanakaw, okay? Call of needs 'to. Sagot ko na pagpapagamot sa 'yo kung sakali."

Cleon has no choice but to obliged. I stared at him from afar. Palinga-linga si Cleon. Mayamaya pa ay sinadya nitong matapilok at bumagsak sa likod ng isa sa mga gwardya ni Papa. I saw how fast his hand move to snatch the phone on the man's pocket. Walang kamalay-malay ang mga ito sa ginawa ni Cleon, tinulungan pa nga nila na makatayo si Cleon.

Hinintay namin na umalis sila saka kami bumalik sa loob. We stared at the phone, undecided.

"Ano? Buksan mo na," tulak ni Cleon sa kamay ko.

"Go. Do it."

"Ako na nga kumuha, ako pa magbubukas?"

"Oo," sagot ko.

Bago pa makuha ni Cleon sa bulsa niya ang cellphone ay agad kong pinigilan ang kamay nito. I pulled him up and dragged him outside, near the sea.

"Bakit nandito tayo?"

"There are camera's inside the house. Bantay sarado tayo."

"Ilang percent sure ka na wala rito sa labas?" nang-iinis na tanong nito.

"Oo nga 'no?" gulat na tanong ko.

"Shower room. Alam kong wala doon. Hindi naman siguro sila dadating sa point na bobosohan tayo ano? That's invading our privacy."

Inirapan ko ito. Pumasok ulit kami sa loob at dumirtetso sa shower room. Doon ay binuksan namin ang cellphone.

"May password," he hissed.

Eight LettersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon